chapter 6

1.2K 79 1
                                    


Arandel Pov

Ang pinaka araw Kong kailan Ang kaarawan ko at bukas iyon. Oh wag ka di pa ako excited nyan hahaha.

NASA classroom kami at inaantay Ang next Prof namin. Kahapon kasi Ang ginawa namin ay Nag laro kami. Aba yong Prof namin sa sports mukhang isip bata. Grabe kasi Ang pagkachildish.

Biglang pumasok Ang President nami si Allie na mukhang kakagaling lang sa Faculty.

"Wala daw pasok ngayon pinapasabi ni Hm Hida. Dahil magkakaroon ng event bukas. Dahil Kaarawan bukas ni Princess Ella. You may now leave." Naghiyawan naman Ang mga kaklase ko dahil sa inanounce ng president namin.

Grabe kakasimula palang nong nakaraang araw yong pasukan event na kaagad ibang klase.

"Tara Ara sama ka samin total wala namang pasok gala Tayo. Pwede naman yon eh tsaka busy mga Prof ngayon dahil sa gaganapin na event bukas." Sabi ni Aia sa akin. Biglang sumulpot sa harap namin yong tatlo.

"Sama kami mukhang masaya yong pupuntahan nyo eh." Tinaasan naman ni Trina ng kilay si Acer.

"Kapal din Ng mukha mo eh. Magpapalibre ka Lang kamo kaya gusto mo sumam!" Sabi ni Trina sa kanya. At ayon nga nag away ng parang asot pusa.

"Hey babe sama ako." Biglang sabi ni Flane Kay Aia kita sa mukha ni Aia na nandiri sa tinawag nito sa kanya.

"Mandiri ka nga Flane at wag mo Koh matawag tawag na babe di ako baboy!" Sabi nito Kay Flane. Tinawanan Lang sya nito tsaka inakbayan at hinalikan sa pisngi at mabilis na tumakbo palabas.

At ayon nga nag habulan na parang mga sila Flane at Aia.

Pano ko ba nakilala Ang mga toh. Tsaka pano ko ba naging kaibigan Ang mga toh. Grabe parang mga bata eh.

Nagulat ako na may umupo sa tabi ko. Uhm.. si Vlad lang naman Ang umupo sa tabi ko tsaka yumuko sa table.

" Ikaw nga Ara kausapin mo yang kaibigan namin. Pinaglihi ata sa kasungitan at katahimikan." Uhm... Kausapin eh parang wala nga sa mood tong isang toh eh

Tinignan ko naman ito na nakayuko pa din sa table ni Aia.
Nag taas ito Ng tingin sa akin kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Dug

Dug

Dug

Pasimple akong napahawak sa dibdib ko. Hala anong nangyayari bakit Ang bilis Ng tibok Ng puso ko? Wag naman Sana na may sakit ako sa puso.

"Tara na alis na Tayo tapos ko na bugbugin Ang isang toh!" Sabi ni Aia na sakal sakal si Flane.

"Hahaha itsura mo Flane parang kamatis wahahaha Ang Pula ng mukha mo" pang aasar ni Acer Kay Flane na tinaasan lang ng gitnang daliri.

"Hahaha pikon Ang putek!" Natatawang sabi ni Acer tsaka naman inakbayan si Trina. Tinampal nito Ang braso ni Acer kaya kaagad na tinanggal.

NASA isang mall kami na ngayon ay napagdisesyunan naming mga babae na pumunta sa isang boutique.

Yong boys naman ay nag antay Lang sa labas habang kami ay nasa loob at namimili ng damit.

"First time atang sumama ngayon ni Vlad dati kasi kapag nag aaya kaming gumala Hindi Yan nasama. Naninibago Lang kami. Uy pinilit mo bang sumama yang isang Yon? Ayieee mukhang may katapat na." Tinusok tusok pa ni Trina Ang gilid ko. Natatawa naman akong umiwas sa ginagawa nya.

"Hmm Hindi ah di ko pa nga nakakausap yon eh." Tama Hindi pa nga ewan ko ba don Ang tahimik nya talaga. Siguro bawat salita non Mahal.

"Hahaha yiee destiny."

"Destiny mo mukha mo. Tigilan mo ako Trina." Natatawang sabi ko sa kanya tsaka tumingin a sa ibang damit.

May napansin akong isang dress. Mukha syang pang royalty na dress. Simple Lang sya pero kuhang kuha sa tingin Ang kanyang itsura.

"Gusto nyo ho ba Ang isang Yan?" Tanong sakin nong isang sales lady.

"Opo Sana kaso baka Mahal po eh." Natawa naman Ang sales lady sa akin.

" Don't worry yong suot nyong bracelet. Iiscan lang namin iyan then hello dress kana. Malaki Ang nasa bracelet nyo. Kahit anong pagkain at gamit ang bilhin nyo Hindi kayo mauubusan Ng pera." Nanlaki Ang mata ko sa sinabe nya. Tinignan ko Ang bracelet ko at namangha. Wow grabe ngayon Lang talaga ako baka encounter ng ganto.

"Uhm...sige po kukunin ko na po yang dress." Tumango naman yong sales lady at kinuha Ang dress. Nilagay nito sa isang paper bag Ang dress na binili ko.

May isang maliit na bagay Ang hawak Ng sales lady at iniscan Ang bracelet ko.


"Salamat po." Pagpapasalamat ko dito tsaka umalis at pumunta kila Aia at Trina.

"Kanina ka pa namin hinahanap akala namin kong saan kana nag susuot eh." Napatawa naman ako sa sinabe nya.

"Tawa tawa ka dyan nag alala kaya kami tsaka alam mo namang bago ka Lang dito eh." Napairap naman ako at tinaasan lang silang dalawa ng kilay.

"I'm a noob okay Tara na nagugutom na ako eh haha." Bumuntong hininga naman yong dalawa at napatingin sa hawak Kong paper bag.

"Wow buti nakapili ka. Patingin ako?" Biglang sabi ni Trina. Kinuha nila Aia iyon at tinignan.

"Wow Ang ganda tsaka tamo oh bagay na bagay sayo parang kamukha mo si princess el----" ha ano daw? Kamukha ko si? Sino naman iyon?

" Gutom ka lang Trina Tara na." Sabi ni Aia sa kanya habang binalik Ang dress ko sa paper bag.


Hinila nalang kami ni Aia palabas Ng Boutique pero paglabas namin sa boutique ay wala na Ang mga boys.

Ha? Nasaan na Ang mga iyon? Nang iwan ata eh.

" Kahit kailan talaga Hindi makapag antay Ang mga yon eh." Sabi ni Aia tsaka pumunta kami sa isang restaurant.

"Grabe Ang Mahal naman dito Kong sa food court nalang kaya tayo kumain atlis madami Kang pagpipilian" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Really food court? Seryuso ka?" Tumango naman ako. Oo seryuso naman talaga ako don sa sinabe ko.

"Hayst dito nalang tayo kumain mas maganda pa. Tsaka naka ilang dami na akong kain sa food court noon Kaya nakakasawa na." Napatango tango naman si Trina sa sinabe ni Aia sa akin habang nag cecellphone.

Buti uso dito Ang Cellphone. Doon sa mga nababasa ko sa mga libro. Bawal Ang cellphone kong nasa mundo ka ng Hindi ordinaryong Tao. Magagamit mo lamang kapag wala ka sa mundo na iyon.

Oh diba masyadong strict bawal Ang cellphone kapag nasa mundo ka ng Hindi ordinaryong Tao.

Buti dito Hindi sila pinagbabawalan na Hindi mag cellphone.

Kong sabagay kasi Kong meron man yan dito lahat Ng mga studyante ay puro gadget na Ang hawak.

Napansin ko sa labas Ng restaurant yong tatlong lalaki na kasama namin. Nililibot Ang tingin sa paligid at mukhang hinahanap kami.

"Diba sila Acer iyon?" Tanong ni Trina sa Amin ni Aia. Mukhang napansin din ni Trina sila Acer sa labas.

"Pabayaan mo sila dyan. Nang iiwan eh buti nga sa kanila." Biglang sabi ni Aia sa Amin ni Trina. Ang sama naman nito ni Aia haha mukhang galit ata.

******
A/: vote
      Read
      Comment
      Share

(Everygirlsknowme)

haze academy School Of MagicWhere stories live. Discover now