Ang Pagtakas

7.6K 127 12
                                    

Patuloy ang ambulansiya sa pagtahak sa mahaba at madilim na kalsada habang hindi ako mapakali sa kakaibang nararamdaman ko. Di ko mapigilan ang pagwawala, nabasag ko na nga ang ilaw sa loob ng ambulansiya. Di ko maintindihan kung alin ang masakit sa akin at para akong masyadong iritado at nahihilo.

Tumigil ako saglit at tumahimik ang buong paligid... tinitigan ko nang matalim si Jerome. Di ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay matindi ang galit ko sa kaniya.

Yumuko ako para sugurin si Jerome pero sa kabila ng matinding galit na nararamdaman ko ay nagawa kong pigilin ang sarili ko dahil ayaw kong masaktan siya. Ibinuhos ko ang galit ko sa ambulansiya, patuloy akong nagwala sa loob habang si Ana ay nakikita kong iyak ng iyak sa isang sulok.

Naglulundag ako sa lahat ng sulok ng ambulansiya, sa bubungan, sa gilid... parang gusto kong sirain ang buong paligid, pakiramdam ko ay nasisiraan ako ng bait.

Sa sobrang lakas ng pagwawala at paglulundag ko ay nawala sa balance ang ambulansiya at tumaob ito sa gitna ng madilim na kalsada pabulusok sa mga damuhan.

Muling naging napakatahimik ng paligid, pawang mga kuliglig lang ang naririnig ko at pagaspas ng mga paniki... Nakita ko na nakahiga at walang malay si Jerome at si Ana, patuloy ako sa pagtitig sa kanila, gustung-gusto na sagpangin ang mga leeg nila sa di ko malamang dahilan. Maya maya ay narinig ko nanaman ang alulong sa labas ng ambulansiya, sumilip ako at nakita ko Si tatay at ang mga kasama niyang tanod na parang mga aso na tumatakbo nang mabilis pasugod sa akin.

Pinilit kong butasin ang bubungan ng ambulansiya at nang makalabas ako ay mabilis akong tumakbo papalayo sa kanila. Nilingon ko ang ambulansiya kung saan nandon si Ana, nakita ko si SPO Gonzales sakay nang kaniyang police mobile na huminto sa insidente, pati na rin ang anino ni inay ay nakita kong pumasok sa ambulansiya papalapit sa Kay Ana. Galit na galit ang mga tanod na humahabol sa akin kaya lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko sa liblib na lugar.

Nagulat ako sa sobrang bilis ng pag takbo ko, pakiramdam ko ay nililipad ko na ang kalsada, para akong pusa na sobrang bilis na tumatakas sa mga humahabol sa akin.

Sa di ko inaasahang pangyayari, nadakma ni itay ang paa ko, napasubsob ako sa lupa, hinawakan niya ako sa ulo sabay kaladkad sa akin papalayo sa mga kasamahan niyang tanod na galit at patuloy sa pag habol.

Ang Diary ng AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon