KABANATA☆28

1.4K 31 10
                                    

DALAWANG araw na ang nakakalipas pero di pa rin mawala wala sa isipan ang ginawa ni Jhon sa kanya sa bar.

Buti nalang di sila naabutan nang kaibigan nya. Parang tuliro na sya sa mg oras na yun. Namalayan na nalang nung tinawag sya ni Darcy upang ipakilala ang bagong boyfriend kuno nito.

Ewan ko ba bat ang bilis makahanap nang bagong boyfriend yung bakla na yun sa isang gabe.

Kapag nalalasing pala si Jhon ay nagiging mas mahalay ito. Dahil di sya sya nito tigilan nung makauwi na silang dalawa sa bahay.

"Ma'am erika? "Tawag sa kanya na kapwa guro na nasa pintuan nang classroom.

Nasa school sya ngayon at nakaupo sa mesa nya at iniisip ang nangyari sa kanya nung isang araw

"Bakit po ma'am avy may kailangan ka po ba? "Tanong nya dito at tumayo para lapitan nya ito.

Si ma'am avy ang isa sa mga kaibigan nya dito sa tagaytay. Nung nag tuturo na sya ay nakilala nya ito may isa itong anak na studyante nya rin.

Bago ito nag salita tiningnan nito angga studyante nya na nag susulat. at binalik ang tingin sa kanya.

"May nag hahanap kasi sayo nasa Faculty room"Wika nito sa kanya

"Sino daw po ma'am? Kilala nyo po ba? "Nagtatakang tanong nya dito kasi naman kung si Jhon ang nag hahanap sa kanya ay malalaman nya yun at kilala na ito nang mga kapwa guro nya si Jhon kasi ito ang parati nag hahatid sundo sa kanilang mag ina.

"Aii ewan ko doon Di ko nga kilala basta sabi nya puntahan mo daw sya faculty room. Kaya puntahan mo na at ako muna ang magbabantay sa mga bata"wika nito sa kanya

"Sege po ma'am, Babalik agad po ako. pag katapos ko po"

"Sege sege puntahan mo na yun mukhang masungit pa naman yun ma'am"Sabi sa kanya at pumasok na sa silid aralan nya para bantayan ang mga studyante nya.

mag katabi kasi ang room na tinuturuan nila kaya pwede ito bantayan ang mga bata.

Dali dali naman sya nag lakad patungo sa faculty room. Iniisip nya kung sino ang nag hahanap sa kanya.
nang nasa pintuan na at batiin na sana ang bisita nya pero nagulat sya nang makita si mara pala iyon.

Naka suot ito nang magandang damit kung titingnan mo talaga ay laki ito sa yaman. Dahil halatang halata dito.

Anong ginagawa nya dito?

Anong kailagan nya sa akin.?

Nang lumingon ito sa kanya ay tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa at ngumiti.

"So teacher ka na pala?"Insultong usal nito sa kanya.

Gaya nang dati maganda pa rin ito. Matangkad na maputi at may maamong mukha na malademonyo ang ugali.

"Hinahanap mo daw ako? anong kailangan mo sa akin"tanong nya dito at lumapit sa babae. wala na rin ang ibang guro dahil oras na nang pag tuturo kaya nan doon na ito sa mga room na tinuturuan. Kaya silang dalawa lang ni mara ang nandito.

"Nalaman ko lang naman kaya pabalik balik si Jhon dito sa tagaytay dahil nandito ka. Ano pinapaligaya mo ba sya gabe gabe? Mag kano ang binayad sayo? masarap ba. Aii oo naman dahil di yun babalik kung di ka masarap"Diretsahang sabi nito sa kanya.

Tama nga sya nandito ito dahil kay Jhon.

Sasagutin nya sana ito ngunit nag salita muli ito

"Kahit mag bihis ka man gaya nyan pokpok ka pa rin? "Sumbat nito sa kanya at tinutukoy nito ang damit na na pang guro.

 Prostitute Where stories live. Discover now