Kabanata 13 🖤

1.1K 47 10
                                    

~Third Person's Point of View~

WE arrived home at 12:05 pm. Gaya nga ng sinabi ko kanina dito nakatira si Ion. At first hindi ako pumayag. Pero pumipilit siya, binili niya 'ko ng ano ano para lang pumayag ako.

Wala akong balak sabihin kay Ion na may sakit ako para hindi siya mag-alala ng sobra. Sasabihin ko lang sa kaniya sa pag nasa tamang oras na.

"Babe, are you hungry? Gusto mo pag lutuan kita? What do want?" I felt him on my back. And suddenly he hugged me. At pinatong yung ulo niya sa balikat ko.

Tumingin ako sa kaniya, medyo nang-hihina ako. Kaya hinalikan niya yung labi ko. Smack lang naman 'yon. Kaya ngumiti ako dahil don.

This man never fails to make me happy. Kaya nga alam kong hindi niya 'ko kayang lokohin, or iwan. Pero hindi natin alam baka isang araw wala na siya sa tabi ko. Masaya na siya sa isang babae na hindi ako. But it's okay for me, atleast alam kong minahal niya ako ng buo.

"Huy, okay ka lang ba? Gusto mo bang matulog? Buhatin kita ah, papunta sa kwarto." He said. And I just nodded. Aaminin ko, nanghihina ako. Hindi ko alam bigla akong napagod. Wala naman akong ginawa simula nung dumating kami sa bahay.

Binuhat na 'ko ni Ion. I just placed my arms on his shoulder. He looked at me, and smiled. Teka, Thurdsday ngayon diba? May trabaho siya. Ba't siya nandito?

"Diba may trabaho ka? Ba't ka nandito?" I felt something soft on my back. Nasa kama  na pala 'ko.

"Yes, pero I don't want to leave you here. Nag paalam naman ako kay Mom eh. And she agreed. Sa Saturday dalhin kiya sa bahay. Ipapakilala na kita sa Mom ko." He sat beside me. Naka harap siya sa'kin samanthalang ako, hinang hina parin.

"Nahihiya ako, baka hindi ako magustuhan ni Tita. Tiyaka where's your Dad?" I asked. Gusto kong matulog.

"Let's not talk about him. Now you need to sleep. I know na gusto mo nang matulog." And he kissed my forehead. At humiga na rin siya.

Agad naman akong nakatulog. Naramdaman kong may mabigat sa tiyan ko. Hindi ko pinansin 'yon dahil alam kong si Ion 'yon.

"Ion, Ion? Babe? Sa'n ka na? Ion! Ion!!!" Mangiyak ngiyak kong tawag kay Ion.

"Babe! Where are you?! Mitch?!" I heard him. Luminga linga naman ako. It was dark on that place.

I was getting scared. Hindi na 'ko sanay na wala si Ion sa tabi ko. At ang sakit ng tiyan ko. What's happening? Where am I?

"Babe!!! Mitch?!  Nag-aalala na 'ko san ka na?!"  He was calling me. I can hear him. But I can't see him. I felt someone hugged me.

Newly Mrs. Perez Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon