kim seungmin. |
ngayon kami gagala at napag-usapan nila na sa mall nalang daw. syempre nila kasi di na ako nagreply sa gc namin kaninang umaga kasi trip ko lang pati tinatamad ako makipag-usap sa kanila.
naglalakad lang kami dito sa mall at itong si hyunjin nagyayayang mag samgyupsal kasi libre naman daw ni jisung, tapos ito namang si jisung mayaman din eh, um-oo ba naman sa samgyupsal.
nakaupo na kami dito sa loob at habang nag-iintay naman kami na mai-serve yung mga pagkain, nagsimula nanaman sa pagdaldal si jisung at ang daming kinuwento pati na rin yung pagka-no girlfriend since birth niya kinuwento na niya rin kahit nabigay na saamin yung mga pagkain. kahit habang nakain na kami, daldal parin siya ng daldal.
"naka move-on ka na talaga kay haneul ssob?"
napatigil naman ako sa pagnguya ng bulgogi. siniko naman siya ni felix at nagulat naman siya sa sarili niyang tanong. "ay tanga! sorry, sorry 'di sinasadya 'wag mo nang sagutin."
"hindi nga kasi sila magjowa ni sooji." kontra ni felix at nag-weh 'tong katabi ko at sinamaan ko siya ng tingin. "sorry na sorry na." sabi ni hyunjin at tumawa nalang 'tong si jisung.
"hindi. hindi parin." bigla kong sabi at nagulat naman silang lahat pati si jisung na isusubo na dapat yung malaking amount ng pork na kinuha niya. "pre, limang taon na tapos hindi parin? iba ka rin noh?" sabi ni felix at napatawa nalang ako.
"syempre kapag gusto mo talaga, hindi mo pa rin susukuan."
☁
author's note!
sino si haneul?????

YOU ARE READING
REJECTED. seungmin
Short Story❝ kahit ilang beses mo pa akong i-reject, hinding-hindi pa rin ako susuko. ❞ a story in whichㅡ song sooji was rejected by her crush, kim seungmin just because of something that happened in the past. 「 kim seungmin x you : str...