Chapter Nine

5.4K 95 1
                                    

"BAKIT SA tuwing makikita ka namin paganda ka ng paganda. Nakakainis! Parang walang anggulong pangit ka." Bungad sa kaniya ni Emily pagdating niya sa Viking sa North Edsa.

"Kahit na anong gawin mong pambobola hindi ako manlilibre. Kayo ang nagyaya dito kaya dapat ako ang ilibre ninyo. Nanahimik na ako sa bahay ng gambalain ninyong dalawa." She was enjoying her Saturday ng bigla siyang tawagan ng dalawang ito at magyayang mag-dinner. Kadating lang kasi ni Florence mula sa isang out of town business trip at matagal-tagal na din silang hindi nagkikita-kita. At kilala niyang hindi siya makakatanggi sa mga ito.

Inirapan siya nito. "Nagsasabi na nga ng totoo. Edi fine, ang pangit mo na."

Pabirong hinila niya ang buhok nito. "'Eto naman hindi na mabiro. Minsan mo lang ako bolahin lulubus-lubusin ko na. Pero hindi pa din ako manlilibre." Tiningnan niya si Florence.

"Oo na ako na ang manlilibre. Bakit ba laging kayo na ang napipili kong yayain eh nalalagasan lang ako ng pera sa inyong dalawa." Angal nito.

"Okay lang 'yan minsan ka na lang namin makasama kaya dapat palagi kang bumawi."

"At nagsalita ang palagi ko ding nakikita. Eh, simula nga ng magkaroon kayong love life dalawa na-itsap'wera na ako sa buhay ninyo." Madramang wika ni Emily. Nagsimula na nilang kainin ang mga pagkaing nasa harapan.

Kumunot ang noo niya. Florence looked guilty. "Love life ka diyan. 'Etong si Florence ang laging missing in action. Hindi natin siya kasamang nanood ng pyrolympics, hindi ba?"

Emily smirked. "Napilitan mo lang naman akong isama. Kung tutuusin naman date n'yo yun ni Siggy."

Pagkabanggit ni Emily sa pangalan ni Siggy ay tila nabuhay ang natutulog na dugo ni Florence. Bumaling ito sa kaniya. "Yiheee! Ang landi lang ng ale, haba ng buhok. So what's the score between the of you?"

"Score-score ka diyan. Friendly date lang 'yun." Kaila niya.

Naramdaman niya ang pagsundot ni Emily sa tagiliran niya. "Aminin mo na kasing nagkakaroon na ng malisya. Hoy, Hermione! Pusong bato ka ba? Hello, more than six months mo ng sinasabing friends lang kayo ni Siggy, todo effort na 'yung isa mapaligaya ka lang. Kulang na lang sabihin n'ya sa 'yong susungkitin niya ang bituin para sa 'yo. Umamin ka kahit ba paano may pag-asa na 'yung isa?"

Hindi siya agad nakasagot. Titig na titig naman sa kaniya ang dalawa, hinihintay ang sagot niya. She bit her lower lip. "Eh, hindi pa naman siya ulit nagtatanong. Alangan namang ako mag-open up sa kaniya, hello."

"Ang layo ng sagot mo, teh." Angal ni Florence. "May pag-asa ba o wala?"

Tila tuksong nag-flash sa isip niya ang hitsura ng binata. Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Meron, siyempre. He's been so patient with me, so caring and so loving. Kaya lang..."

She heard Emily groaned. "Ano na naman 'yang kaya lang mo na 'yan."

"Hindi ba parang ang aga-aga kung papasok na naman ako sa isang relasyon. I don't want him to think that I'm just using him. Ayokong ding isipin ng ibang tao ang gano'n. I don't want to be unfair."

"Relationship, huh?" Pilyang salo ni Florence. Sumubo muna ito ng pagkain bago tuluyang sagutin ang tanong niya. "Kanina ang tanong lang namin ni Ems sa 'yo ay kung may pag-asa. Eh, mukhang higit na sa pag-asa ang maibibigay mo. But as for your question, sa tingin ko naman walang masama. It's been more than six months. Sabi nga ni Emily lagpas-lagpas ka na sa three-month rule. Walang masama kung susubukan mo ulit magmahal, kung susubok ka ulit buksan ang puso mo. You're not being unfair, nagmamahal ka lang."

His Dream BrideWhere stories live. Discover now