16

3.3K 104 3
                                    

Ay grabe siya oh...

DALAWANG LINGGO.

Ganon ka tagal kong hindi nakita ang anino ng isang iyon.

"Hoy beks! Anong minumokmok mo diyan kain ka na! Ikatlong sabi ko na sa iyong mag tanghalian na tayo oy. Na ngangalam na itong bulate ko pero wala ka paring kibo diyan. Namimis mo si Daviz mo ano?"

Napatingin ako kay Ding.

Ha joke ba iyon?

"Nag bibiro ka? Hindi nakakatawa." Sabi ko sa kanya.

"Aba aba! Taray teh? Nako kumain ka na dahil pag hindi ka talaga kumain ngayon patay kang bata ka mamaya may business trip kayo ng boss mo diba? Magugutom ka."

Napangiti ako kay Ding.

Daig pa niyan ang nanay ko.

Wala akong nagawa kundi kumain.

Alas tres mamaya ang business trip na iyon na tatagal ng isang linggo. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon ka tagal eh.

Isa pa hindi si Sir Speed ang magiging boss ko ang isa pa nilang kapatid. Ang TUNAY na boss daw namin sabi Jero.

"Napapadalas na Beks ang pagiging tulala mo. Simula noong hindi na nag paparamdam iyong Asawahin mo."

Napakunot nuo ako sa sinabi ni Ding.

"Huwag kang mag simula ngayon Ding ha. Hindi ako na tatawa sa hirit mo."

Talagang pinaikutan nanaman niya ako ng mata.

"Alam mo kase kung ako sa iyo tigil tigilan mo na ang pag iisip sa kanya muna ngayon. Kailangan ninyong dalawa ng space. Ikaw ba naman na halos tumira na dito iyong tao tapos nag ha-hot scene pa kayo sa kama at kung saan saan sa penthouse hindi mo pa abot na hulog na hulog na sa iyo ang tao? Baka nag tatampo lang o kaya nag papamis. Try mo kayang tawagan ano. May cellphone ka kaya. Sayang ang silbe ng IPhone. "

Pinagwalang kibo ko iyon.

Alam ko namang nang aasar lang iyang si Ding.

Isa pa... ayo kong tawagan at papuntahin o mag kita kami baka mas lalung maguluhan ako.

"Ikaw ba buntis na?" Tanong ni Ding na napaisip naman ako.

"Nag test ako noong isang araw. Tatlong pt na ang nagamit ko lahat Negative."
Parang nanlumo naman ako sa sinabi ko.

Bakit ba negative parin iyon?

Nagpadoktor ako noon at ang sabi ng ObGyne normal lahat ng resulta ko. Lalung lalu na't hindi ako baog.

Napasinghap ako sa naiisip ko.

Kinalabit ko si Ding.

"Teka nga, ako lang ba talaga ang surrogate ng isang iyon o marami kami?"

Hindi ko gusto ang naiisip ko.

Aba naman baka marami kami ha. Sa dami ng pera ng isang iyon.

Ewan ko biglang nag tagsing ang paga ko sa naiisip ko ng batukan ako ni Ding.

Napa mura ako ng malutong dahil doon.

"Sira ulo ka rin. Alam mo bang ni isang aplikante walang nakapasa sa pihikan na iyon? Hindi ko nga alam kung bakit ka nakapasa sa taste niya e halatang mas maganda ako sa iyo! Kaloka ka. Haba ng hair mo. Gutom lang iyan kumain ka na nga at mag handa Maria."

SFAC: CONFUSIONSWhere stories live. Discover now