CHAPTER TWELVE

4.5K 87 5
                                    

DAHAN-DAHAN minulat ni Ged ang mga mata niya, napapikit pa siyang muli nang masilaw siya sa sikat ng araw na pumasok mula sa pinto ng veranda ng hotel room na tinutuluyan nila. Napalingon siya sa paligid ng pagbangon niya ay wala sa tabi niya si Gogoy. Binalot pa niya ng kumot ang katawan niya bago bumaba ng kama.

Paglabas niya ng kuwarto, napangiti siya nang makita niya ito nasa labas ng veranda sa may sala habang may kausap sa cellphone nito. Nakasuot ito ng itim na jogging pants at kulay asul na sando. Huminto siya sa paglalakad saka pinagmasdan ang kabiyak. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya lubos na makapaniwala na sa kanya na ito, na siya na ang nagma-may ari ng puso nito. Parang isang panaginip lang sa kanya ang lahat ng iyon. Ngunit ang matamis na sandaling pinagsaluhan nila ng nakaraang gabi. Buong puso niyang pinaubaya ang sarili niya dito, at sa mga sandaling iyon, wala siyang pagsidlan ng sobrang kaligayahan.

Ilang sandali pa ay lumingon ito sa gawi niya, awtomatiko itong napangiti nang makita siya. Nakatapis pa rin ng kumot na lumapit siya dito. Hinalikan pa siya nito sa labi kahit na may kausap ito saka siya nito niyakap.

"Yeah, I got it. Tawagan kita ulit kapag pauwi na kami." Sabi nito. "Okay, yes. Thanks, pinsan. Bye." Anito.

Agad siyang hinarap nito pagkatapos makipag-usap sa cellphone. "Good Morning," bati nito sa kanya.

"Good Morning, sino 'yung kausap mo?" tanong pa niya.

"Ah, si Jester. He woke me up with his call. Nalaman na daw nila Lolo ang tungkol sa pagpapakasal natin. Nagagalit nga daw kaya pinapauwi na tayo agad." Sagot nito.

"Ha? Naku, lagot tayo." Kabadong sabi niya. "Halika na, magbihis na tayo at nang makauwi na." yaya niya, sabay hila sa kamay nito.

Pero pinigilan siya nito at muli siyang hinila nito pabalik sa mga bisig nito. Niyakap siya nito ng mahigpit saka sila humarap sa dagat.

"Huwag muna tayong umuwi." bulong nito sa kanya.

Pabiro niya itong kinurot sa braso. "Hindi pwede, ikaw na nga rin nagsasabi na nagagalit na si Lolo Badong."

Parang bata itong umungot. "Ayoko nga, honeymoon natin ngayon eh." Tanggi nito.

"Honeymoon ka diyan! Eh biglaan 'to. Saka na lang tayo bumawi kapag nakausap na natin si Lolo." Aniya.

Bumuntong-hininga ito. "Sige na nga, saka na lang tayo mag-honeymoon sa Paris after ng church wedding." Sabi pa nito.

Gulat na napaharap siya dito. "Anong Church Wedding?" tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya. "We still have our Church Wedding para naman makasama natin sina Lolo, yung parents ko. Pati yung ibang mga kamag-anak mo sa Mother side." Paliwanag nito.

"Hindi ba masyadong magastos 'yang iniisip mo?"

"Nah! Ano bang gastos? Ayan na naman ang pagiging kuripot mo. I want the best for you, kaya huwag mo nang isipin ang tungkol sa pera. Besides what we had was just a civil wedding." Sagot nito.

Tumango siya. Bahagya siyang lumayo dito. "Bahala ka na nga, teka magbibihis lang ako." Paalam niya dito.

Imbes na bitiwan siya nito, ay ngumiti ito ng pilyo saka siya nito hinalikan sa noo, pagkatapos ay sa magkabilang mata, magkabilang pisngi, sa ilong at sa kanyang mga labi. Nang nagiging mapusok na naman ang mga halik nito ay bahagya niya itong tinulak. "Kailangan na natin lumuwas." Paalala niya dito.

Parang bata itong lumabi tapos ay umiling. Sumenyas ito ng "isa pa". Napahagalpak ng tawa si Ged. Ang mga simpleng paglalambing nito, at ang mga simpleng pagpaparamdam nito kung gaano siya nito kamahal ay sapat nang dahilan upang mas mahalin niya ito ng mas higit pa. Hindi niya ipagpapalit ang buhay na kasama ito sa kahit ano pa man.

Car Wash Boys Series 12: John Michael LombredasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon