CHAPTER 8 : The Purpose

3.1K 186 0
                                    

THE CHUBBY REVANGE
Chapter 8



NICOLE POV's


"Sigurado kang hindi ka na sasabay sakin?" tanong ko kay Fleyn. Umiling naman siya.

"May iba pa akong pupuntahan besides susunduin ka naman ng Kuya Frayan mo." Saad ni Flyn.

Si Flyn lang ang nakasama ko pabalik dito sa Pinas. Susunod nalang daw ‘yong dalawa kapag hindi na sila busy.

Nakipagbeso muna ako kay Flyn at naghiwalay na kami. Habang hila-hila ang malita ko ay naagaw pansin ko ang isang lalaking may hawak na karatola. Natawa ako ng bahagya. Para siyang pumunta ng concert na may hawak-hawak na banner. Na kung saan ang nakasulat ay "NICOLE NA BARYADA! WELCOME BACK!"

Wala paring pinagbago ang itsura niya. Siya parin ang kuya kong temang-temang.

Ngumiti ako ng makitang kasama niya ang girlfriend niya na si Honey Mae. Maganda siya at inosente kung titingnan. Lumapit ako sa kanila.

"Hi." Tinapunan lang ako ng tingin nito at muling tumingin sa likuran ko at parang may hinahanap pa siya. Sino pa bang hinahanap niya? nandito na ako sa harap niya!

"Hoy." pagtawag ko uli. "Miss! Hindi purket maganda ka may karapatan ka na magpapansin sakin? pero sorry a? may girlfriend na ako. Nakikita mo 'tong katabi ko? Kaya umalis ka d'yan sa harap ko dahil hinihintay ko pa ang kapatid ko." Natawa ako sa sinabi ni kuya. Hindi na nga pala niya ako makikilala dahil iba na ako sa Nicole na huli nilang nakita.

Lumapit ako sa kaniya at binatukan siya. Galit na tiningnan niya ako.

"Aba! How dar----

"It's me, NICOLE! Kapatid mo." pagputol ko sa sasabihin niya.

Agad napatakim siya sa bibig niya at nanlalaki ang matang nakatingin sakin. Napaatras rin siya dahil sa gulat.

"N-n-nicole?" nauutal na wika niya.

"The one and only." I said.

Kumurap siya ng tatlong beses. "Imposible! Jusq! Anong ginawa nila sayo at nagkaganyan ka." Hayst! Itong si kuya, parang tanga. Inirapan ko nalang siya at tinuon ang tingin sa girlfriend niya.

"Hi, I'm Nicole, Frayan's sister." pagpapakilala ko. "I'm Honey Mae." Nakipagbeso naman siya sakin.

Binalik ko ang tingin kay kuya, na hanggang ngayon ay shocked parin. "Tara! Let's go home." pangyaya ko sa kaniya. Kung hindi siya kurotin ni ate Honey ay hindi pa siya kikilos.




NANG MAKARATING SA BAHAY ay sinopresa ako nila Alyssa, Queen and Aingel.

Maiiyak-iyak na niyakap ko ang tatlo. Noong una nga hindi sila maniwala na ako ang nasa harapan nila. Masyadong malaki ang pinagbago ko wika nga nila.

"Oy, sis. Tatlong taon tayong walang communication. Kaya subra kitang namiss. S-sana hindi ka na galit samin." Nanunubig ang mga mata ni Aingel. Ngumiti ako at niyakap siya. Wala naman akong galit sa tatlong 'to. Tanging sa H7 lang ako may hinanakit dahil nagawa nila akong pagpustahan at sa Ruan na 'yon. H'wag lang talaga siya magpapakita sakin.

"Shhh, Kahit hinanakit wala ako sa inyong tatlo. Mas pinili ko lang mapagisa ng tatlong taon na ‘yon." wika ko. Yumakap naman samin ang dalawa. "We really miss you. Nicole." They said. I smiled and hug them tightly. I miss them so much.



NAKATULALA ako ngayon sa bintana ng kwarto ko. Nasa baba ang lahat habang nagsasaya. Umalis lang ako dahil pakiramdam ko may kaba akong nararamdaman na hindi naman dapat.

Nakamove-on ka na Nicole.

Tatlong taon ang pinaghirapan mo.

Sinaktan ka niya.

Kaya walang rason para hindi mo siya saktan.

Bumuntong hininga ako. Hinawakan ko naman ng mahigpit ang maliit na papel.

"Comeback to Jericho's Life. Make him badly  in love with you, when it's already happened. Broke up with him."

Ito ang note na binigay sakin ni Joy bago ako umalis sa New york. Bumuga naman ako ng malalim na hininga. Alam ko naman ang plano ko.

Makita ko lang umiiyak si Jericho dahil sa sakit na idudulot ko sa kanya ay sapat na para mabawi lahat ng sakit at luha ng ginawa nya sakin noon.

*toktoktok*

"Come in." Ngumiti ako ng iniluwal ng pinto si Alyssa.

"Are you ok? Parang may problema tayo ah." panimula niya. Tumabi siya sa kinatatayuan ko at sumilip narin siya sa bintana.

"Anong dahilan mo bakit mo binago ang dating Nicole?"malungkot na tanong niya na hindi man lang tumitingin sakin. Inaasahan ko na 'to. Ubod ng suplada at napaka rude nang bestfriend ko na 'to pero pagdating sakin ayaw niyang napapasabak ako sa gulo, ika pa nga niya dati. Kung kinakailangan na ako ang lalaban sa mga nambubully sayo gagawin ko. H'wag lang ako sumuko sa kung ano ako.

But im really sorry, Alyssa. Hindi habang buhay nandyan kayo para protektahan ako para lang mapanatili ko ‘yong dating ako na talonan.

I changed for my own good.

Yumuko ako. "I'm sorry, Alam kong hindi mo gusto ang bagong ako na kaharap mo ngayon, pero hindi naman mawawala ang Nicole na nakilala mo. May unting pinagbago lang ang bagong Nicole kaya sana maintindihan mo ko." malungkot na wika ko.

Hinamas himas niya ang braso ko at ngumiti.

"Naintindihan naman kita, Alam kong malaki ang ginawa nilang kasalanan sayo, basta as long as na nakikita kong masaya ka. I'll support you, pero kapag subra na. Baka ako na mismo ang pipigil sayo." ngumiti ako at niyakap siya.

"Salamat." I said.


"O siya, bumaba na tayo sa baba at hinahanap ka na ni Tita." Ani Alyssa. Tumango ako at tumungo na kami sa baba.

Inabutan naman ako ni Kuya Frayan ng inumin. "Still mad at me?" kuya asked.
"Slightly." I whispered.

"I'm sorry." malungkot na wika niya. May mga tanong kasi akong gusto ko malaman kay kuya. Pero mukhang hindi naman niya sasagutin kung tatanungin ko.

"Matagal na 'yun. Pero yung sakit nandito pa. Kaya kung masaktan ko mga kaibigan mo. Hindi mo na ako masisi kuya." saad ko.

Lumungkot naman ang expression ng mukha niya. Ngumiti nalang ako. Sabi na e. Hindi pa handa si kuya sabihin sakin lahat ng dapat kong malaman. Kung bakit sa oras na niloko ako ni Jericho ay hindi niya ako pinagtanggol.

"E nga pala. Pano kayo nagkakilala ng GF mo?" I asked. Gusto ko muna iiba ang topic.

"Classmate ko siya. Iba siya sa ibang babaing kilala ko. Mahinhin siya, Alam mo namang ganung babaeng ang tipo ko. Kaya, Ayon niligawan ko" Kwento niya.

Buti pa si kuya, may lovelife na.

Biglang sumagip sa isip ko si Jericho.

F*ck Nicole! Stop thinking him!

May purpose tayo kung bakit tayo nandito kaya dapat h'wag nating hayaan na masira ang plano.

Bumuntong hininga ako.

"Jericho! see you tomorrow." Saad ko sa sarili.






______________
•DarknessPenn ✍

The Chubby Revenge ( COMPLETED / EDITED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon