Chapter 18

390 14 0
                                    

IT'S NOW WIDE OPEN...

THAILA'S P.O.V

It's been a week since I started visiting him at the hospital. Marami na kaming napagkwentuhan ni Tita Leah tungkol kay Zack and minsan naman tungkol sakin.

She said I'm funny and siguro daw yung pagiging totoo ko daw yung nagustuhan sakin ni Zack. Minsan nag iiyakan kami kapag napag uusapan namin yung pagsasama namin ni Zack.

Alam na rin nila Mama at Papa and they finally believe. They asked some questions and I answered it. Kaya daw ba minsan naririnig nila akong nagsasalitang mag isa. Kaya daw ba ako nag iiyak nung nakaraang araw matapos ang birthday ko. Kaya daw ba yung sobrang saya ko noon e napalitan ng sobrang lungkot at ngayon ay bumabalik.

I said yes to all their questions. Pati sila Yreal and Elle they say sorry dahil hindi daw nila ako pinaniwalaan agad. Nag iyak pa sila dahil sila daw yung kaibigan ko but hindi manlang daw nila ako pinaniwalaan. But I said that's ok dahil kung ako rin naman ang nasa posisyon nila ay hindi rin ako maniniwala.

They wanted to see kung sino daw si Zack so after ng class namin that day sinama ko silang dalawa pati yung mga jowa nila. Nagulat pa si tita Leah noon but sabi ko gusto lang makita ng kaibigan ko si Zack...

They were shocked dahil ang gwapong multo daw nung naging jowa ko puro lang kami jokes pati si Tita nagtatawa na rin. And nung dumating si Papa ay kinausap nya si Tita in private medyo kinabahan ako but we stayed sa room ni Zack.

Naiinggit daw yung dalawa ni Elle at Yreal sana daw ay mangyari din sa kanila yung nangyari sakin kaya yung mga jowa nila ayon lumabas ng kwarto HAHAHAH... Sabi ko naman wag na nila pangarapin dahil ang sakit ng pinagdaanan ko at agad naman silang Sumang ayon. Sabi nila parang nangyari daw sakin yung nangyayari sa wattpad at tinawanan ko nalang sila..

Nang maggabi na ay nagpaalam na kami kay Tita na kakabalik palang ng kwarto. Humalik muna ako sa pisngi ni Zack bago kami umalis. Pinahatid ko na dun sa mga jowa nila yung dalawa kong kaibigan...

Ako naman ay umuwi ng mag isa but I know his soul is right after me. Nang makarating ako sa kwarto ko ay dumeretso ako sa terrace at dun ko naramdaman ang isang malamig na pagyakap sakin ng hangin...

Nandito ako ngayon naglalakad na papunta sa ospital. Excited na akong muli syang makita at mahalikan sa kanyang pisngi. Kapag katabi ko sya sobrang saya ko. Kompleto na ang araw ko kapag natititigan ko sya at nahahawakan ang mainit nyang katawan.

Kaya siguro nung multo sya ramdam ko ang mainit na hininga nya. At kaya pala hindi sya ganon kalamig katulad ng ibang multo dahil buhay sya. Buhay si Zack and yung bulong nung pinasagot ako ni Mr. Roldan noon sa board...

"I love you baby.. I'm coming home baby... Be safe."

Sya nga yun! Dahil babalik na sya sakin! Iintayin ko sya katulad ng ipinangako ko sa kanya bago sya mawala tutuparin ko yon ngayon! Iintayin ko nalang na gumising sya. Iintayin ko nalang na muli nyang imulat ang kanyang mga mata...

Nang makarating ako sa ospital ay dumaan muna ako sa office ni Papa pero di ko sya naabutan kaya nagtanong ako sa mga nakasalubong kong nurse and sabi nila nasa room na daw ni Zack kaya tumungo na ako papunta sa kanyang kwarto.


Excited na akong makita muli si Zack pero bakit parang May kaba akong nararamdaman? Habang naglalakad na ako patungo sa kwarto nya ay di ko maiwasang ngumiti. Akmang hahawakan ko na ang doorknob ng bumukas agad ito at si Papa pala yon.

"O anak!nandyan ka na pala mabuti pa pumasok Kana.." saad ni Papa

"Kakarating ko lang po dumaan ako sa office nyo pero wala kayo kaya nagtanong ako sa mga nurses and sabi nila andito ka daw" nakangiting saad ko


"Sige na pumasok ka na sa loob iniintay ka nya.." nakangiting saad ni Papa kaya kinabahan ako

"Si Tita Leah po?" Tanong ko rito pero umiling lamang ito "eh S-Sino po?" Tanong ko pero ngumiti lamang ito saka nya dahan dahang binuksan ng malawak ang pintuan at nakita ko si Tita Leah na nakaharap sakin iginala ko pa ang mga mata ko pero isang nurse lang ang nakita kong nag aayos ng dextrose. Tiningnan ko si Zack pero natatakloban sya ng nakangiting si tita Leah.


Dahan dahan syang umalis sa kanyang pwesto para makita ko si Zack. Nanginig ang buong katawan ko ng makita ko sya. Pati ang luha ko'y tumulo na ng tuluyan sa hindi ko malaman na nararamdaman.


Gusto kong tumalon at tumakbo papunta sa kinahihigaan nya pero ang katawan ko ay hindi makagalaw ng maayos. Sobra sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"Z-Zack.... G-Gising Kana..." Naiiyak na saad ko. His eyes... His beautiful eyes....I-It's now wide open

Until We Meet Again...Où les histoires vivent. Découvrez maintenant