TDH5//

405 17 9
                                    

TDH5//

\\Kara Juniel's POV

--La Vita Nella Misera

"I am not taking those words." Sagot ko matapos kong pagisipan ng ilang segundo.

"Kung ganun, welcome to the group! Kaming lima ang tinatawag na Gods dito sa grupo. This is not a gang group nor Mafia but this is a Rebel Group. We violate everything." pag-bibigay linaw sakin ni Aedrus

"Ika nga we live by our own law. We hide from authorities, from our parents." sabi ni Sky.

"We were called Excelsis. A Latin word for The Highest. Pwede ka ng bumaba, pero bago muna mamaya may pustahan, marunong ka ba nun?" -Zico.

"P-Pustahan? W-wala akong alam dun. A...Anong pagpupustahan?" painosente kong tanong. Pero hindi ko alam yun. Hindi ako marunong ng pustahan.

"Tss, away mamaya ng dalawang gang. Manonood kami at magpupustahan. :) wala namang ilegal sa gagawin namin. Hihintayin lang namin kung anong grupo ang may unang, alam mo na. Mamamatay. Tayo-tayo lang naman." mamamatay? :| ayoko. Hindi ako sasama. Isa pa Pustahan? Ang alam ko masama yun diba?

"H-hindi ako sasama. Pwede na ba akong lumabas?" tanong ko.

"Itotour ka muna ni Ravi sa bahay... Ravi ituro mo na din kung saan matutulog sila ni Earri."

Earri? kilala nga nila si L. Axel Earri Cha ang pangalan ni L diba.

Tumayo si Ravi at naunang lumabas, sumunod ako sa kanya.

"R-Ravi?" tawag ko, lumingon lang siya sakin.

Bakit hindi siya nagsasalita?

"R-Ravi, matagal ka na ba dito?" tanong ko,

"Oo." at pingpatuloy na niya ulit ang paglalakad. "Pag-masdan mo na lang."

Tinitignan ko yung bahay, mas malaki to kesa sa bahay namin. May pool sa loob ng bahay may pool din sa labas.

Hindi pa naman ganun karami ang tao dito. Siguro mga 22 ganun.

"Ravi pumapasok pa ba kayo sa school?"

Tumango lang siya sakin. Ang tipid masyado.

"I thought all of you are hiding from your parents and authorities?"

"Hindi ibig sabihin nun hindi na kami papasok." ah. Pumapasok pa din naman pala sila.

Pumasok siya sa isang kwarto, kwarto na pinaka-dulo ng hallway.

"Dyan kwarto niyo." tumingin ako sa loob. Pwede na. Malaki, airconditioned.

"S-Salamat." tinalikuran na niya ako pero nagsalita ulit siya.

"Nakapasok ka na dito pero gumawa ka ng paraan para makalabas. Be careful. Hindi lahat kami dito mapagkakatiwalaan." bago ko pa mabuka yung bibig ko umalis na siya at pumasok si L.

"Ano nagustuhan mo ba?" tanong niya sakin.

Anong isasagot ko? :((( nag-aalinlangan pa akong tumango..

"Buti na lang at Sabado lang ngayon at hindi ako absent."

"Tsk, anong mapapala mo dun, bahala ka. Tara lumabas."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Devil's Heart [ON HOLD]Where stories live. Discover now