MBmME18

342 13 1
                                    

Hello guys!!! Gues who's back??? MEEEE!!!! Haha excited lang magupdate kasi biruin niyo almost 6months na ata nung huli akong magupdate. I misssshhhhhyuuuuu guys!!!!

Back to the story na tayo. Before ko simulan, balikan muna natin yung last chapter baka kasi nakalimutan niyo na sa tagal ng update hehe. Ok, ano ba nangyari sa last chapter???? Halla di ko na rin maalala, ulyanin na ang lola niyo haha. Joke! So sa last chap yung sa premiere night right? Yung may bumato kay Nadz ng kamatis tapos hinarangan ni James. Dahil dun nagtanan sila este tumakas sila sa premiere night at napadpad sa isang park kung saan nagkwento si James about his life. Dun din sa chap na yun nabanggit ni James ang name na Erin. Eh sino nga ba si Erin? Tignan natin kung makikilala natin siya sa chap na to, if not sa next chap na lang hahahaha.

Chapter 18

Nadine's POV

Nasa labas ako ngayon ng bahay namin, nakaupo sa swing pero di ko pinapaandar to. Di kasi ako makatulog kaya lumabas muna ako. Pinagmamasdan ko lang ang langit habang malalim na nagiisip.

Akala niyo siguro iniisip ko kung ano na mangyayari sa akin after nung nangyari sa premiere night ano, kung ifafire na ba ako ni Boss Vic? Kung ibabash na naman ako ng mga tao?

Actually, hindi ko yun iniisip. Nagtataka nga rin ako kung bakit eh, parang di ako kinakabahan kung mafire man ako oh ano. Ang iniisip ko ngayon si James.

Sigurado ako papagalitan na naman siya ni Boss Vic. Uulanin na naman siya ng issue. Maapektuhan na naman ang career niya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah." mejo nagulat naman ako ng magsalita si mama kaya napaingin ako sa kanya.

"Ma bat gising pa po kayo?"

"Ikaw nga ang dapat tanungin ko niyan eh, bat gising ka pa?"

"Ah wala ho." sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Asus wala daw! Nadine kilala kita, sige na, sabihin mo na sa akin ang bumabgabag sayo." sabi ni mama at umupo sa kabilang swing.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Eh nagaalala ho kasi ako."

"Nagaalala? Sa nangyari kanina?"

"Opo, sigurado po kasi ako mapapagalitan na naman si James at dahil yun sa akin. Nakokonsensya ho tuloy ako. Dapat kasi di na ako ngattend ng premiere night, edi sana di to nangyari."

"Anak, wala kang kasalanan sa nangyari. Wag mong sisihin ang sarili mo. Isa pa kung kay James nangyari yung ganon, sigurado ako gagawin mo rin yung ginawa niya. Kaya wag ka na masyadong mag-isip, magiging ok ang lahat."

"Pero kasi ho....."

"Hep, hep. wala ng pero pero. Tulad ng sabi ko, magiging ok ang lahat. Kaya sige na, pumasok na tayo at lumalalim na ang gabi."

"Sige na ho susunod na ako." sabi ko at pumasok na si mama.

Siguro tama si mama, magiging ok din ang lahat. Kaya Nadine, wag ka ng nega ok. JAYO!!!!

James' POV

"Oh nandito na si Mr. loverboy"

"Ahhh" sigaw ko dahil sa gulat at napahawak sa dibdib ko. Akala ko kung sino, bwisit talaga tong si Lorenz, kung makapanggulat naman oh tss??

Kararating ko lang sa condo ko ngayon. Teka ano bang ginagawa ng mokong na to dito? Yes, may susi siya ng condo ko kaya anytime pwede syang pumunta.

"Ano ba, bat ka ba nangguguat ha?. And what are you doing here?" kunot noong tanong ko na mejo parang galit ang tono.

"Chill lang bro, bat ang hot mo? Hahaha!!. sabi niya then umupo sa couch at uminom ng beer.

Mr. Bida meets Ms. Extra (JaDine Fanfic)Where stories live. Discover now