Chapter 1 (MEET HER)

78 0 0
                                    

CHAPTER 1:MEET HER

*puttin my defenses up,cause I don’t wanna fall in love,If I ever did that-----*

“ermmm” tumagilid ako saka ko pinatay ang alarm clock ko at antok na antok na bumangon sa kama habang nakapikit pa,dahil kapag hindi ako bumangon ng maaga mamamatay din ako ng sobrang aga kay mama... haay grabe antok pa talaga ako *tingin sa wall clock*

”ano ba yan ang labo?”sabi ko sa sarili at nag effort na tingnan gamit ang pagpapasingkit ng mata

Haaaay tanga ko,,pano ko makikita kung singkit ang mata......di ko na lang tiningnan at sayang sa oras...ieexplain ko pa ba kung bakit di ko agad nakita ang oras aba ay malamang malabo ang mata ko at farsighted alangan namang may ulcer.....teka bakit nga ba ako nagising ng maaga na hindi ginigising ni mama????? Hmmm malamang bumangon????? De joke.......ayyyyy!oo nga

aba!yes nemern cath achievement itech..nagising ng maaga nang walang palo at sigaw kung hindi makuha sa katok ni mader...yes!parang tanga lang no!

“Aray!”daing ko habang nag iinat.... ops wag nyo akong pag isipan ng masama hah nakipagbugbugan kasi ako kahapon,oo tama NAKIPAGBUGBUGAN tinulungan ko lang yung ale kasi ninakawan sya..haaays di naman ako nagpabugbog no nagkataon lang na nasuntok nya ako mula sa likuran ko kaya ayun... lalaki sya kaya masakit talaga yun pero syempre in the end nanalo ako no! Asa pa kayong matalo ako haaays grabe gabing gabi na din pala ako nakauwi kahapon..buti hindi nakita ni mama!

“CATH!ANAK BANGON NA AATTEND PA TAYO SA FAMILY REUNION,ANO BA,WAG MO NA AKONG HINTAYING AKYATIN PA KITA DYAN!”grabe makasigaw si mama parang wala nang bukas..AHA!YUNG BWISIT NA LECHENG REUNION!

“OPO MA NAKABANGON NA NGA OH” sigaw ko

Dahil masamang galitin si mudra at baka barilin ako ay agad ko nang kinuha ang aking big precious eyeglasses pero habang kinukuha ko yun ay nadali ko ang alarm clock ko at nahulog,,,may biglaang pumasok sa isip ko*ting*so kaya pala ako nagising ng napakaaga kasi nag alarm ako kagabi...ahhh tumango tango ako ng parang baliw dun..di na pala yun achievement *toinks*..tumayo ako ng padabog.....kung bakit naman kasi may pa reu-reunion pa silang nalalaman eh hindi naman mayaman I mean yung iba lang hehe..tsk..makikita ko lang yung pinsan kong bruha,oo bruha kasi wala syang ibang ginawa kundi ipahiya ako,pagtawanan at pagmukhaing tanga sa school at palagi nya akong pina-prank kasama yung mga mukhang kropeck nyang barkada,kaklase pa man din nya ako at worst ka-section nya pa ako, sa mga pinsan ko, sya lang yung may ayaw sakin 'di ko alam sa bruhildang yun at wala akong balak na alamin kasi di naman sya importante sa buhay ko haayy...di naman ako maka hindi sa bwisit na reunion na yan kasi yung ibang kaangkan ko eh tumutulong sakin para makapag aral at worst yung nanay nung bruha ay ang mismomg sumusuporta sakin at kay mama at ninang ko pa sya..haaaayyy..saklap no! dumiretso na ako sa banyo at naligo,ano kayang mahalagang pag uusapan at may pa reu-reunion pa silang nalalaman? tsk...pagkatapos kong lumigo ay nagbihis na ako, wala akong taste sa damit kaya kung ano ano na lang ang sinusuot ko,sinuot ko ang grey shirt na loose na may mahabang sleeves at may quote na “IM A FIGHTER” tapos may drawing syang kamao na pangbabae tapos black pants,kaunting suklay,at kaunting polbo then dyaran ok na...o bakit may problema kayo?ganyan ako..proud to be nerd

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si mama na bihis na mas pumustura pa ata kesa sakin tsk..

"O anak bilisan mo na at malayo pa yung pupuntahan natin"sabi ni mama

"Di ba tayo kakain?"tanong ko habang bumababa ng hagdan.

"ahh dun na lang sa reunion siguro"sagot nya..WHUT!!?

“Ma,ano bang sa reunion eh baka makarating tayo dun eh mga alas dos na eh di nalipasan tayo nyan,naloloka lang MA!?”ano na naman kayang naisipan ni mudra tsk tsk..di halatang excited ah

THE COOL NERD METS THE PERFECT COLD GUYWhere stories live. Discover now