Episode 7: Ms Sungit

22 1 0
                                    

 
Sa Mall

 Sa daan habang busy si Ron sa pagtetext makakasalubong niya si Ms Sungit


"Ayy!!.... Pasensya ka na miss hindi ko...."

  Hindi ko pa nga tapos yung sasabihin ko bigla na nyang sinabing..


"NO!!... Alam ko na yung sasabihin mo..na  Hindi mo sinasadya..?!!  Tama?.."
Pagalit niyang sinabi...

"aaaahhmmm... pasensya na ulet" 

"Huli na... huli na....nasaktan mo na ako"

     aba't masyadong madrama naman tong babaeng ito parang nabunggo ko lang eehh.. naglabas na ng mga hinaing..

"Pasensya na"


   Umalis na siya... hay! buti naman kasi kong magkataon baka mabungangaan niya pa ako sa harap pa g maraming tao..
Teka! ano na nga ba yung bibilhin ko?..
Makalimutan ko na tuloy salamat sa kanya...
 tst!!..


                            Sa School


Ano ba tong mga papel na pinamimigay nila?...
Araw na nga pala ng campaign ng mga SGO
Kaya heto nanaman sila sa mga pangakong tiyak na mapapako.Nadala na ako diyan ang mananalo ang mas may kapit sa mga malalakas..

Ha?! namimigay din sila Brian ng campaign papers...?
edi tatakbo rin siya?....

"Guys....tatakbo rin kayo?" Tanong ko sa kanila


"Tinutulungan lang namin tong si Anneth" Sagot ni Alison..

Teka!! kilala ko tong babaeng to aahhh..

  Anneth
*makikita si
Ron
 Teka!! kilala ko itong lalaking to aahhh...


Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa natandaan na nila ang isa't isa

"IKAW???..............."
         Sabay nilang pagbati sa isa't isa


"Ha!?? magkakilala na pala kayo eehhh..."ang sabi ni Brian

"Hindi pa nga eehh.." Habang nakatitig siAnneth kay Ron

"Hindi ko rin yan kilala" Habang nakatitig si Ron kay Anneth.

"aaahhhmm... Anneth siya si Ron..Ronrenley Cruz...
Ron siya naman pala si Anneth..Anneth Joy Deraja.." pakilala ni Brian


"Tignan mo nga naman ang dalawang masungit nagtagpo na" Nung sinabi yun ni Alison tinignan siya ng dalawa

"Ooohhh... relax lang,,....totoo naman di ba?" dugtong pa niya...

  Patuloy na nagkatitigan ang dalawa na para bang nagpapalitan ng sumbat sa isip nila


Sa isip ni Ron:
Tignan mo tong babaeng to kung makatingin sa akin wagas siguro may gusto to sa akin....
Makapagreact naman siya kala mo sinasadya ko yung pagkakabungo ko sa kanya kahapon..

Sa isip ni Anneth:
  Tignan mo tong lalaking to kung makatitig sa akin kala mo lalamunin ako ng buhay..Aba kung siya si Mr Sungit well ako si Ms Suplada kala niya hindi ko siya uurungan..

 Bago pa tuluyang magkainitan ang dalawa'y nagsalita na si Alison..


"Aaahhhmm.. sana hindi ko kayo naiistorbong dalawa noh?.. pero Neng marami pa tayong gagawin tara na....Ron gusto mong sumama?"


"Syempre gusto niya..di ba Ron?.." sabi ni anneth habang pilit na ngumingiti..

Well wala na akong magagawa kundi ang umoo..

"Well ano bang magagawa ko?.."

"Marami Ron umpisahan mo sa pagtulong sa amin na ipamigay tong mga campaign papers namin" sagot ni Anneth

"Pahingi ako"

 President?...ng Mabuhay Partylist....??


"president pala ang tatakbuhin mo ha?.. goodluck.."

"Eeehh ano.???"

 aba't ang sungit talaga netong babaeng ito oohh...tinatanong lang eehh mabuti pa nga tinutulungan ko na siya sa campaign niya..

Teka!! nagsasayang lang ata ako ng oras sa campaign na ito eehh.. kasi alam kong hindi naman mananalo tong babaeng ito eehh..Tignan mo napakasungit may kaibigan pa ba yang iba.. Naku! siguradong wala itong ibubuga kumpara sa ibang candidates..

"Pagpasensyahan mo na si Anneth ha..ganyan talaga pag may topak yan..?.." sabi ni Alison

"Sanay na ako sa mga ganyan tst.. Ano bang problema niyan mabait naman siya sa inyo at sa iba aahh.. bakit pagdating ata sa akin umiinit ang ulo niyan?.."

"Syempre yung Reyes niya nanaman..ayun iniiyakan niya.."

"Reyes?.. sino yun atsaka anong konek ko doon sa Reyes na yun?.."

"Naiinis kasi siya sa mga lalaki pero sa mga hindi niya lang gaanong kakilala..feeling niya kasi kagaya mo si Reyes niya.."

"Pwes mali siya ng inaakala hindi ako kagaya ng lalaki niya noh!!!.."

"Sabihin mo yan sa kanya.."

"Kung pwede ko nga lang isumbat yun sa kanya eehh...kaso sa susunod na lang siguro kasi sa tingin ko may sakit sa puso niya eeh.."

"Iba na talaga pag may experience eehh no?.. nakakarelate sa mga may parehong sitwasyon" biro ni Alison

"huy! hindi naman.."


 Napakadrama naman pala ng buhay ni Ms sungit kaya naman pala ganun na lang siya...


  To be continue....

Kwento ng BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon