(010) Cheating Death

676 36 6
                                    

Cheating Death

Genre: Fantasy, Angst

Length: one-shot

Note: okay patawad kung hindi nyo ineexpect, hahaha! huhu my chanbaek heart. wala kasi kaming net, at bored ako kaya gumawa na lang ako ng angst na tbh ay dapat comedy pero geh. thanks sa mga magbabasa mwa mwa.

© chanbaek-ed, December 2014

________

"Time of death, 11:06 PM, November 27, 2014." hindi alam ni Baekhyun ang gagawin nya ng marinig nya ito. Tanging ang nagawa nya ay pumikit at desperadong umiyak habang niyayakap yakap ang boyfriend nya na isa na lamang malamig na bangkay.

"No, no! Chanyeol! Ba't ngayon pa?! Ba't ngayong birthday mo pa?! Ba't ngayong anniversary natin?! You shouldnt have done that! Dapat hindi mo na yun ginawa! Dapat ako na lang ang mamatay!" sigaw nya habang hinahampas hampas ang dibdib ni Chanyeol. "Chanyeol, gumising ka! Chanyeol!" wala namang ibang magawa ang nurse kundi pigilan si Baekhyun sa ginagawa nya.

Inis. Galit. Lungkot. Matinding lungkot ang nararamdaman ni Baekhyun. Nakaupo pa rin sya sa upuan ng hospital habang naka clench ang kanyang fists. Duguan pa rin ang damit nya at para syang lasing. Ilang araw na ang nakalipas mula ng mamatay si Chanyeol, ngunit sya wala syang ibang magawa kundi isipin na nasa coma lang ang boyfriend nya, at hinihintay nya itong magising.

"Mr. Byun Baekhyun, wala na nga ho ang boyfriend nyo! Maaari bang lumabas na kayo dito sa ospital ngayon din?" pakiusap ng isang gwardya na taga bantay ng ospital. Tinignan sya ni Baekhyun, nakikita nya lang ay lungkot mula sa pulang mata nito. Napakalaki na rin ng eyebags nito, halatang ilang araw nang walang tigil sa pagiyak at ilang araw nang hindi nakakatulog. Hindi sya pinansin ni Baekhyun at ngumiti.

"Anong oras na ba? Kelan ba magigising si Chanyeol? Miss na miss ko na kasi sya." sabi ni Baekhyun habang nakangiti pa rin, pero bakas pa rin sa mukha nya ang matinding lungkot bunga ng pagkawala ni Chanyeol. Napabuntong hininga ang gwardya at tinitigan sya.

"Ano bang gusto mong gawin? Ano ba gusto mong mangyari? Gusto mo bang bumalik sa nakaraan?"

Dahil sa sinabi nyang ito, napatakip si Baekhyun sa mukha at iniiyak na lamang ang sakit. Hindi nya matanggap na wala si Chanyeol, hindi nya matanggap na hindi na ito magigising pa, asa pa rin sya ng asa, kahit alam nyang hindi hindi ito mangyayari na.

"P-parang awa mo na, ibalik mo ako. Ayokong nararanasan to, a-ayokong maiwan. Kung p-pwedeng ako na lang yung nasagasaan, ayokong mangyari sa kanya to. I love him so much! Ako ang dahilan kung bakit nandyan sya ngayon, kung bakit hindi na nya maeenjoy ang mga susunod ng araw! Ako ang dapat nakahilata dyan! Ibalik mo ako sa oras na hindi pa nasasagasaan si Chanyeol. Ibalik mo ako, parang awa mo na!" kulang na lang ay lumuhod si Baekhyun habang desperadong nakikiusap sa gwardyang ito. Hinatak naman nya pataas si Baekhyun at tinitigan ito. Tuloy tuloy pa rin ang pagagos ng luha mula sa mga mata nya.

"Titigan mo ako ng diretsyo, mahahanap mo ang kasagutan sa tanong mo.." seryosong sabi ng gwardya at inalog sya. Hindi alam ni Baekhyun ang gagawin nya, pero may kung anong nagudyok sa kanya na gawin nga ito. It may sound crazy but sa tingin nya hindi nagsisinungaling ang gwardiya. Tinitigan nya ito straight sa mata, at hindi nya alam kung bakit, pero nangyayari nga.

He can feel his surroundings changing. Nakahinto ang paligid. Eto na nga ang lugar. November 27, 2014, sa parke, 10:37 PM, ilang minuto na lang ay mamamatay na si Chanyeol. Pero mistulang nakahinto ang paligid habang nakatingin sya sa mata nitong gwardya.

"Pag inialis mo ang tingin mo sa aking mga mata, ibig sabihin ay handa ka nang tanggapin ang mga mangyayari sa susunod. Gawin mo ang gusto mong gawin, minsan lang to. But remember, one still has to die." napanod si Baekhyun sa sinabi ng gwardya. Pumikit sya at tumalikod, handang handa na sya. Naramdaman nya ang paggalaw ng paligid, ang pagingay ng mga tao. Eto na yun, etong eto na.

Endless sleepless nights. Endless crying. Guilt eating him. Loving a person so badly. Naglakad muna sya sa paligid at hinanap si Chanyeol at ang sarili nya. Alam nyang hindi nagbibiro ang gwardiya dahil nandito talaga sya. Nakita nya ang lalaking nagaayos ng sasakyan, ang batang nagsswing, ang lalaking may kaaway na lalaki pero sure syang mahal nila ang isat isa, at ito na yon, ang past self nya at inaalog nito ang katawan ni Chanyeol habang tumuturo sa ice cream stand sa kabilang kalsada.

"You son of a bitch." sabi nya sa sarili nya at sinamaan ito ng titig. "Napakasama mong nilalang, dahil sayo, nangyari ang lahat ng ito.."

At gaya ng inaasahan nya, humarurot ng takbo yung si Baekhyun papuntang kalsada. Nakita nya rin ang trak na papadaan, at si Chanyeol na nanlaki ang mga mata at hahabulin sana sya. Agad agad syang tumakbo kay Chanyeol at hinigit ito.

"Teka, Baekhyun? Kala ko ba--" hindi natapos ang sasabihin ni Chanyeol nang halikan ito ni Baekhyun sa labi.

"Sorry, sorry. Dahil sayo nangyari ang lahat ng ito pasensya n--" natigil ang paghinga ni Baekhyun at nahulog na lang sa lupa basta basta.

Nasagasaan na sya.

Ngunit ay naligtas si Chanyeol.

"Time of death, 11:06 PM, November 27, 2014." walang ibang magawa si Chanyeol kundi humagulgol ng marinig ang sinabi ng doktor. Desperado, nasasaktan. Ano ba ito? Kung sana nailigtas nya si Baekhyun doon hindi ito mangyayari. Sana sya ang namatay, sana sya ang nandito ngayon. Sana ay nakaligtas si Baekhyun. Ang bigat ng nararamdaman nya, ang sakit sakit.

Lumabas muna sya sa kwarto dahil dito. Napaupo na lang sya basta basta sa isang upuan habang patuloy pa ring umiiyak. Hindi nya lubusang matanggap ang nangyayari ngayon. Napakaganda ng birthday present sa kanya, sobrang ganda ng impact. Napakaganda ng surprise.

"Alam mo, napakaswerte mo sa boyfriend mo." napatingin sya sa katabi nya at nakita ang isang.. gwardya?

"S-sino ka naman?" tanong nito.

"Oh, wag kang umiyak. Hindi nya ako kabit. Ako ang tumulong sa boyfriend mo. Ako ang nagbalik ng panahon para sa kanya. Ako ang tumulong sa kanya para gawin ang gusto nyang mangyari. Gusto ka nyang iligtas, Chanyeol. Mahal na mahal ka nya. Napakaswerte mo na nakatanggap ka ng isang katulad nya na handang isuko ang buhay nya para lang mabuhay ka."

Napakagat sa labi si Chanyeol at lalong naluha. Hindi, hindi nya deserve si Baekhyun. Hindi nya deserve ang isang napakabait na si Baekhyun.

"Ikaw ang namatay dun, Chanyeol. Ikaw dapat ang namatay, alam mo yun? But I broke the rules. Kitang kita ko gaano ka gustong iligtas ni Baekhyun. Nakita ko kung gaano ka nya kamahal. Nakiusap sya saking ibalik ko sya sa panahon na sobrang tanga nya. Alam nyang sya ang dapat mamatay, kaya nung tumakbo sya sa kabilang kalsada ay may lumapit na Baekhyun sayo. Duguan, nasasaktan. Sya ang Baekhyun'g desperadong ibalik ka. Nang halikan ka nya ay napaniwala kang bumalik sya at hindi tumakbo papuntang kabilang kalsada. Mahal na mahal ka nya, Chanyeol. Nasagasaan sya, namatay. Para sayo." tumalikod na ang gwardya pagkasabi nya nito.

Kahit sobrang luhaan na ni Chanyeol ay nagawa pa rin nyang kausapin ang gwardya.

"H-hindi ko deserve ang katulad nya.. dapat ako ang namatay."

"Wag kang tanga, Chanyeol. Tama na ang pagpapakatanga. Wala ng dapat magbago ng oras, alam mo ba yun? Sa tingin mo ba matutuwa si Baekhyun pag nalaman nyang iniligtas mo sya? Ayaw nya yung mangyari, at isa pa, tama na ang pagloko sa kamatayan. Ano pa ba gusto mong mangyari?"

Tumahimik si Chanyeol at naglakad naman papalayo ang gwardya.

"A-anong pangalan mo?"

Huminto ito.

"Ayokong ireveal ang pangalan ko sayo, at kung ano ang kaya kong gawin. Pero tawagin mo na lang akong Tao. And let's just say, I can change and cheat time and also, death." pagkasabi nya nito at bigla na lang syang naglakad papalayo at iniwan si Chanyeol na umiiyak pa rin.

finish

ChanBaek DrabblesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang