Epilogue

2.2K 35 13
                                    

Hi there! Kung nakaabot ka na rito! Super thank you po! Kahit na hindi ito perpekto dahil marami talaga ang mali, bagal pa mag ud! Hehe. Salamat po sa mga nagbasa! Pagbubutihan ko pa po! Thank you!(。◕‿◕。)

GABRIEL'S POV

Paulit-ulit kong tinatawagan ang number niya. Ngunit ganoon pa rin ang sagot ng operator sa kin!

"Fuck!" Inis na sigaw ko at tinapon ang cellphone.

"Init ng ulo." Lumapit sa akin si Owen, Natatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo akong simulan." banta ko.

"Okay. Sayang may ibabalita pa naman ako." Nagkibit-balikat siya.

Mabilis akong lumingon. "What is it?"

"Akala ko ba huwag kang simulan?" He smirked.

Tumayo ako at nilapitan siya. "Sasabihin mo o-"

"Fine!"

Sasabihin din pala kailangan pang takutin!

"May bagong tumira sa apartment according to my source and baka kakilala niya 'yong ex mo."

"Girlfriend." I corrected him.

Humalakhak siya. "Okay! Girlfriend!"

Hindi ko na siya pinansin at inisip kung sino ang bagong tumira roon. Maaari ngang kakilala niya si Lou. Nabuhayan ako ng loob nang may naisip.

Inayos ko ang gamit ko at handa nang umalis.

"Wait! Where are you going?"

"Pupuntahan ko"

"Ano?  At bakit?"

I glared at him "Basta! Pack your things! Lilipat ulit tayo roon!" Saka ako tumalikod.

"Nababaliw na naman si Gabriel!" Rinig ko pang sambit niya.

Noong gabing iyon, binisita ko nga ang apartment. Bukas ang ilaw. Senyales na may tao nga. Sumasakit ang puso ko habang tinitingnan ang bahay.

Nandito lahat ng alaala namin ni Chloe.

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan. Nakita ko siya. Ang babaeng nakatira rito. Taka siyang  tumingin sa akin habang palapit. Ngumiti agad ako.

Kahawig niya ang Chloe ko.

Ngunit nang makalapit siya ay mabilis akong sumeryoso. Binuksan niya ang gate habang nagtataka pa rin. 

"Hi! Ano pong kailangan nila?" Maayos na tanong niya. Parang anghel ang boses. Nanatili akong nakatitig na parang tanga.

"Hey kuya?" Ulit niya pa. Bahagya niyang tinaas ang kaniyang kamay kaya agad akong natauhan.

"Wala.." napapikit ako. "Sige, alis na ako." Mabilis akong tumungo sa kotse at pinaandar ito.

"Damn! Nakakahiya! Ano na lang iisipin noon sa akin?" Kausap ko sa sarili habang nagmamaneho. Iyon ang laman ng isip ko hanggang gabi. Hinahangad na makita kong muli ang babae.

Mabilis na tinupad ang dasal ko. Nakita ko siya sa bookstore. Tila may tinataguan. Natawa ako dahil nang kausapin ko siya, namumula at gulat na gulat. Kaya alam ko na agad na ako ang tinataguan niya.

Hmm bakit mo ako tinataguan?

"Gabriel Salvador." Pakilala ko. Nilahad ko ang kamay ko. "And you are?"

Nahihiya pa siya ngunit tinanggap din. "Krischel.." kinagat niya ang labi. "Krischel Mendez."

Nga lang, nang nalaman ko ang pangalan niya. Hindi ko na tinantanan. Kuryoso ako sa kaniya.

I Love You, GoodbyeWhere stories live. Discover now