CHAPTER 1

1.7K 57 8
                                    

( Five Years Later )

There's a rumor that before or at the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry. And this is what exactly my best friend actually always telling to me, that I have already met the person I am going to marry since I was at my age of 16.

I am already 21 years old and currently a 4th year college student, konting kembot na lang at ga-graduate na ako. Matanda na ako at hindi ako para magpapaniwala sa mga ganitong sabi-sabi.

“Alam mo Cahill, tigilan mo na 'yang mga pinaniniwalaan mong mga ganiyan, walang makakapagsabi ng tadhana. Isa pa huwag mo ngang ipagpilitan sa'kin na nakilala ko na ang taong pakakasalan ko, 80% lang naman pati ang sabi, huwag mo akong dinadamay.”

“Nararamdaman ko talaga Avirille, parang ako rin nakilala ko na ang the one ko. Sino kaya sila? Sana makilala na natin sila. Malay mo kaklase lang pala natin o kaya 'yong mga nasa kabilang build---”

“Cahill, ang OA, ang OA.” Tinakipan ko ang bibig ng kaibigan ko gamit ang kamay ko para matahimik na ito.

“Tama na, ok? Ayos na 'yon.” Ibinaba ko na ang kamay ko mula sa pagkakatakip ko sa kaniyang bibig.

“Eto naman! Minsan na nga lang ako---” Hindi ko na ulit pinatapos pa ang sasabihin niya. Paulit-ulit na lang siya ng sinasabi, kesyo minsan lang daw siya mag-assume at imagine tapos pipigilan ko pa kahit ang totoo segu-segundo niya ginagawa.

Siya nga pala si Cahill Vuenesco. Ang best friend kong may saltik. Tulad ko isa rin siyang 4th year college at magkaklase kami. Jolly at talaga namang maligalig ang isang ito. Mahilig din siyang magpapaniwala sa mga sabi sabi katulad na lang ng paniniwala niya sa ex niya na hindi raw siya nito iiwan--- joke wala pala siyang ex. We're both NBSB.

“Enjoy ka sa pag-iimagine, kaya mo naman 'yan ng wala ako. Una na ako, kanina pa ako roon hinihintay ni Kinoah. Bye Cahill!" Ikinaway ko ang kamay ko habang nakatalikod na naglalakad palayo sa kaniya.

“Avirille Salamanca!” Rinig ko pang tawag niya sa buong pangalan ko pero hindi ko na ito binigyang sulyap pa. Hindi ko talaga gustong tinatawag ako sa pangalan ko na kasama ang aking apelyido. Ayos na sa akin ang Avirille as in Ey-bi-ril. Marunong kasi akong makuntento hindi katulad ng ex mo na iniwan ka dahil marami kang pagkukulang--- ay joke pasmado.

“Kanina ka pa nandiyan?” tanong ko kay Kinoah. Siya ang kinakapatid ko dahil ninong at ninang niya ang parents ko.

“Hindi naman, mga sampung minuto lang naman akong naghintay sa'yo, kaya hindi, ngayon lang ako dumating,” sarkastiko niyang sagot.

“Sorry na nga, si Cahill kasi umandar na naman pagka---”

“May sinabi akong magpaliwanag ka? Pasok na, gusto ko na matulog.” Pagpapapasok niya sa'kin sa kotse.

“Ikaw talaga hmp!”

“Papasok o iiwan na kita dito?”

“Nakakaini---” Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay sinimulan niya ng paandarin ang engine ng sasakyan dahilan para pumasok ako ng mabilis sa loob nito.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan.

Sa lahat lahat siya lang naman ang mabilis makapagpabago ng mood ko. Marinig ko pa lang ang buong pangalan niyang 'Kinoah Gajo' nangungunot na agad ang noo ko at nagsasalubong na agad ang dalawang kilay ko. Tahimik naman siya kaso nga lang kapag nagsimula na siyang magsalita mas gugustuhin mo na lang talagang nakasara ang bibig niya. At 'yong galawan at titig niya nakakainsulto eh, akala mo ang guwapo guwapo niya. In his dreams!

MARRYING HIM [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now