MAHAL

23 1 0
                                    

Mahal ka ba?
Mahal-mahal ka ba?
Mahal ka ba niya?
Mahal ka na ba niya?
Mahal ka ba talaga niya?

Mahal-Mahal ka ba?
Ng taong tinuturing mong prinsesa
Ng taong pinapahalagahan mo ng sobra
Ng taong minamahal mo ng higit kanino man
Mahal-mahal ka ba?
Mahal ka ba niya?
Mahal ka ba niya dahil ilang beses mo ng ginawa ang lahat
Para sa kanya
Kahit di niya ito
Nakikita pa.

Mahal-mahal ka ba niya?
Mahal ka na ba niya?
Dahil ilang beses ka ng umaasa at
Ilang beses ka ng nasasaktan sa mga kwento niya
Pero bakit di mo siya sukuan pa

Mahal- mahal ka ba niya?
Mahal ka na ba niya?
Dahil pinapakilig ka na.
Pinapakilig ka na nya sa mga hirit niya
At kilig na kilig ka naman
Na akala mo'y seryoso siya.

Mahal-mahal ka ba talaga niya?
Dahil isang libong luha na ang dinulot niya.
Ilang libong luha na ang pumatak sayong mga mata
Ilang libong sugat na ang naibigay niya
Na di ko na ata kayang makita pa

Mahal-mahal ka ba?
Mahal ka ba niya
Mahal ka na ba?
Mahal ka ba talaga?

O sadyang ikaw lang tong umaasa para sa inyong dalawa
Dahil siya ay may mahal nang iba.
Mahal-mahal niya ay iba
Ngunit bakit patuloy ka pa ring umaasa sa kanya
Bakit patuloy ka pa rin sa pagsuyo sa kanya
Bakit patuloy ka pa ring umaasa na pwedeng maging kayong dalawa?
Bakit patuloy ka pa ring nangangarap na makuha siya
Habang siya ay nangangarap kasama ng iba.

Mahal. Mahal mo pa ba?
Kahit hawak na siya ng iba?
Kahit nangangarap na silang dalawa
Para sa kinabukasan nila
Mahal mo pa ba?
Aasa ka pa ba?
Na pwedeng maging kayong dalawa?
Kahit masaya na siya sa piling ng iba.
Natauhan ka na ba?
O nais mong ipagtanggol siya
Dahil matigas ka.
Kaya't pagbibigyan kita
Ako'y hihinto na.
Ako'y hihinto na.
Dahil ganon ka katanga pagdating sa kanya
Na kahit ako'y nahihirapan na.
Dahil ilang beses na kitang pinagsasabihan
Na ihinto mo na
Na magpahinga ka na muna
Dahil ilang beses na
Ilang beses ka na
Ilang beses ka ng nagmamahal
Nagmamahal ng isang taong
May mahal nang iba.
Tumigil ka na
Tigilan mo na
Tigilan na nating mahalin sila
Dahil may mahal na silang iba
Patawad kung paulit ulit nalang
Ang pagbanggit ko na
MAY MAHAL SIYANG IBA.
Dahil aking napagtanto
Na ang bawat salita
Ay hindi lang sayo tumatama
Kung hindi sakin din na may akda
Dahil pareho tayong umaasa
Sa isang taong may mahal ng iba
Ang pinagkaiba lang nating dalawa
Ikaw ay umaasa na makuha siya
Samantalang ako ay umaasa na makita mo ang aking halaga
At mapasaakin ka.

POEMSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن