Protector Kim Heiji

12 0 0
                                    


"HEIJI REIIIIIIIIIIIIIII"

Isang lalaki ang biglang sumulpot at mabilis na napatumba ang mga armadong lalaki na nakapalibot sa isang batang babae.

"Ayos lang po ba kayo Lady Hae?"

"HEIJIIIIIII BAKIT NGAYON KA LANG?" Galit na sabi ng batang babae sa lalaking nagligtas sa kanya.

"Pasensya na po Lady Hae"

"SA LIKOD MO HEIJI!" agad na lumingon ang lalaki na si Heiji at mabilis niyang nasuntok at sinipa ang armadong lalaki na dapat ay sasaksakin siya.

Hindi napansin ni Heiji na nakuha na pala ng tatlong armadong lalaki ang batang babae na niligtas niya.

"HEIJIIIIIII!" Napalingon ang lalaking si Heiji ng marinig niya ang sigaw ng amo niyang batang babae.

Hawak ng tatlong armadong lalaki ang batang babae na si Lady Hae at Nakatutok ang baril sa ulo nito kaya agad na kinabahan si Heiji dahil hindi niya alam ang gagawin niya at iniisip niya na konting galaw lang niya ay baka mapahamak ang amo niya.

"ANONG GINAGAWA MO DIYAN HEIJI? ILIGTAS MO AKO DITO! HUWAG MO NGA AKO TITIGAN LANG DIYAN!" Sigaw nung batang babae na si Lady Hae habang nagpupumiglas sa mga kamay ng mga armadong lalake.

Nakatingin lang si Heiji sa kanila habang nagiisip ng gagawin para maligtas ang amo niya, pero mukang si Lady Hae ang nakagawa ng paraan dahil kinagat niya ang daliri ng armadong lalaki na nagtutok sa kanya ng baril at biglang tumakbo kay Heiji.

Nagulat si Heiji at kinabahan sa ginawa ni Lady Hae dahil ano mang oras pwede iputok nung armadong lalaki ang baril na hawak nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Protector Kim HeijiWhere stories live. Discover now