CHAPTER 18

11 0 0
                                    

ALLISON'S POV

NAKANGITING pumasok ako sa kompanya. Binati ako ng guard and I greated him back. Masyadong  akong maganda para sumimangot.

Teka bakit ang daming tao dito at ano yang mga dala nila?

May paparty ba?

"Welcome back ma'am Allison"  halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang silang sumigaw.

What is this all about?

"Welcome back oh ma'am Ali, buti naman at magaling na kayo" nakangiting sabi ng hindi katandaan na babae at binigyan ako ng isang bouquet of flowers.

"Ah hehe salamat" tanging nasabi ko.

Eh malay ko bang may paganito pala sila? Dapat sinabi nila diba? Para naman pinaghandaan ko to, tsaka anong sinasabi nilang ma'am?

"Ah eh nagtatrabaho ba ako dito?" parang tangang tanong ko kahit alam ko na yung sagot.

"Opo ma'am kayo po ang secretary ni Sir" nakangiting sabi niya.

What?

Secretary ako ng kulugo na yun? Paano nangyari yun? As I can see mukhang hindi kami magkasundo na dalawa, eh ngayon ngang may amnesia ako hindi kami magkasundo eh ano pa kaya yung dati.

"Hey Ali, welcome back" nakangiting bati sakin ni sino nga ba to? Natatandaan ko to eh isa to sa mga tao na nakita ko nung pagkagising ko.

"Ah hehe thank you mr..."

"It's me Harriet" pakilala niya.

Yun nga si Harriet. "It's nice to meet you again" nakangiting sabi niya.

"Hmmm, me too"

"Hey bro what happened to your face?" lahat ay napatingin sa kakapasok lang na nakabusangot na mukha ni Kalen.

Napangiwi ako ng makita ang mukha niya. Napalakas ata yung suntok, putok yung labi tapos namamaga rin yung kaliwang pisngi niya banda sa may labi.

"Oh my sinong may gawa niyan kay sir?"

"Kawawa naman si sir"

"Pero gwapo parin"

"At hot"

"Kung sino man ang may gawa niyan wala siyang puso!"

Napatingin ako sa huling nagsalita ngumiti siya sakin kaya pekeng ngumiti rin ako sakanya.

Ulol ka! May puso ako gaga! Eh kasalanan naman niya eh! Kung di niya ako hinalikan hindi yan mangyayari sakanya.

"It's nothing sabihin na lang natin na nakahalik ako ng bubuyog kaya kinagat ako" seryoso niyang sabi habang deretsong nakatingin sakin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Like what the hell? Anong pinagsasasabi ng gagong kulugo na to? Mukha ba akong bubuyog?

"Haha iba rin! Eh sino naman yung bubuyog na yun? Kilala ko ba?" tumatawang tanong ni Harriet I don't know pero parang tumingin siya sakin.

HE STOLE MY PANTY (On going) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora