Chapter 15:PLANS

95 46 5
                                    

This chapter is dedicated to
RBSeda

Aeryl's Pov

Mas binilisan ko pa ang lakad ko pero sumabay din siya sa bilis ng paglalakad.
Para malito siya ay tumawid ako sa kabilang kalsada at saktong nag red ang light kaya di siya makatawid.Nakaestatwa lang ako dun ng may humigit sakin at tinakapan ang bibig ko.Napunta kami sa isang eskinitang walang tao kaya walang nakakapansin.

"H-hoi"hindi ko mabigkas ng mabuti dahil tinatakpan niya ang bibig ko.Nilingon ko siya.Red?

"Shhh..'wag kang maiingay"mariin niyang sabi at sinipat niya kung andoon ang lalaki.Napalingon din ako at napahinga ng malalim dahil wala nadoon ang lalaki.

Hinawi ko agad kamay niya sa bibig ko.

"How dare you  touch me with your filthy hands?!"iritado kong sabi at pinapagpag ang bibig ko.Kumunot naman ang noo niya at kinuyom ang kamay.

"Ikaw na nga ang tinulungan ikaw pa ang  mag inarte?"

Well may point siya pero malay ko ba kung saan niya huling hinawak ang kamay niya para ilagay sa bibig ko!

"Ganyan ka ba talaga?Puro mga masasamang bagay lang ang ipinupunto mo sakin?!Pero pag si Gon ang katabi mo kung makangiti ka ay parang nasa langit ka na!"singhal niya sakin at tumalikod.

Natamaan ako sa sinabi niya.Oo nga pagnagkikita kami ay para kaming dalawang batong laging nag-uumpugan,hindi magkasundo.Pero pag si Gon feeling ko safe na safe ako sa kaniya.

"Bakit ba lagi mong kinukumpara si Gon sayo?"tanong ko sa kaniya,kaya naman humarap uli siya para sagutin ako.Nag-igting ang panga niya at kumunot ang noo niya na animoy iritableng iritable.

"Tsk.Si Gon kasi lagi mong nakikita!Si Gon.Si Gon."yumuko siya pagkasabi niya non.

"How about me?"tinaas niya ang ulo niya at doon ko nakita ang malungkot niyang mata.

Oh common Red.Ano bang gusto mong ipahiwatig?Nakaraan ka pa nagpaparamdam ng mga kakaibang galaw pero hindi  mo sinasabi ng deretsa sakin kung anong pakay mo.

Tumalikod na siya at hindi man lang ako hinintay sumagot.

Ilang segundo pako nakatayo doon ng maiisip kong sundan siya ngunit bigo ako dahil wala na siya sa eskinita kaya naman dumeresto nalang ako pauwi sa dorm.

Joker's Pov

Kahit isang beses lang.Isang beses lang gusto kong makita ang kapatid ko.Andito ko ngayon sa labas ng E.U. kung saan siya nag-aaral.Malaki ito at napag alaman ko ding mayayaman ang mga studyante dito.Kung ganoon pano kaya siya nakapasok?Tiyak kong hindi naman kinikaya ni Auntie ang matrikula dito.Gustong gusto kong pumunta ngayon sa Pasay para mapasalamatan sila sa pagkupkop kay Aeryl.Gusto ko rin silang bigyan ng business siguro?Kapag nagpakita nako sakanila ay hindi na nila kailangang magtrabaho.Simula ng namatay si Mom at Dad, ako ang humawak sa negosyo.It's a big business.May mga kasosyo ako sa ibang bansa.Yes our business become popular to Asian countries.This week kakauwi ko lang galing Hongkong.

Habang naninigarilyo nahagip ng mata ko si..Aeryl.Kamukhang kamukha siya ni Ace(Ms.Vostavio)ang mama niya.Hindi kami magkapareha ng apelyido dahil hindi naman binigay ni Dad ang apelyido niya kay Aeryl.

Kasama niya si Ellaine?!

Number five clover.

Ngumisi ako.Kung ganoon tama nga si Niko.Malapit si Aeryl sa mga kaibigan ko dati.

Mali mga traydor kong kaibigan!

Sinundan ko sila hanggang sa Mall.Naalala kong pinakilala ni Aeryl si Niko kila Red.Alam kong nagulat sina Red ng makita si Niko.Kilala nila si Niko bilang pinsan ko na kasapi sa Cards of  Death.

Habang sinunsundan ko sina Aeryl ay may nakita akong lalaking nakaitim na kanina pa umaaligid kila Aeryl.Nagkibit balikat nalang ako at baka nagkataon lang na nandoon siya.Pero nagkamali ako dahil hanggang sa salon ay sumunod siya.Nakita kong sumilip pa siya sa salon.

Hindi ito maganda.Tingin ko ay binabantayan niya si Aeryl.Naglakad palayo ang lalaki kaya naman agad ko siyang sinundan.Papunta siya sa parking lot.Bumilis ang lakad niya ng mapagtantong sinusundan ko siya.Nilingon niya ako.

"Ikaw.Anong kailangan mo?"tanong niya habang naglalabas ng matalim na kutsilyo sa bulsa ng hoodie niya.

Tumawa ako nang makitang tinutok niya yon sa akin.Hindi mo ako masisindak sa ganyan lang.

"Ako.."tugon ko habang naglalakad papalapit sa kaniya.Nakita kong nanginig bigla ang kamay niyang may hawak na kutsilyo.

Akmang tatakbo na siya pero napigilan ko dahil hinablot ko ang hoodie niya at sinalpak siya sa pader ng parking lot.Madalim ngayon at tanging ilaw lang ng isang lampost ang nagbibigay liwanag sa mukha naming dalawa.

"Sino ka?"tanong niya habang mas lalo ko pang dinidiin ang sarili niya sa pader.Nabitawan niya ang kutsilyo na hawak niya.

"Ako ang dapat nagtatanong niyan.Who the fuck are you?!Bakit mo siya sinusundan?!"kinuyom ko ang kamay ko sa kwelyo niya kaya naman mas lalong hindi siya makahinga.

"I-in-ntusan lang ako."pinilit niyang magsalita habang hinahawakan ang kamay kong nasa kwelyo niya.

"Sino?!Tell me!"sabi ko sa kaniya.

"Si Gon."

Nabitawan ko siya.Si Gon bakit naman niya papasundan ang kapatid ko?Mula ng magkakilala kami ni Gon ay napakamisteryo niya talaga.Ano ang pakay niya sa kapatid ko?!Fuck you Gon!What are your plans?

Hinawakan ko uli sa kwelyo ang lalaki.

"Patayin mo man ako ngayon.May nakasunod naman na sa kaniya."tumawa pa ang lalaki.Ano!Posibleng sinundan ng isa si Aeryl pauwi!

Kinuha ko ang kutsilyong nasa baba at tinusok sa tiyan niya.Binitawan ko na siya  at nakita ang mukha niyang ininda ang sakit sa pagkakasaksak ko.

"You're lucky,after 5 years ikaw ang kauna unahan kong nasaksak uli."ngumisi ako.

So this is how you play Gon huh?Well let me tell you this is my game. At nagsisimula palang ako



Enjoy reading?Please vote for my story!!!!Also I would like to hear your opinions,dont forget to leave a comment♡♡♡
Thankyouuu!!!Labyuu all♡♡♡

-KenYueBMayn♡♡

CARDS OF DEATH(ON GOING)Where stories live. Discover now