S16

2.4K 109 45
                                    

Nakaalis na sila tots at ced pabalik ng manila. Nakakalungkot man isipin na hindi na namin sila madalas makasama pero kinailangan muna naming magkahiwa hiwalay dahil sa sitwasyon naming napakakumplikado. Ang usapan din namin twice a month sila dadalaw dito sa amin para na din balitaan kami dahil kung thru phone lang mejo mahirapan kami dahil hirap nga ang cignal dito. Okey na din yung usapan namin na papadalhan niya kami ng allowance every week temporarily makapangalan muna kay dani dahil sila ang nakakaalam ng real status namin sa ngayon. Hindi pa din kasi namin masiguro ang side ni ponggay kaya mejo limited pa kami sa kilos at pag open up sakanya ngayon until nalang siguro kapag masiguro na namin at makausap namin si cap mamaya pagkabalik daw nito galing sa lakad niya na probably around dinner time yung napag usapan namin para daw wala masyadong taong makakita sa amin at pag usapan pa kami.




















Dahil sa maaga pa? Nandito muna kami ngayon ni si jessica sa room namin. Inaantay ang oras sa pagpunta don sa bahay nila cap. Kakatapos lang din kasi naming maglunch don sa hotel nila pongs kanina and stayed para makapag kwentuhan for about an hour.














Pagkabalik namin dito sa kubo nag umpisa na ang kalbaryo naming dalawa.





Kahit hindi niya natapos ang pagbibilang niya sa akin kanina dahil nga sa nadisturbo kami nila tots, tinuloy niya pa din ang banta niya'ng hindi ako kausapin. Eto na nga kami ngayon, nag uumpisa na. Dahil sa inis pa din ako sakanya kahit di ko alam kung saan ba talaga nangagaling basta ang alam ko na inis pa ako sa sakanya pinaninindigan ko pa din na hindi din siya imikin.






Nasa dulo siya sa may right side ng bed and ako naman dito sa dulo sa may left side. Naglalaro lang ako ng games sa phone ko di ko lang alam sakanya kung anong ginagawa niya nakatalikod kasi siya sa akin simula nung nakahiga eto.


I kept myself busy sa phone ko. Kahit nadidistract ako minsan ng katahimikan namin pinilit kong libangin ang sarili ko. Dahil ayaw ko talagang ako ang mauna na susuyo sakanya. Bahala na kung sabihan akong ma pride. Minsan kailangan din natin yun para sa intigridad natin na hindi maapak apakan.













Dumaan ang dalawang oras ganun pa din kami. Sobrang tahimik, walang imikan, nakakabingi na nga eh pero paninindigan ko nalang hanggat hindi niya ako kakausapin hindi ko rin siya kakausapin. Gusto ko magsorry siya or put some effort pa kahit kunti man lang hindi yung puro ako nalang.😒









Nilingon ko siya pero ganun pa din ang position nito, nakatagilid paharap don sa kabila. Ang hirap pala ng ganito? Yung may kasama ka nga pero parang hangin lang? Dahil sa nababagot na ako, tumayo ako at pumunta ng kusina para kumain. Sa pagkain ko nalang ituon ang pagkabagot ko kaysa maburyong lang ako sa loob ng kwarto. Halos maubos ko na nga ang 1 pack ng Tasty bread dahil sa kakaisip ko tungkol sa inaasta niya, or inaasta naming dalawa. Napaisip ako kung kaya ko ba talaga siyang tiisin? Kasi siya mukhang kakayanin niya talaga! Ms. Ma pride pa naman yun.🙄 Ay! Mrs. Na pala . Mrs. Ma Pride!😂😅


















Anong tinatawa tawa mo jan?! Baliw lang?!!!




Napalingon ako sakanya dahil nagulat ako sa pagsapok niya sa ulo ko na tumama pa ang nguso ko sa bottle ng lady's choice. Nakita ko namang umupo siya sa harapan ko. Tsaka dumampot din ng tinapay at inagaw ang ang kutsara na hawak ko at nilagyan ang tinapay niya ng palaman. Tahimik lang siyang kumakain at ako napako lang na nakatingin sa ginagawa niya.












Hindi mo na ako kailangang titigan. Alam ko masyado akong maganda sa mga mata mo.😏

Timpla mo ako ng gatas? Kaysa panay ka titig jan!











"I'M MARRIED BUT TIED WITH HER"Where stories live. Discover now