Kabanata 4

34 0 0
                                    

Hi maam goodmorning po, naghihintay napo ang papa niyo sa labas. Sumabay na raw po kayo sa kanya." Si yaya didi habang tinuturo kung nasaan si papa.

Pagkababa ko kay papa ay agad nya akong niyakap.

"Hi baby, malapit na ang exam ah. Nag review kana ba?" Si papa sa mahinahanon na boses.

"Yes pa, tapos napo. By the way pa, pwede po ba kaming lumabas ni Andra mamaya? Kakain sana kami bago umuwi dahil hindi kami magkikita bukas." May paglalambing sa boses ko.

"Okay Chloe, basta uuwi agad pagkatapos ha?" Yumakap ulit sa akin.

"Thanks pa, lets go?" Tumango lang si papa at umalis na kami, hinatid nya sa school.

"Chloeee!!" Sigaw ni Andra ng nakita nya akong bumaba sa kotse. "Hi tito, kumusta po? Bati niya kay papa.

"Hi iha, mabuti naman. Kumusta ang mga magulang mo?" Tanong niya kay Andra.

"Okay naman po sila tito Anton, ingat po kayo sa pagpasok. Mauna napo kami." Sunod sunod na sinabi na Andra. "Bye pa" ako naman sabay talikod kay papa at nag umpisa nang maglakad patungo sa aming classroom.

Matapos ang tatlong oras ng pagtuturo ng Prof namin, nagpasya kami ni Andra na sa library kami ngayon dahil kakain naman kami mamayang uwian.

"Tara na sa library?" Excited na tanong ni Andra. Tinanguan ko lang si Andra at pagkatapos ay sumunod ako kung saan sya patungo.

Laking gulat ko ng pagkapasok namin sa library ay nandoon si Lennox. Napaisip ako kung anong ginagawa nya dito, all this time ba tuwing breaktime ay narito sya?

Kumuha kami ng ilang libro at naupo malapit kung nasaan si Nox.

"Hi Chloe, baka may maitutulong ako?" Tanong na mahinahon ni Nox.

"No, were fine. Thanks. Tapusin mo na lang yang ni rereview mo." Mahina ang pagsagot ko sa kanya dahil bawal mag ingay dito.

"Okay if thats what you want." Sabay balik nya kung nasaan sya kanina.

Halos dalawang oras kaming nag rereview ni Andra, wala na rin naman kaming klase, kaya nag review na lang kame. Papalabas kami ng nagsilita si Nox.

"Done?" Kay Andra sabay tingin sa akin.

"Yes, and you?" Nakatingin naman ako sa kanya ngayon. "Kaya ba hindi ka nakaka kain tuwing recess dahil lagi kang nandito at nag aaral?" Tanong ko sa kanya.

"Yes, kaya hindi ako nakakasama sayo kase nag aaral ako" Nagsasalita sya habang naglalakad kami.

"Nox, mauna na kami, may lakad pa kami ni Andra." Tinignan ko sya habang nagsasalita ako.

"San ang punta niyo?" Halatang gustong malaman dahil sa tono ng boses.

"Kakain lang kami dyan sa may mall." May diin kong sabi.

"Okay, bye. See you on monday" Aniya

Halos sampung minuto lang ay nakarating na agad kami ni Andra sa isang mall dito sa batangas.

"Omg girl, kakain ba muna tayo or mag shopping?" Atat na tanong ni Andra.

"Shopping muna?" Natatawa kong tanong. Tumango lamang sya at nagumpisa ng gumala para mamili.

Halos dalawang oras bago kami natapos sa aming mga pinamili. Namili si Andra ng ibang mga damit, ganon den ako. Pero karamihan sa pinamili namin ay arts material. Parehas kaming Landscape architecture ang kinuha.

"Girl, nakakapagod ha. Saan ba tayo kakain? May alam kana ba?" Pagod nyang tanong pero masaya pa ren sya.

"Hindi ko alam Andra, maghanap na lang tayo?" Luminga linga ako habang nagtatanong kay Andra.

Limang minuto lang ang ginugol namin sa paghahanap ng makakainan. Napili namin ang isang Korean restaurant.

"Andra anong iyo?" Tanong ni Andra

"One bulgogi and bibimbap." Habang nakatingin sa menu.

"Waiter" pagtawag ni Andra sa waiter. "Yes maam?" Masiglang tanong ng waiter. One bibimbap, bulgogi, and yakiniku" sabay abot ng menu ni Andra sa waiter pagkatapos magsalita.

"Nabusog kaba Chloe?" Tanong ni Andra habang naglalakad kami papuntang parking lot kung nasaan ang kotse namin. Hindi na nagdala si Andra n sasakyan dahil dala ko ang amin. Idadaan ko na lang siya sa kanila at ibaba don.

"Bye Chloe." Si Andra pagkababa sa kotse namin ng nasa tapat na kami ng bahay nila.

"Bye Andra, see you sa monday." Sabay sarado ko ng pinto ng kotse.

Pagkapasok ko ng bahay ay nakita agad ako ni Fort kadahilanan ng pagtigil niya tumugtog ng gitara.

"Hi Fort, where's papa and nicole?" Tanong ko sabay yakap sa kapatid.

"Si Nicole nasa room nya na ate, si papa tumawag pauwi na raw sya. Hintayin daw natin sya para sa dinner." Pagkatapos ay naupo ulit si Fort para mag umpisang tumogtog. Umakyat naman ako sa kwarto to change clothes.

"Ate Chloe, papa is here na." Masayang pagbalita ni nicole sa akin.

"Okay baby, halika na baba na tayo." Sabay hawak ko sa kamay ng kapatid at inalalayan ito pababa ng hagdan.

"Hi pa, good evening." Nginitian ko lang si papa dahil nakita kong lumapit si nicole at niyakap ito.

"Bago tayo kumain ay maglar muna tayo, ano ang highest of the day niyo" si pap sabay dampi ng kanyang mga kamay kay Nicole.

"Papa ako po yung highest ko ay nakakuha ako ng mataas na quiz kanina." Masayang nag k-kwento si Nicole. "Pa ako naman is may nakilala akong babae kanina sa school." Pagyayabang ni Fort.

"Ikaw ate Chloe, ano ang highest po the day mo?" Si Nicole na masaya pa rin.

"Ako is yung lumabas kami kanina ni Andra, my friend" Nakangiti kong sagot sa kanya.

"How about you pa?" Tanong ni Fort at napabaling kaming lahat kay papa.

"Ako? Eto, yung kasama ko kayo at sabay sabay kumakain." Masayang sabi ni papa at tinignan kaming tatlo.

Masaya kaming nagumpisa hanggang sa matalos ay masaya kaming kumain.

"Goodnight Chloe, Fort and Nicole baby." Si papa sabay yakap ulit kay Nicole.

"Night pa." Nagkasabay kami ni Fort kaya nagtawanan kami. Pagkatapos ay umakyat na kami sa aming mga kwarto.

Nang nakapasok ako sa kwarto ay inayos ko ang ipinamili kong mga arte material. Mahilig akong gumihit at mag paint.

Halos tatlumpung minuto bago ako natapos sa pag aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos ay nag browse ako sa aking cellphone.

"Nasa bahay kana?" Galing kay Andra

"Kumusta ang gala mo kasama si Andra?" Kay Nox

Nag reply ako kay Andra at kay Nox

"Yes, nasa bahay na ako. Goodnight."

"Masaya naman Nox, sa susunod sama ka sa amin. Sasama rin namin sila Cayden para hindi ka mainip."

Matapos kong sumagot sa kanilang mga mensahe ay nagpahinga na ako.

NagbabakasakaliWhere stories live. Discover now