Chapter Ten

111 3 0
                                    

            Kabadung-kabado si Vlad habang naghihintay sa waiting area sa labas ng Emergency Room ng hospital. Madaling araw nang isugod niya ang asawa dahil sa biglaang pagsakit ng tiyan nito na nasundan ng pagdudugo. Lubos ang pag-aalala niya dahil wala pa sa hustong buwan ang sinapupunan nito para manganak. Eight months pa lang.

Nang hindi siya mapakali ay tumayo siya at inihilamos sa mukha niya ang kanyang mga kamay.

"Relax ka lang, anak. Dasal ka lang at magiging okay din ang mag-ina mo," pag-aalo sa kanya ng Nay Marie niya.

"Kinakabahan talaga ako, 'Nay."

Ang mga magulang niya at pamilya ni Amhiela ay ando'n at naghihintay.

"Ayokong patulan ang pagka-nerbyoso nitong si Vlad, pero iba rin ang kutob ko," sabi ni Mama Mhiel. Nakadagdag iyon sa kaba ni Vlad. Kahit kailangan, hindi nagkakamali ang mother's instinct.

"Ma, hindi iyan makakatulong," sita naman ni Hamiel.

Kumabog sa kaba ang puso niya nang lumabas ang doctor mula sa ER at agad siyang hinarap. "I'll be honest. You're wife and the baby is not in good condition. Medyo marami ng dugo ang nawala sa asawa mo kaya kailangan na naming magsalin ng dugo sa kanya. Nakita rin namin na nakaikot na ang umbilical cord sa leeg ng baby. Kailangan na niyang manganak. We'll be transferring her to the OR to undergo cesarean operation. This might not be easy for her and the baby as well."

Pinigilan niyang maluha sa harap ng doctor. "Do the right thing...everything, doc. Just save their lives."

The doctor nodded and walked back to the Emergency Room. Ilang saglit lang ay inilipat na si Amhiela sa OR. Matyagang naghihintay silang lahat sa waiting area sa labas noon. Panay ang tingin niya sa pintuan ng operating room. Bilang na bilang niya ang bawat minutong lumilipas dala ang abot langit na panalanging malagpasan ng mag-ina niya ang panganib.

Sari-sari ang tumatakbo sa isip ni Vlad. Why those things have to happened? Karma ko po ba ito dahil nasaktan ko siya? Ako na lang po ang parusahan Nyo kung kasalanan ang maging bakla. 'Wag Nyo pong singilin ang mag-ina ko.

Tears fell from his eyes. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman niya sa puso niya. Tila wala iyong katapusan na pawang kinukuha lahat ng lakas niya at pilit siyang ginugupo hanggang sa dumating sa puntong sinisisi na niya ang sarili niya.

Kasalanan ko 'to. Kung wala akong sakit, hindi siya mag-aalala sa akin hindi iyon makakadagdag sa stress niya. Kung hindi bumalik si Christian, hindi ko siya masasaktan. Kasalanan ko! He sobbed. Naramdaman niya may nag-tap ng likod niya. It was Amhiela's mom.

"Hindi ko alam kung paano sabihin yong, 'maging matapang ka' dahil ako mismong ina niya, takot na takot ngayon. But we have to be strong, Vlad. I know you love my princess so much and I also believe my husband was on her side right now. Hindi siya pababayaan ng ama niya."

"Sinusubukan ko po, Ma pero talagang abot langit na po ang takot ko."

Na-appreciate niya ang yakap ng mother in law niya. "Believe in her. She'll make it."

Ilang minuto na lumipas at nanatiling tahimik ang OR. Mabigat na mabigat ang loob ni Vlad. Nagpa-flashback sa isip niya lahat ng naging pagkakamali niya na sa tingin niya ay naging dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Until they heard a baby's cry. Nagsunod-sunod ang patak ng luha niya. Isa na siyang ama. Official na, ngunit taliwas sa ibang nagiging ama, mas napapangunahan siya ng takot kaysa excitement. Upang maalis saglit ang tension na nararamdaman ay naglakad siya pabalik-balik sa hallway. Lahat na ng paraan para makumbinsing magiging okay ang lahat ay ginawa na niya ngunit walang manalo sa takot na nararamdaman niya. Lumapit siya sa pintuan ng OR. Please Ayen, stay with me. You can make it okay? Matapang ka, kaya mo iyan. I'll be a better husband, wag mo lang akong iiwan. Another batch of tears fell.

Keep The Music Playing (Completed)Where stories live. Discover now