1

857 23 1
                                    

Jema POV

Finally tuesday na maaga ako nagising para mamalengke wala na kasi ako stocks here sa apartment. Oo nga, ako si Jessica Galanza pero tawagin niyo na lang akong Jema, i graduated 4 years ago. Nakapagtapos ako ng Tourism pero ang gusto ko talaga ay sa hotel magtrabaho kaso si mama gusto tourism ang kunin ko iyon daw ang pangarap niya. Lumaki akong masaya kapiling ang mga magulang at 2 kong kapatid, nasa normal na estado lang kami sa buhay hindi mayaman at hindi rin mahirap.

Hindi naman ako matalino pero wala akong bagsak na grades lahat pasado, ginagawa ko lahat para pumasa kahit nga madalas kami lumabas ng mga kaibigan ko ay sisiguraduhin ko na hindi ako bumabaksak. Hmm alam niyo ba kahit ganto ako wala pa ako nagiging boyfriend hahaha well mas gusto kong makapagtapos muna noon para masuklian ko yung mga paghihirap ng magulag ko. Tho I admit na i have flings pero hindi naman tumatagal din yun, kaya ayun wala pa kasi ako nakikita na talagang mamahalin ko. Tutal wala akong gagawin this week ay maghahanap na lang ako ng mapapasukang trabaho. Umalis kasi ako sa work ko ngayon hindi ko talaga gusto sa travel agency, this time sa hotel na ako maghahanap.

"Hoy mga babae magpasa tayo ng resume bukas!" sabi ko sa aming group chat

"Ano ba yan, pero sige na nga!!" sabi ni Leigh, kahit kailan talaga batugan to

"Nako ayan nanaman yan. Siguraduhin mong pupunta ka sa interview hahaha" buti pa tong si Nichi sa Solaire nagtatrabaho as a VIP Host.

"G ako diyan, sa Malate tayo magsimula maraming hotel doon eh tapos taxi tayo papuntang Makati Ave." ayan may ambag din si Hannah sabay kami nagresign sa travel agency hindi niya daw trip hahaha baliw talaga to

"Oo na sige na sasama na ako, akin na mga resume niyo at ako na magpiprint" ayun talaga oh hahaha wala naman siya kasi magagawa

"Okay girls see you tomorrow at 9AM sa Pedro Gil station!" pinatay ko na ang phone ko at naghanap na ng susuotin para bukas.


Deanna's POV

"Hoy boss! wag mo titigan yan nasa trabaho tayo hahahaha" loko talaga to si Ponggay nahuli niya pa ako. Well ang ganda kasi nung isang customer eh, nako makabalik na nga sa trabaho.

Ako nga pala yung pinaka papi sa restaurant na to, Deanna Wong at ako ang naka duty as Supervisor dito ngayong umaga. I graduated 3 years ago at nagsimula din ako magtrabaho dito, gulat din ba kayo na bisor na ako dito? hahaha ako din naman eh, madami kasi umalis noon isa ako sa mga natira kaya sinabak agad ako sa training and naging okay performance ko until now. Ako lagi humaharap sa mga guest pagnagrereklamo kasi nadadaan ko daw sa madaling usapan, pero sympre ginagamitan natin ng ka-papihan hahahaha. My family is in Cebu may business kasi kami doon at pinipilit nila ako pauwiin at turuan pero ayoko mas gusto ko dito mas malaya sa lahat. My condo ako sa Pasay doon ako umuuwi araw araw minsan dinadalaw ako nila ate at doon sila nagstay.

Onga pala may kwento ako, si angela ... siya yung taong sobra ko minahal kasooo she broke up with me last year. Sabi niya hindi ko daw kaya ibigay yung gusto niya, mas may plano sa buhay at mas mahal na daw niya si Peter yung katrabaho niya. Twing gabi umiinom kami nun ng mga kaibigan ko, alam nila pinagdaan ko, sinayang ni Angela yung 4 years namin dahil lang sa rason na yun?! hindi niya nga mabanggit saakin ng buo kasi ano? babae ako at yun lalaki? i get it, pero lahat ng binuo naming pangarap nawala ng basta basta. Masakit kaya sinabi ko na ayoko na umibig, masakit masyado. Isang taon na akong puro fling lang don't think that way hindi ko ginagawa sa lahat yang iniisip niyo hanggang 2nd base lang tayo mga brad hahaha. Siguro ganto lang muna ako, wala pa eh hindi ko pa talaga kaya masyado akong nasaktan.

"Oh sinong chicks yang iniisip mo?" nako eto nanaman siya

"Manager Bea (may diin ko sinabi) wala po ako iniisip nasa trabaho tayo diba? nangako ako sayo diba?" hay nako ang hirap pagbarkada mo ang manager mo. Siya yung bisor ko dati na nagturo sa akin ng lahat, nung naging manager niya ako pumalit bilang bisor.

"Aba malay ko ba, mamaya iniisip mo kung sino sa kanila ang yayayain mo mamaya eh" loko talaga to, hindi naman ako ganun eh tss sinimangutan ko nga.

"Si maddie hindi daw makakapasok mamaya ikaw ba bahala sino ang mageextend diyan sa mga tao mo" sabay kindat sakin, i get it. Okay another sesh mamaya!


--------------------

Hi po hehehe it's my first time writing kaya kinakabahan ako😅 Please let me know po if okay ba or hindi hahaha i think that's all for the first one!

Keep safe always guys lalo na at dumadami ang may kaso ng Covid 💖

-👽

Hanggang sa HuliМесто, где живут истории. Откройте их для себя