Chapter 17

485 13 12
                                    

Bea

It's almost five in the afternoon and andito ako sa taft para kausapin si Kianna. I wanna clear things out, after ng nangyari nung gabing umamin kami sa isa't isa, I can't help it but to think na maybe we should be going into something real serious now.

"Hi Ma'am, ano pong kailangan nila?" tanong ni ateng guard na nagbabantay sa Razon. I definitely know na andito si Kianna since I almost enrolled here in La Salle and dito sa Razon mostly laging nagta-training ang mga athletes nila.

"Hi po, uhm, I'm here po for Kianna Dy? Ask ko lang po if may training sila dito right now?" tanong ko pabalik kay ate.

"Ah, yes po. Meron silang training, kanina pa po kaya siguro patapos na sila. May gusto po ba kayong ipabigay?"

"Ahh, ganun po ba? Sige ate, salamat. Hintayin ko na lang siguro." sabi ko naman.

"Oh sige po, upo muna kayo sa bench na yun para 'di kayo mangalay." sabi ni ate guard.

"Mangalay?" tanong ko naman dahil hindi pamilyar ang salitang ginamit niya.

"Ay parang baka manakit mga binti niyo, Ma'am." sagot naman niya.

"Ahh, thank you ate." sabi ko sa kanya sabay ngiti. Thoughtful naman ng mga workers dito, really love it when people are nice towards one another.

Nakangiti akong pumunta kung saan nakapwesto ang bench na sinasabi ni ate guard para makaupo ako habang naghihintay. Inilabas ko naman ang aking phone kasama ang earphones ko to kill some time. I clicked the Netflix app and resume the tv series I am watching. I am so hooked with this series entitled as Prison Break. It's obvious on title what it is all about, and man, I never thought na magkakaroon ako ng crush sa isang criminal. The main character, Michael Scofield, is so freaking beautiful. Yeah, not handsome but beautiful. It's kind of another level, a whole lot better, when you compliment a man as beautiful. Well, I'm still having a crush on some unattainable people, but when it comes to Kianna it's different tho. I don't know which one she is, kung unattainable ba siya or the crush. Tangina, after years of having this feelings, crush pa nga lang ba nararamdaman ko?

My train of thoughts got interrupted nang mapansin ko na nagbukas ang pinto ng elevator na 'di kalayuan mula sa inuupuan ko. And there, once again, the feeling I always tend to feel everytime I look into her eyes. I stood up when they got out of the elevator para salubungin sila.

I smiled and said, "Hi."

"Uy Beadel, right?" sabi ng taong kasama ni Kianna.

"Yep, Kim Fajardo. It's nice meeting you here, idol." I said and she smiled.

"Hahahaha, maka-idol naman 'to. Ikaw rin naman idol. And call me Kimmy na lang." sabi niya naman.

"Nagbolahan pa yung dalawa oh." pagpuputol samin ni Kianna. Napatawa na lang kami pareho ni Kimmy sa sinabi niya.

"Bakit ka ba nandito, Bea?" dagdag niya.

"Ayaw mo?" sabi ko naman.

"May sinabi ako?"

"Eh, what are you trying to say ba?"

"Oy oy oy, tama na nga 'yang batuhan ng mga tanong. Naloloka ako sa inyo, anong meron?" This time, si Kimmy naman ang pumutol ng usapan... or tanungan? Whatever.

"Kasi naman, tinanong ko lang naman bakit siya andito. Parang mas ginugusto ng away eh." sagot ni Kianna.

"Meron, kami ni Kianna." sabi ko naman.

"Ano?" pagtataka ni Kianna sa sinabi ko.

"Nagtanong kasi si Kimmy kung anong meron, kung ano-ano pa sinasabi mo dyan. Meron kaming dapat pag-usapan ni Kianna." pagbabaling ko ng atensyon kay Kimmy.

"Ahh ganun ba? Oh pa'no, una na ako Kianna. Ikaw na bahala sa bruhang 'yan, Bea ah." sabi naman ni Kimmy, natawa na lang ako sa sinabi niya habang si Kianna naman ay kulang na lang saksakin si Kimmy dahil sa mga tingin na binibigay niya rito. Natatawang umalis na lang si Kimmy sa building. Ibinaling ko ang atensyon ko kay Kianna na ngayon ay nakatingin na rin sakin.

Napalunok ako at sabay sabing, "What?"

"What what ka dyan, anong kailangan natin pag-usapan?" tanong niya.

"Tayo? Nakalimutan mo na ba yung mga sinabi mo sakin kagabi?" sabi ko.

"Syempre hindi." sagot naman niya sabay iwas ng tingin. Napangiti ako sa reaksyon niya dahil sa sinabi ko.

"Bakit hindi? Kasi buong araw mo inisip?" pang-aasar ko.

"Hindi ah! Kapal mo!" sabi niya.

"Deny deny ka pa. Mukha ka namang guilty. Namumula ka oh." pang-aasar ko ulit.

"Weh?" sabi niya naman sabay tingin sa camera ng phone niyang ginawa niyang salamin.

Lumapit ako at pumunta sa likod niya. Hindi nagkakalayo ang height namin ni Kianna, ngunit hindi maikakaila na mas matangkad pa rin ako ng kaunti kaysa sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil napatigil siya sa kung ano mang klase ng pagtingin sa mukha ang ginagawa niya. I took advantage and smile as I clicked the button of her camera.

"Hala! 'Di ba si Bea yun?!" napalingon kaming dalawa sa labas ng Razon. Nakita namin ang iilang mga babae na I think is around 16 to 17 na nag-iintay sa labas. Balita ko, dito madalas may mga fans na nagiintay para makapag-papicture sa players.

Lumabas na kami ni Kianna, and as expected, nagpapicture sa aming dalawa ang mga fans na nagiintay sa labas. May narinig pa nga ako na napasabi ng "dyleon". If I'm not mistaken, it's our ship name. Even in our ship name mas dominant pa rin ako? I laughed at that thought.

"Ano nga pala gagawin natin?" tanong ni Kianna nang matapos ang picture taking sa mga fans.

"Hmm, let's have dinner. Dun na lang natin pag-usapan ang dapat pag-usapan." sagot ko.

"Okay." sabi niya naman, "Ano yung pinapanood mo kanina sa phone mo?" dagdag niya.

"Prison Break." simpleng sagot ko naman sa tanong niya.

"Maganda?"

Tumingin ako sa kanya, "Mas maganda ka." pag-banat ko naman.

"I know." sabi na may tono na parang proud na proud pa siya.

"It's a joke, y'know." pagbasag ko naman.

"Sus, tagal mo ngang nabaliw sa kagandahan ko." pagmamayabang niya.

"And I'm starting to doubt it na nga. Feeling ko nawawala na feelings ko sayo eh." sabi ko naman. Napansin kong nag-iba ang expression ng mukha niya.

"Okay, hanap ka ng kasama mo mag-dinner." pagkasabi niya, binilisan niya ang lakad papunta sa dorm niya.

"Kianna, wait. Joke lang naman." sabi ko nang makita siyang lumiko sa isang iskinita. Tumakbo na ako para mahabol siya, ngunit napatigil ako nang maabutan ko siyang nakatayo lang at nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya at nakita ang isang lalaki na nakatingin na rin sa gawi namin.
 
  
  
  
   
   
Si Marck.

   
   
   
    
    
    
    
    
     
*************

Hi guys!! How's your quarantine days? Hope you're all doing good! Keep safe and stay healthy!!! 'Wag puro processed food ang kinakain, bili kayo ng gulay para may kita ang mga local vendors natin lalo na't mahirap kumita sa panahon ngayon. Let's help each other and pray for better days! Give thanks also to our frontliners, if ever na meron nagbabasa na frontliner, mabuhay po kayo!!! We're gonna get through this together.

Last important thing, just friendly reminder to get your voters ID after this (if 'di pa kayo registered voter!!) and let's educate ourselves for us to decide who's really worthy to be a leader. :) peace out!

p.s. season 82 is cancelled, im fcking devastated. huhu okbye

Two WorldsWhere stories live. Discover now