CHAPTER #09

23 12 0
                                    


ENJOY READING GUYSSSSSS.


TAN TAN P.O.V

''Itigil nyo yan!!!'' Sigaw ko sa mga lalaking walang humpay sa pag palo ng kahoy kila Noah.

Nanghihina at sugatan na silang dalawa ni Glen. Sinusubukan na lang nilang proteksyunan ang mga sarili sa pamamagilan ng pag tabing ng dalawang braso sa ulo dahil sa malalakas na pagpalong ibinibigay sa kanila ng mga lalaking ito. 

Natigilan sila sa pag palong ginagawa at sabay sabay na napatingin sa akin. 

''Sino ka sa inaakala mo? Hindi mo kami kayang diktahan kung ano ang dapat naming gawin!'' Sigaw ng isang lalaki sa amin. May mga tattoo pa ito sa mga katawan na akala mo naman ay mag papacool sa kanya.

''Boss, Mukhang gusto din nyang matikman ang ipinatikim natin dyan sa dalawang yan ah.'' Nakangising sabat ng isa. May pagkapayat ang katawan nito pero kita mo na may iba-bat bat ito sa labanan.

''Pamilyar ka sakin, ah? Saan nga ba kita nakita?'' Nakatingin sa taas na animo'y may iniisip na sabi naman ng isang mukhang bola sa bilog ang ulo. 

''Naaalala na kita, Ikaw yung bw*sit na lalaking nangealam sa amin nung huling binubugbog namin itong mokong na'to. Ano magbibigay ka ulit ng pera samin?'' Singit na naman nung payat na lalaki. 

''Wala akong dala ngayon eh'' Sagot ko sa kanya.

''Ganun ba?'' Tumingin ito sa tinawag nyang boss. ''Boss, Ano ng gagawin natin?'' May naglalarong mga ngiti sa labi nito na malalaman mo na talagang may binabalak na masama.

Oo. Nakita ko na sila noon.


FLASH BACK

 Pauwi na ako noon ng makarinig ng humihingi ng tulong. Sinundan ko ang pinag galingan niyon at nakitang may binubugbog na tao.

Sinabihan ko sila na tumigil. Lumapit ako sa binubugbog nila.'' Noah?'' Nagulat ako ng makitang isa sya sa mga kaklase ko. ''Ayos ka lang ba?''

''Sino naman kaya ang epal nato?'' Dinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.

Nag isip ako ng paraan para hindi nila kami saktan. Biglang pumasok sa isip ko ang sahod ko para sa dalawang linggong pagtatrabaho.'' Oh, Sainyo na'to. Basta umalis na kayo'' abot ko sa sobre. Malaki ding halaga yun at pwedeng pang isang buwan na budget ko na.

''Ano yan?'' Curios na tanong ng isang lalaking maraming tattoo sa katawan. Marahas na saking kinuha iyo at binuksan para makita ang laman.

''Boss, pera yan ah?'' Nagnining ning ang mga mata ng isang lalaki na nakatingin sa lood ng sobre.

Tumingin sa akin ang lalaking maraming tatto. '' Babalikan ko pa rin ang lalaking yan'' Sabi nito. ''Tara!'' Sinenyasan nya ang mga kasama nila na umalis na. Mga mukhang pera.

''Boss, Paano yan.. hindi pa natin nasisingil. Anong sasabihin natin kay Mr. Carson?''

''Madali lang solusynan yan. Edi sabihin nating nakatakas'' Nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko ay tinulungan ko si Noah at sinamahan papauwi sa bahay nila.


END OF FLASH BACK


''Ano pa nga ba? Gulpihin nyo!'' Utos ng boss kuno nila.

Hindi ako agad nakagalaw sa pwesto at naramdaman na lang na may malakas na pwersang tumulak sa akin galing sa likod para mapalapit sa lalaking mukhang bola ang ulo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY CRYING SHOULDER (on going)Where stories live. Discover now