CHAPTER 22

12 2 0
                                    

This work of fiction are based on a Wide
imagination of the Author. The Characters and the Settings are just created by his creative imagination and none of this was existed in real life.

Some Typos and Gramtical errors ahead.

Please don't PLAGARIZED ! It is a serious crime!

----------------------------------------------------------------

(Third Person's POV)

Sa paghihiwalay ng landas nina Sofia, Greg at Brandon.

Nakalabas ito at nakapagmaneho pa.

Kasalukuyan siyang nawawala sa katinuan at binabaybay ang malawak na kalasada.

Hindi niya alam ang kung saan siya pupunta subalit patuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa bigla na lamang humarang sa dinaraanan ng kotse niya si Sevi dahilan upang makapagpreno siya ng mabilis.

Bumaba ito at tumakbo sa kakahuyan.

"Tama na Sevi!"

Sigaw nito na dumagundong sa buong kakahuyan.

Napaluhod ito at napahawak ang dalawang kamay sa ulo na parang nababaliw.

"Tama na! Tama na! Layuan mo ako! Demonyo ka Sevi! Isa kang Demonyo!"

Walang kausap subalit patuloy ang pagsisigaw nito.

Bigla itong natahimik ng biglang may kumaluskos sa paligid.

"S-inong nandyan?"

saad nito kasabay ng paglinga nito sa paligid.

"Lumabas ka!"

Matapang na sigaw nito.

"Brandon, Brandon, Brandon! Tsk.Tsk.Tsk."

Dahan-dahang lumapit si Sevi sa kinaroroonan nito.

"Bakit mo nagawa sa akin to? Ito ba ang pagmamahal na sinasabi mo sakin? Hindi ba't mahal mo ako? Sumagot ka!"

Malakas na sigaw ni Sevi.

"Oo! Oo! mahal kita, patawad! Patawarin mo ko Sevi."

Pagmamakaawa nito kasabay ng pagluhod sa harapan ni Sevi.

"Ganyan! Tama yan Brandon! Ganyan nga. Lumuhod ka sa akin! Sambahin mo ako!" HAHAHAHAHA"

Saad rito ni Sevi.

Itinayo ito ni Sevi at pagkatapos ay hinalikan sa labi.

"Mahal mo pa rin ba ako Brandon?"

Tanong nito.

Matagal na hindi naka-imik si Brandon.

Dahan-dahan nitong kinuha ang kutsilyong kanina pa nasa tagiliran nito.

"Oo! Mahal na Mahal kita Sevi."

Saad nito kasabay ng pagganti sa halik ni Sevi.

"Pero hanggang dito ka nalang."

Muling saad nito kasabay ng pagtarak sa kutsilyo sa may bandang likuran ni Sevi.

THE DEVIL INSIDE ME [ON GOING]Where stories live. Discover now