Chapter 29: The Pervert's Skill

356 16 7
                                    

Chapter 29: The Pervert's Skill

THIRD PERSON POV//

In a huge room where high windows were built, there, stood a man drinking a wine which could be seen in his shadow.

Maliwanag ang loob ng kwarto dahil sa dalawang malalaking bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw. Magagara ang gamit sa loob, makikintab ang mga mwebles, at isang malaking larawan ng pamilya ang nakalagay sa pagitan ng dalawang malalaking bintana. May malaking chandelier din ang nakasabit sa gitna ng buong kwarto. Karangyaan ang nakabalot dito, pero ang tanging maiiwan at mapapansin mo ay kung gaanong kablanko ang lugar na ito. It was dry, there was no warmth. And there a man spoke.

"Delikado ang pinaplano mo lalo na't pagnakarating ito sa Pinuno." Wika ng kasamahan nito sa kanya. Halatang narindi ito sa sinabi sa kanya ng kanyang kasamahan at ang kaninang hawak niyang baso ng alak ay unti-unting nagiging buhangin hanggang sa tuluyang malusaw ito at mahulog na lamang sa makintab na sahig na parang abo. Ang mga mata nito ay parang sa mga agila, matatalim at hindi maamo ang wangis. Sa kabila noon ay hindi parin natinag ang kausap nito lalo pa't parehas lamang ang kanilang ranggo.

"Tinatakot mo ba ako Clavio?" Ganti nito sa kausap niya. Ilang segundo muna ang nakalipas bago ito naglakad papalayo mula sa kinaroroonan niya sa may bintana. Rinig na rinig ang bawat pagpagyabag ng mga sapatos niya sa loob ng buong silid. Umubo at saka nagsalita ang kasamahan nitong si Clavio dahilan upang matigil siya sa paglalakad habang nakatalikod parin at nakasukbit ang kamay sa kanang bulsa.

"Kung ganoon, pagtataksilan mo ang ating lupain, Elite Shaw?" Bahagya itong lumingon sa likuran niya para makita si Clavio at doon ay muli niyang nasulyapan ang taong kanina ay kausap niya, matipuno ito matangkad at kalmado, taliwas sa itsura at paguugali ng nabanggit na Elite.

"Wala sa plano na mamatay ang anak ko Clavio." Naging tahimik ang buong silid nang sabihin iyon ni Elite Shaw. Mayriin ang pagkakasabi nito ngunit sa kabilang dako ay tumawa lamang ang kausap nito dahilan kaya nanggalaiti ito sa galit lalo na nang marinig ang sumunod na sinabi nito.

"Aba'y hindi naman kasalanan ng pinuno kung mas malakas ang kanyang anak kaysa sa anak mo. Tama ba ako Elite Shaw?" Napakunot ang noo ng Elite at tuluyan na itong nahinto at bumaling ulit sa lalaking kausap niya habang nakahanda na ang kanyang kamao.

"Nilalapastanganan mo ba ang pagpapalaki ko sa anak ko?" Pagalit at tila pikon na si Elite Shaw nang sabihin ito kay Clavio at tila ilang segundo mula ngayon ay magkakagirian na ang dalawang ito. Tumawang muli si Clavio at inayos ang salaming suot nito at naglakad patungo kay Elite Shaw bago ito nahinto.

"Pinapaalalahan lamang kita Elite. Dahil nilalapastangan mo rin ang pamumuno ng panginoon natin sa binabalak mo." Nilagpasan na nito ang Elite pero bago iyon ay may iniwan siyang salita at tuluyan nang isinarado ang malaking pinto.

"Malakas ka kay Damson noon, pero hindi sa bagong Pinuno natin ngayon."

YVES' POV//

Alam kong buhay pa ang ama ko. At saksi dito ang mga armas na patuloy na ginagamit ng mga kalaban namin dito sa Norte. Hindi ko alam kung ano talaga ang malalaman ko sa dulo, pero may hinala akong noong gabing hindi na nakabalik ang ama ko ay dinakip ito ng mga Samientus. At sa tingin ko'y upang gumawa ng mga armas laban sa taga Timog. At natatakot ako na baka ilang araw mula ngayon ay umusbong ang malaking labanan sa pagitan ng Timog at Norte.

"Masarap ang pagkain dito hija, hindi ba?" I stopped eating as I heard this old man beside me interfered. Mapaglaro kung magsalita ang matandang ito, at tila sa suot niya pa lamang at tindig, alam ko nang may binabalak ang isang 'to. He's wearing a more formal attire than the others around here, and in his mouth was a cigar. Nandito kami ngayon sa isang kainan sa Outskirts ng Kanda kung saan sinabi nilang masarap daw ang pagkain. Sa ilang taon kong nabuhay dito ngayon lang ako nagawi sa lugar na ito. Kahit papaano pala ay umunlad na nang kaunti itong bayan ko.

Yves of the Outskirts of Kanda (Completed) Where stories live. Discover now