sixty three

446 28 0
                                    



*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ third — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

wala sa sariling naglalakad si lia habang papalabas ng campus. nagugulo pa rin ang isip niya kapag naaalala ang mga sinabi sa kanya ni yuna.

"since wala akong makukuhang answer sayo about sa feelings ni soobin"
"ikaw ba, gusto mo siya?"

hindi pa rin siya makapaniwalang nakuha siya nitong tanungin tungkol sa love life niya. kahit nga siya, hindi pa sigurado. yuna is the youngest in their group pero ito pa ang nagpupumilit na dapat meron na silang label kuno ni soobin. si soobin na hindi niya pa sigurado kung may feelings ba para sa kanya.

kung meron nga, ba't hindi nito sinasabi? baka mamaya pinaglalaruan lang pala siya.

she took a deep breath. wala siyang natutunan tungkol sa discussion sa kahit anong subject ngayong araw, wala rin siyang ibang gustong gawin kundi magpahinga sa bahay nila at 'wag mag-isip ng kahit ano tungkol kay soobin.

but she can't help it. kanina pa siya nagtitiis na tingnan ang inbox niya para mag-reply sa mga DMs ng binata. sinadya niya rin na hindi sumabay sa mga friends niya pauwi para makapag-isa dahil wala na naman silang mukambibig kundi si soobin.

"hoy, jisu!" nagulat na lang siya nang may marinig siyang sumigaw. hindi na siya nag-abalang lumingon dahil alam na alam niya kung sino ba yung tumawag sa kanya. gusto man niyang umiwas, wala na siyang magagawa dahil nakita na siya nito. she wanted to hide but it's too late.

"soobin." nagmamadaling tumakbo papunta sa kanya si Soobin. "pauwi ka na?"

"oo sana." sobrang awkward mo, lia! saway niya sa isip niya. sinusubukan niyang salubungin lahat ng tingin ng lalaki pero hindi niya magawang tumigin sa mata nito. ano bang nangyayari sa kanya? hindi naman siya ganito nung huli silang nagkita.

"gusto mo munang kumain?" hindi pa nakakasagot si lia, hinila na agad siya ni soobin patawid sa kalsada at pumasok sa isang coffee shop. nginitian lang siya nito pagkatapos! hindi mapakali yung dibdib niya dahil sa nangyari kaya naghanap na lang siya ng upuan para kumalma kahit papa'no.

"anong gusto mo?" ang hindi niya alam, nakasunod lang pala si soobin sa likod niya.
nagkamali siya, hindi siya kumalma. she felt her heart beating faster. shutangama.

ang lapit din ng mukha nito sa mukha niya. dahan dahan siyang lumayo, "isang egg and bacon sandwich saka brown sugar latte." maglalabas na sana siya ng pera sa wallet niya. "my treat, ako yung nag-aya." sabi ni soobin habang pinipigilan ang kamay niya. puchangama! mura na naman niya sa isip niya. hinawakan ni soobin ang kamay niya and in an instance, wala na ulit siyang energy.

naglakad na si soobin papuntang counter at malaking pasalamat niya dahil pag-alis nito, nag-init kaagad ang mukha niya. she can't deny, it looks like yuna is right. soobin has an effect on her.

bumalik ito dala ang in-order nila. nag-kwento agad si soobin tungkol sa nangyari sa araw niya, tango lang ng tango si lia. hindi sa ayaw niyang makinig pero pakiramdam niya kakawala sa rib cage niya ang puso niyang gustong magta-talon dahil sa presence ng kaharap niya ngayon.

"hindi naman ako ganito dati!" nagulat siya dahil napalakas ang boses niya. tiningnan siya ni soobin na mukhang nag-aalala, nasapo niya ang sariling noo at malalim na huminga.

"sorry, bin." tumungo na lang siya sa sobrang hiya at tinusok ng tinidor ang in-order niyang sandwich. "kanina ko pa napapansin." bulong ng lalaki.

"okay ka lang ba?" tiningnan niya si soobin sa mata pero agad rin niyang binawi. shin yuna! humanda ka talaga sa'kin.

"oo naman, bakit naman hindi?" pilit siyang ngumiti para hindi ito makahalata. ngumiti lang rin ito sa kanya pero ibang ngiti na. nahalata niyang hindi na rin ito ayos dahil hindi na ito muling nagsalita.

"you're just acting a little different. ewan, baka ako lang. baka dahil wala kang tulog." umiling si soobin at sumenyas na kumain na siya ulit. "just remember, i'm here if you need someone to talk to."

mabilis na lumipas ang oras, nag-paalam na siyang uuwi na paglabas nila ng coffee shop pero nagpresinta pa itong ihatid siya. lia told soobin that she can go home alone but the guy insisted, so she gave up and let him walk her home.

medyo madilim na ang daan dahil maga-gabi na. isa sa mga rason kung bakit ayaw nang magpahatid ni lia dahil malamang, aabutin nang dilim ang lalaki sa daan. pangalawa, hindi pa rin siya okay at ayaw niyang mahalata pa ni soobin kung anong nangyayari, natatakot siyang magtanong ito at hindi niya alam kung anong dapat isagot.

dumating na sila sa corner ng street kung saan siya nakatira. "dito na lang, bin. malapit na naman ako dito." pero parang wala itong narinig at dumeretso pa rin para ihatid siya sa mismong tapat ng gate nila.

napanguso na lang si lia, looks like they're both out of their own selves.

"thank you, soobin!" binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang binata bago siya pumasok sa gate ng bahay nila. hindi na siya lumingon dahil baka magtagal pa ito at kung ano pang masabi niya.

pagpasok niya ng kwarto, agad niyang chineck ang twitter account niya.

soobin:
see you tomorrow, jisu.

napahawak siya sa dibdib niya. she could feel her heart's racing and nobody could be the reason except for soobin. is she still safe?

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now