KABANATA 3: ANG PAKIKIPAG-SIBAKAN NI ALLAN KAY ARTURO #1

158 5 0
                                    

HUB of the PEOS

KABANATA 3

"ANG PAKIKIPAG-SIBAKAN NI ALLAN KAY ARTURO #1"

AUTHORS POINT OF VIEW

KINOMPRONTA muna sila ng isang sikyu na nag babantay sa gate ng subdibisyon na kanila sanang papasukan kaya inihinto na muna nito ang sasakyan at nakipag-usap sa sikyung nagbabantay.

Tahimik lamang si Allan at walang imik na nakikinig sa kanilang usapan. Nang sa wakas ay pinayagan na silang makapasok ang sasakyan ng baklang si Arturo, agad niya itong ipinarada sa may kalayoan ng ilaw na kulay dilaw ng poste, nakapwesto sila sa likod ng kulay puting bahay, madilim ang bahay na iyon. Parang wala ng naninirahan sa bahay na 'yon. Kaya sa may kadilimang parte sila ng kalsada ng subdibisyong iyon nagpark. Walang katao-tao ang lugar dahil sa medyo gabi na rin. Nahirapan pa nga silang makapasok, mabuti nalang may kakilala ang baklang si Arturo sa loob at sinabing may bibisitahin lamang, kaya sila ay pinayagang makapasok.

Agad na lumabas si Arturo sa kanyang kotse pagkatapos maipatay ang engine ng sasakyan. Pumunta ito sa likod ng kaniyang kotse para kunin ang isang bote nang red wine at dalawang wine glass. Binuksan niya ang mukhang bagong bili pa niyang red wine at tigkakalahati niyang nilagyan ang dalawang baso ng wine. Batay sa pangalang nakadikit sa bote nito ay masasabing isa itong orihinal na red wine na nagmula pa sa bansang Italy. Agad niya naman itong iniabot sa binata.

"Kilangan mo 'yan para naman pag-initan ka. Uobusin lang natin 'to bago tayo magsimula." ani niya sa binata.

Agad namang kinuha iyon ni Allan at inisang lagok. Malagkit naman siyang tinitigan ng baklang si Arturo. Naglalakbay ang nanghahagud nitong tingin at pagnanasa sa kabuuan nang binata. Naka fitted V-neck shirt lang kase ito na kulay puti at naka maroon na short pants. Bakat na bakat ang napaka ganda nitong katawan na nag palaway sa baklang si Arturo.

Kanina pa nga ito nag lalaway sa kaniyang isipan lalo na't ang suot nito ang  ag bibigay init sa kaniya.

Gustong-gusto niya kase ang gantong suot nito ngayon, nakakatakam at nakakapanglaway sa kaniyang mga mata ang masarap nitong katawan na nakabakat sa suot nitong v-neck shirt, hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang maskuladong pangangatawan ng binata na kaniyang nasilayan nong una nilang kita.

Para sa kanya si Allan ang pinaka masarap na kaniyang natikman. Kaya tinawag niya ang kanyang sarili na napaka-swerte nong unang araw na matikman niya ito. Kaya nang makita niya ang mensaheng i-tenext nito sa kaniya ay bigla siyang naglaway at na excite.

Excited na excited pa nga siyang naghanda para sa araw na iyon. Hindi niya aakalaing ito mismo ang unang magyayaya ng serbisyo sa kaniya. Mabilis ngang naubos ang buong laman ng bote dahil kay Allan. Napangiti siya dahil kada lagay niya ng alak sa baso nito ay lahat puno, at ini-isang lagok lamang nito iyon. Dalawang baso nga lang ang naubos niya. Lihim nga siyang napa ngisi.

Dahil nga takam na't namimiss na niya ang napaka sarap nitong katawan ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa.

"Jasper, lumipat ka sa backseat." utos niya dito. Tahimik namang sumunod si Allan.

Jasper kase ang pangalan niya na kinuha pa niya sa namayapa na niyang ama. Kinakailangan niyang itago ang kaniyang identity para hindi siya makilala ng kung sino kaya naisipan niyang ang pangalan nalang ng kaniyang ama ang kunin para walang makakilala sa kaniya. Natatakot kase itong baka malaman ng kaniyang ina ang kaniyang totoong trabaho. Marami pa namang nakakakilala sa kaniya sa kanilang lugar, kaya siya'y nababahala.

Hub Of The PEOS [BXB] (SLOW UPDATE!!!)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum