Wonderland 3

19 3 0
                                    


Alysa Madrigal.

Hindi ko nilubayan ng tingin ang doktor na nakangisi sa 'kin hangga't 'di pa nagsasara ang pinto ng elevator.

Nginisian ko rin ito ng tuluyan na ngang magsara ang elevator at inis na pinindot ang third floor button.

"Excuse me..." pagtawag- pansin ko sa kasama kong nurse. Magiliw naman itong lumingon sa 'kin.

"Bakit po?" Nakangiti pa ring tanong n'ya. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Hindi naman sa panghuhusga pero may sakit ba sa pag-iisip ang doktor na 'yon?" Tila naguluhan naman ito bigla dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

"Ah, I mean yung kausap kong doktor kanina and s'ya rin yung nakatingin sa gawi natin bago sumara ang pinto nito." Paliwanag ko. Ano kayang meron do'n at ngingisi-ngisi sa 'kin?

"ah, si Doc Philip po?" Saglit itong ngumiti at, "Nakatahi po kasi yung gilid ng labi n'ya sa may kanan banda. Na-misinterpret n'yo po siguro s'ya and gano'n po talaga s'ya marahil ay hindi pa po sanay sa tahi n'ya." Mahaba nitong paliwanag.

'Akala ko naman ay may sakit sa pag-iisip o kaya nama'y may masamang binabalak!'

'I should learn how to observe well. Kung dito pa lamang sa simpleng doktor ay nahusgahan ko na, paano pa kaya ang future patients ko?'

"Hmm, I understand. Thank you." Tango na lamang ang isinagot sa akin ng nurse at tuluyan ng bumukas ang elevator. Lumabas na kami at saka dumiretso sa left wing.

Tahimik kaming naglakad sa may pasilyo at huminto sa tapat ng isang room.

20b

Psychiatric Ward

No. | Patient's Name

200 | Jessica Aliceia Madrigal

--- |____________________

--- |____________________

Kaagad namang kumunot ang noo ko. Mag-isa lang s'ya sa kanyang room? At bakit nasa psychiatric ward ang anak ko gayong normal room ang sinabi ko bago ako umalis kanina?

"Good evening ma'am, check ko lang po vital signs n'yo..." Dinig kong sambit ng nurse sa anak ko.

Mula sa pagkakahiga ay bumangon naman ito at nahihiyang lumingon sa 'kin.

"ahm, nurse? Bakit nasa psychiatric ward ang anak ko? Wala naman s'yang sakit sa pag- iisip ah?" Litong tanong ko

"Base po kasi sa observations po ng mga doktor at dahil na rin po sa psychological effect po ng drug sa kaniya." Nakangiting pagpapaliwanag n'ya at saka umayos ng tayo at isinaayos ang mga ginagawa n'ya kanina.

Nangunot naman ang noo ko. Hinintay ko na lamang s'ya na matapos sa kanyang ginagawa habang nakatingin ako sa nakatungong anak ko. Napangisi ako.

'Mukhang alam na nito ang mangyayari pagkaalis ng nurse.'

"Okay naman po ang vital signs n'yo. Babalik na lang po ako mamayang 2am para po sa pagpapalit ng dextrose. Tawag na lang po kayo sa may intercom kung may emergency o kailangan po kayo. Excuse me po..." 'yon lamang at lumabas na ang nurse pagtapos ituro kung saan banda nakalagay ang intercom.

Nang masiguro kong nakalayo ang nurse ay ini-lock ko ang pinto at saka muling lumingon sa anak ko.

"More than eight weeks. What in the earth you were thinking?! Those are drugs!"

WonderlandWhere stories live. Discover now