Chapter 3

0 0 0
                                    

"Nakakainis! Ang landi-landi niya" pabulong na sabi ni Cindy. "Nag-aantay lang ako ng tamang oras para maitchapwera ka!" pabulong niyang dag-dag.

...

Lumipas ang ilang araw at nakakapansin na si Mira na iba ang pakikitungo sa kanya ni Cindy gaya nalamang ngayon "Tabi!" pagtataray nito sa kanya habang dumadaan, nasa Canteen sila at binangga nito ang balikat niya pagkadaan nito. "Huy! Inaano kita? Bakit napaka taray mo?!" taas nuong sabi ni Mira sa kanya "Nong isang araw ka pa ah, naglilinis tayo tapos bigla mo ba namang kinalat yong basura na nakalagay sa basurahan kita mong nagwawalis ako! Parang di ka cleaners pero di ako nagsalita kasi ayoko ng gulo" sumagot naman ito kaagad "oh talaga ba? Ayaw mo nga ba talaga ng gulo? Eh bakit mo yan sinasabi sa harap ng mga schoolmates natin?" sumagot din naman siya pabalik "Kasi hindi na tama ang ginagawa mo! Sumusobra kana! Tama lang para malaman ng lahat" pataray itong sumagot "Then wag layuan mo si Thimothy" - "at sino ka naman para sabihin yan" magsasalita na sana non si Mira ng marinig niya boses ng matalik na kaibigan ang nagsalita. "Ni hindi ka nga niya Girlfriend eh" matabang naman itong sumagot "Yes hindi ko nga siya boyfriend sa ngayon pero- Naputol ang iba pa nitong sasabihin ng nagsalita muli si Donnalyn "Pero hindi ka niya magugustuhan at HINDING HINDI MAGIGING KAYO KASI SA UGALI MO. I know Cindy, lahat naman kami eh. Masyado kang halata na gusto mo ang anak ng CEO ng Dayana's Jewelry" naghiyawan ang mga naruon sa Canteen "Woahh👎Go Donnalyn" nagulat siya sa mga narinig at maslalo pa siyang nagulat sa sinabi ni Cindy "Oo. Dahil siya ang mapapangasawa ko sabi ni Daddy at di hamak namang mas bagay kami. Kaya prinoprotektahan ko lang kung ano ang akin!" Di siya makapaniwala "Inggit ka lang kamo. Kasi isipin mo yon sabi ng daddy mo siya mapapangasawa mo pero mukang wala siyang pagtingin sayo. Kasi kay Mira siya intirisado" pataray na sabi ni Donnalyn. Sa pagkakataong yon nabawian na siya ng pagkagulat at bumalik sa reyalidad kaya pinigilan na niya ang kaibigan "Halika na! Hayaan mo na yang inggiterang yan" taas nuo siyang umalis hawak ang kamay ng bestfriend at panigurado niyang galit ang muka ng kausap nila kanina bago siya umalis. "Anong tinitingin tingin niyo???" galit na sigaw ni Cindy habang tinitingnan ang mga tao sa Canteeng nakatingin sa kanya. Nagsi alisan na ang mga kapwa niyang studeyante dahil dumating na ang takdang oras dahil nag bell na.

"Totoo ba ang sinabi mo kanina about kay Thimothy?" tanong niya kay Donnalyn ng makalayo na sila. "Oo sis. Nalaman ko yon kagabie lang kay Dada. Kasi na promote na siya as personal assistant ni Mr. Vergara. Nalaman  kong anak pala ng boss niya si Thimothy and my god sa tatlong taong nag tratrabaho don si Dada kagabi ko lang nalaman" tumango tango siya "Kaya pala nakakotse siya" mukang nalugi ang muka niya. "Ok ka lang?" tanong iyon ng kaibigan niya "oo naman" hinawakan siya nito sa mga kamay "Wag mong alalahanin yong sinabi sayo ng bruhang yon. Kayo kaya ni Thimothy ang bagay" tumawa siya na parang wala sa sarili "Ako? Hindi kami bagay, mayaman siya at mahirap naman ako" binatukan siya ng kaibigan "Gaga! Oo nga mahirap ka. Pero kung talino ang pag uusapan kayang kaya mo ding yumaman sa future noh" umakto siyang kunwaring nasasaktan kahit sanay na talaga siya sa pambabatok ng kaibigan kasi maski siya ganon. "Aray grabe toh! Edi sa future nalang kami" nagtawanan sila. "heh! Ewan ko sayo para kang tanga!" pagtawa lang itinugon niya sa kaibigan. "Pero salamat ha!" sumagot ang kabigan "Para saan" nginitian niya ito "sa pagtatanggol saakin" tumawa ito "Alam kong kayang kaya mo yong bruhang yon di pa non nakikita kung paano ka magalit eh! Pero ayokong pinapanuod ka habang inaaway non. Gusto kong ipagtanggol ka saabot ng makakaya ko" lumanbot ang muka niya at tiningnan niya ito ng buong pagmamahal "Ganon din ako sayo. Kaya salamat sis, for being my bestfriend since grade 9" pilya itong tumawa "ohie awit!!" nagtawanan sila. Hanggang sa nag bell na kaya pumasok na sila sa paaralan. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘳𝘢𝘮𝘥𝘢𝘮 𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘳𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘪 𝘊𝘪𝘯𝘥𝘺

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 Right TIMEWhere stories live. Discover now