MEET MY FIANCE
CAMILA POV
"Mommy, daddy! Andito na po ako!" sigaw po pag pasok ko pa lang ng bahay
Dumiretsyo ako sa kwarto ko para makapag bihis na, bumaba din naman ako agad, ng makita ko si mommy na naka upo sa sopa
"Sakto anak, naka usap na namin ang mga magulang ng fiance mo at sabi nila mamayang gabi na kayo mag mi-meet" sabi ni mommy ng naka ngiti
Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si daddy
"Oww yah, family dinner?" tanong naman ni daddy kay mommy
"Yes hon, may family dinner tayo kasama sila" nag ngitian naman silang mag asawa at ako? Ito nakatingin lang sa kanilang dalawa
"Ok po mommy, ahm sige po akyat na po ulit ako, papahinga lang"
"Sige anak sasabihin na lang namin sayo pag aalis na tayo" tumungo na lang ako bilang sagot
Tumaas na ako pa puntang kwarto at agad naman akong humiga sa kwarto ko.
Ang dami kong iniisip ngayon tulad ng itsura ng fiance ko, sana ka label niya si bebe James ko
Ang daming lumalabas sa isip ko ngayon hanggang sa nakatulog na pala ako
"Anak gising na aalis na tayo" agad naman akong naalimpungatan sa nang gising saakin
Nagising ako sa ingay na naririnig ko, kaya minulat ko ang mga mata ko para tignan yung maingay na yun
Pag mulat ko nakita ko si mommy na naka upo sa tabi ko
"Anak gising kana ba?" malambing na sabi nito saakin
Ay hindi mommy, tulog pa ako, kaya nga mulat na mata ko eh kasi tulog pa ako, hassyt si mommy talaga kahit kailan
"Ahmm" yan na lang ang nasabi ko
"Tumayo kana jan at mag bihis kana, aalis na tayo" sabi ni mommy
Tumayo ako tulad nga ng sinabi niya.
Agad akong pumuntang CR para maka pag ayos ng sarili.
Paglabas ko nakita ko si mommy na nasa kwarto ko pa din
"Mommy doon na po kayo sa labas ng kwarto ko maghintay, maliligo pa po ako at mag aayos" inis na sabi ko dito
"Ok anak basta bilisan mo ha" tinaas baba ko yung kilay ko bilang sagot
Pumasok ulit ako ng CR para maligo.
Mabilis akong natapos dahil gabi na baka sipunin pa ako pag nagtagal pa ako
Pag tapos kong maligo agad akong nagbihis at nag ayos ng sarili ko
Simpleng cocktail dress lang ang suot ko na kulay light pink at dollshoes ang suot ko,naglagay din ako ng light make up sa mukha ko , then tapos na
Bumaba naman ako agad at hinanap sila mommy
Napangiti ako ng nakita ko si mommy na naka dress din gaya ko
Kahit kailan talaga si mommy pa bagets
"Naks mommy, halatang dika excited sa ayos mo ngayon" pang aasar ko
"Syempre anak dapat maganda ayos ko tsaka ikaw kunyare kapa eh ayos na ayos ka din naman" sabi ni mommy sabay duro saakin
Natawa naman ako sa inasal ni mommy
"You look good my princess, ang ganda mo ngayon" singit ni daddy sa usapan namin ni mommy
"And my wife you look great always" sabi ni dad sabay lapit kay mommy sabay kiss sa pisnge nito
YOU ARE READING
My Cold husband become a sweet man
RomanceIsang babaeng nag ngangalang Camila Savannah Gonzales ay nagkakagusto sa isang gwapo, mayaman, sikat at isang modelo Halos nasa kanya na ang lahat kaso wala sa kanya ang nagkakaisa isang hinahangad ng lahat ito ay ugali, dahil siya ay cold at napaka...