Chapter 3:Target

2 0 0
                                    

Nicky's POV

Dahil sa tulong ng mga kasamahan kong secret agent ay alam ko na mapapadali ang pag-aayos ng mga papel ko para sa kunwaring pag-aampon ng dalawang mag-asawang katiwala ni Mr.Martinez..alam ko na aayon sa plano ng grupo namin ang lahat..dahil kahit ang tadhana ay umaayon sa misyon ko..akalain mo na sa ganoong paraan ko pa unang makakaharap ang aking target at hindi ko na kailangang gawin ang unang plano na magkukunwari akong nakatulog na pulubi sa tapat ng gate ng mansyon nito..well..wala nga lang nagbago sa planong magpapanggap akong pulubi to lure him...........

"Maligo ka muna,iha para malinis ka na pagdating ng mga social worker at police........." Anang tinukoy kanina ni Mr.Martinez na katiwala at asawa ng kanyang driver na aampon daw sakin..iginiya ako nito sa isang malaking silid.................

"Kanino po ang bahay na ito?Ang laki naman at ang gara......."Bahay ang ginamit kong word imbes na silid para hindi magmukhang nag-uusisa ako..hindi naman kasi ito mukhang ang kwarto ni Mr.Martinez..mukha itong silid ng babae.............

"Hindi ito bahay..kwarto lang ito..isa sa maraming kwarto sa mansyon na ito..........."Nakangiting paliwanag ng katiwala na nagbukas ng closet sa isang tabi............

"Dito po natutulog si sir pogi?"Tukoy ko sa amo nito........

"Sir pogi?Ah..si Carl..hindi..dati itong kwarto ng nobya niyang ano..huwag na natin pag-usapan..isuot mo ito..kakasya naman siguro sayo yang nga naiwang damit dito ni Jane.............."Anito na sinipat-sipat pa ang katawan ko sabay abot sakin ng isang itim na cotton short na may ribbon sa bandang garter sa harap at may design na silver bell na maliit sa magkabilang side pocket nito at isang simpleng tshirt na baby pink ang kulay..napansin ko na iniwasan niya ang topic tungkol sa tinukoy nitong Jane..na-curious ako kung sino ang Jane na iyon..malalaman ko din kung sino iyon sa mga susunod na araw.................

"Nasaan po ang poso?"Kunwa'y tanong ko kaya napatawa ito.............

"Walang poso dito..ayun ang banyo..may shower doon..kung hindi ka naman marunong gumamit ay may gripo naman..may pang-ilalim na yang kasama na isusuot mo kasi laging may mga bagong damit na binibili si Carl kay Jane..at kompleto yun pati mga panty at bra..buti na lang at may maisusuot ka..hindi naman siguro magagalit si Carl kung isusuot mo ang ibang damit na luma na naman habang hindi ka pa namin naibibili maliban sa panty at bra dahil talagang dapat bago ang gagamitin mo..mga bago naman iyan..................."Pagkasabi nun ay lumabas na ang matanda at naiwan na ako..buti naman at nangangati na ako nitong mga inilagay kanina sa parlor sa katawan ko..amoy langis at gas ang buong katawan ko..namangha ako sa loob ng banyo..mayaman na kami pero nakakamangha pa din talaga pati ang loob ng banyo sa mansyon na ito..marahil sa kakaibang disenyo nito..sino kaya ang interior designer nito at nang ma-hire kapag nagpapalit ako ng design ng kwarto ko sa mansyon namin..napabuntung-hininga ako..ngayon lang ako nahiwalay kina daddy sa mansyon..mabilis na akong nagbihis dahil baka dumating na ang mga katrabaho ko..at dahil no choice ako ay ang body wash at shampoo na lang na nasa banyo ang ginamit ko....................

"J-Jane............"Natigilan ako nang may yumakap sakin habang nakatalikod ako dahil hinahanap ko ang daan papuntang sala..sa dami kasi ng kwarto dito ay naligaw pa yata ako................

"V-Venus..si Venus po ako.........."Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga ng lalaki sa likod ko na yumakap sakin.............

"Oh..sorry..bakit kasi suot mo yang damit ni Jane..........."Pakiramdam ko ay namumula ako kaya hindi agad ako makaharap dito..ramdam ko na parang galit ito kahit malumanay naman ang pagkakasabi nito nun..............

"S-sorry po..ito po kasi ang pinasuot sakin..isusuot ko na lang yung dati kong damit kung hindi pwede ito................"Wika ko nang humarap ako dito..napakunot noo ako nang hindi ito umimik at parang tulala lang na nakatingin sa mukha ko............

Survival's SecretNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ