♪ track two: kung pwede lang by emman

85 26 38
                                    

AXL's

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AXL's

nakilala ko si Rissa sa review center. lagi kaming nagkakasabay pauwi at dahil dun, naging close kami.

makalipas ang ilang buwan, naging kami. nakapasa din kami sa board exam at kami'y parehong certified public accountant na.

magkaiba kami ng firm na pinagtatrabuhan pero lagi naman kaming naghahanap ng paraan para makausap ang isa't isa.

pero habang tunatagal. nawawala na.

"'di na kita nararamdaman. totoo bang nandiyan ka lang o sinabi mo lang?"

parang ako na lang ang gumagawa ng paraan para makapag usap kami.

"sino na ang kakapitan at sasandalan ko ngayon?"

mahal na mahal kita, Rissa.

kahit madalas ay hindi na tayo sabay kumain.

kahit madalas ay natatapos ang isang araw na walang natatanggap na halik o yakap mula sa'yo.

kahit madalas ay wala nang batian paggising at bago matulog. para sa atin ay naging ordinaryong araw na lamang ito.

kahit ang tadhana ay handang paghiwalayin tayo. gagawa ako ng paraan para pigilin yun.

makalipas ang ilang buwan, 2nd anniversary namin ngayon ni Rissa, at naisip ko na isurprise siya sa kanyang workplace pagkatapos ng work ko.

5pm ng matapos ang work ko at saktong dumating ang inorder kong isang bouquet of sunflowers saka ang tiffany and co necklace.

agad akong dumiretso papunta sa kanyang workplace. makalipas ang ilang oras na paghihintay sa kanya ay sa wakas, nagpakita din siya. nagulat siya na nakita niya ako.

binigyan niya ako ng yakap at sinabi "thank you, Axl."

bago ko pa siyang maaya na kumain ay bigla niyang sinabi na "i gotta go now, Axl. can we meet each other maybe later? or maybe tom? i'm just really busy right now."

binigyan ko na lang siya ng mapait na ngiti at bumalik ako sa kotse bitbit ang bouquet ng sunflowers at ang ibibigay ko sanang kwintas sa kanya.

"ngayon ikaw ay nandito pero alam ko, mamaya-maya lang aalis ka na rito. pahiram naman ako ng oras mo. pasilip naman ako sa iyong mundo."

umuwi ako sa condo ko na empty ang pakiramdam. pero napaka selfish ko naman siguro kung magtatampo pa ko sa kanya? dapat intindihin ko na lang siya. tama, kahit ilang beses na 'tong nangyayari. paulit ulit na lang.

"'la na 'kong nararamdaman. iba na rin kung paano mo 'ko tingnan. sabimo ay nandiyan ka lang. kung pwede lang magparamdam ka naman."

naghintay ako sa aking condo dahil baka dito pumunta si Rissa ngayon dahil 2nd anniversary namin. at tama nga, dito siya uuwi ngayon.

pagkarating niya sa aking condo ay agad siyang dumiretso sa kwarto para matulog. ganun na lang? wala man lang 'good night?' baka sobrang pagod siya ngayon.

ang aking mga mata ay tila nais lumuha. pumunta ako sa balcony at tumitig sa kawalan. aking napagtanto na nasanay na lang pala kami na nagtatagal na lang.

wala na, nagbago na.

dati hindi ka pa matutulog kapag gising pa ko.

nagulat ako ng may bumasag sa katahimikan dahil niyakap ako ni Rissa sa likod. gising pa pala siya. kitang kita dito sa balcony kung gaano kaganda ang city lalo na kapag sa gabi.

tahimik. tahimik namin tinitingnan ni Rissa ang mga bituin at ang mga ilaw sa bawat bahay at building na nasa harap namin.

pero habang tahimik namin tinitingnan ang kagandahan ng paligid, bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at pumunta sa tabi ko para magsalita.

"baka 'di talaga tayo para sa isa't isa, Axl."

tumingin ako sa kanyang mga mata at tinanong ang "ano ang ibig mong sabihin?"

"wala na, wala na kong nararamdaman." parang bumagsak ang mundo ko nung sinabi niya ang mga salitang iyon

agad agad? agad agad kang mawawala ng nararamdaman? hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

para akong naging pipi dahil walang mailabas na salita sa aking bibig.

"i mean we're both always busy. look Axl, i loved you." sabi niya at siya'y lumapit sa akin upang bigyan ulit ako ng yakap

"'la na 'kong nararamdaman. iba na rin kung paano mo 'ko tingnan. sabi mo ay nandiyan ka lang. kung pwede lang magparamdam ka naman."

pagkatapos nun ay umalis na siya. habang ako? naiwan ako sa balcony at hindi ko alam ang gagawin.

masakit.

pero hindi ko siya magawang pigilan dahil kagustuhan niya iyon at ang magagawa ko na lang ay ang irespeto ang kagustuhan niya sapagkat wala na siyang nararamdaman sa akin.

mas masakit pala kapag walang nangyaring pagloloko sa relasyon.

mas masakit kasi tinapos namin ang relasyon dahil sa hindi na namin pala kayang abutin ang aming plano na kasama ang isa't isa.

i will always wish you happiness, Rissa. i hope that you find a man that can do all of those things, and love you as unconditionally as you once loved me, and as i still love you.

this chapter is dedicated to my friend that's always there for me to support me and to listen to my rants and my late night thoughts. ilysm sheshinggg_

and STREAM EMMAN!!!

love playlistWhere stories live. Discover now