01

3.3K 159 53
                                    


"Ms. Casimiro!!"

Narinig ko ang malakas na pagpalo ng stick mula sa aking lamesa. Dahil dito, napadilat ako ng mata at itinaas ang aking katawan mula sa pagkakahiga sa lamesa kanina.

"M-Ma'am..." Alerto akong sumagot.

"Explain the process of allosteric regulation and its significance in the context of enzyme activity modulation." Seryoso nitong saad sa akin, itinuro niya pa ang whiteboard gamit ang kanyang stick na hawak, "I want you to draw the process."

"Napa-kurap ako ng ilang beses, nagtataka kung nananaginip ba ako o sadyang hindi pa ako naaalimpungatan.

Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harap. Nanginginig ako ng kaunti, hindi pa kasi ako lubusang naaalimpungatan, at sabog pa ang utak ko! Pero pinapanatili ko lang ang malamig kong ekspresyon, para hindi mahalata na wala akong alam!

"Here..." Napatingin ako nang may nag abot sa akin ng pentel pen, si Zahira.

"Salamat," sagot ko, at dahan-dahan ay tumango siya. Bumalik siya sa pakikipagkwentuhan kina Jeon at Chaly na kasama niya. Kitang-kita ko na hindi ako kasama sa usapan nila. Mag-isa ako sa malayong upuan, at tila ako ang main topic nila.

Or maybe I'm just overreacting?

"Ano, Ms. Casimiro? Tulala lang ba ang mai-aambag mo ngayon?" Tanong ni Ma'am habang hawak ang index card ko, handang isulat ang aking itlog na iskor sa recitation.

Subukan niya lang gawing itlog ang iskor ko, i-tinola ko ang manok nila na ginagamit ng tatay niya pang-sabong! Baka kailanganin ko pang magpa-tutor sa mga manok ng tatay niya para lang maluto yung score ko sa recitation na itlog!

I quickly recalled the question she asked before facing the whiteboard, "T-The process of allosteric regulation involves the binding of a molecule at a site other than the enzyme's active site," I explained shortly, I stopped when I tried to draw a simple enzyme structure with an active and allosteric site. "Leading to a change in the enzyme's conformation and subsequent modulation of its activity."

I tried to draw each process until I came to the conclusion, "Thus, it can result in either the enhancement or inhibition of the enzyme's activity. Significantly, allosteric regulation provides a sophisticated way for cells to control metabolic pathways, ensuring that enzymes are activated or inhibited based on the cell's needs and the availability of substrates or products."

Tumingin si Ma'am sa akin, at unti-unti itong lumapit, tahimik akong tinitigan mula ulo hanggang paa bago siya umiling. "Pasalamat ka at matalino ka," sabi niya.

Edi, thank you. Maraming salamat.

Palihim akong ngumiwi bago bumalik sa aking upuan. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga santo na pinagdasalan ko kanina. Mukhang present silang lahat, maganda yan. Dapat palagi ganyan.

Mabuti na lang din at nakapag-advance reading ako noong isang araw. Kung hindi, baka nga nagkaroon ako ng itlog sa index card, at kung nangyari 'yun, hindi ko siguro mapipigilan ang sarili ko na i-tinola ang manok na pang-sabong ng tatay niya.

Speaking of advanced reading, I should also advance our Med Tech Laws and Bioethics. Mamayang alas kwatro pa naman ang klase ko doon, at malapit na ang lunch time.

When Ma'am Monette finally ended the class, our class president instructed us to clean the room, and we just followed her orders, since she is the president after all.

"Uhh... Icehelle?" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin, si Olive, "Anong marker pen ang gamit mo pangsulat dito sa whiteboard?"

Napakurap ako ng dalawang beses bago tiningnan ang marker pen na ngayon ay nasa lamesa na. Laking gulat ko nang malaman kong ito pala ay isang permanent marker.

Chasing Captivated Dreams (Part Time Series #1) | Under Revision  ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon