Chapter 57

7 6 0
                                    

ELLA'S POV (Ariella)

"Eh insan wala ka namang veranda eh" takang tugon ni Camy.

Oo nga wala naman talaga, joke lang yun.

"I know!" pagtataray ko.

"Eh paano mo ako ibibitin patiwarik?"

Napasalubong nalang ang kilay ko sa sinabi nya.

Wtf! Naniwala talaga sya.

"Ayy bobits talaga!" napalo ko nalang ang ulo ko. "Gusto mo talagang maibitin?!"

"Hindi joke lang insan, kapag namatay ako malalagasan ang pamilya natin ng isang napakagandang dilag"

Napasabunot na ako sa buhok ko. Shit sumasakit ang ulo ko sa babaeng to.

"ARRRGHH!" sigaw ko kaya dali dali syang lumabas. Ibigsabihin lang nun ay takot na sya.

Nang makalabas sya ay umupo na ako sa may study table ko. Binuksan ko ang laptop ko at unang inopen ko ay IG. Bumungad sa akin ang picture ni Harvey at Chloe. Nakaakbay si Harvey kay Chloe habang si Chloe naman ang may hawak ng selpon.

Nasaktan ako bigla. Ang sakit parin pala!

In-off ko nalang dahil kapag nag scroll pa ako ay baka makakita pa ako ng ikasasakit lalo ng nararamdaman ko.

Sunod kong binuksan ang messenger. Online ang gc namin, masaya ako dahil kahit papaano ay welcome na ako sa friendship ng mga kaibigan rin ng kapatid ko.

Sinabi ko narin sa kanila na pinayagan ako ni Lolo. Kailangan lang daw ay magkita-kita kami bukas para mapag usapan kung kelan ang alis at kung paano aalis.

Nagtitiwala naman ako sa kanila kaya chill lang muna tayo kahit kaunti. Masyado ng maraming nangyayari ngayon kaya give your brain time to relax and chill kahit ang puso ay nasasaktan.

Sobra akong nababahala ngayon dahil sa oras na magkita kami ulit ni Harvey ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko at ang sasabihin ko.

Ganun rin kay Ate Chloe. Gusto gusto ko na syang kausapin, tawaging Ate, makayakap, makalaro. I know malaki na kami pero wala naman sigurong batas na hindi na pwedeng maglaro ang teenagers na noh. At sa huli ay ang pinakagusto ko, ang mamuhay ulit ng kasama sya.

I missed her a lot!






JOSH'S POV

Andito ako ngayon sa kama ko nakahiga. Katatapos ko lang kausap si wifey, sobrang saya ko lang kapag nakakausap ko sya at naririnig ko ang boses. She always complete my day kahit na ngayon ay maraming problema.

Hindi ko rin naisip na naipit lang ako dahil pareho ko silang kaibigan. Masakit na makitanl silang ganyan. Si Chloe pinalayo sa amin ng wala kaming alam na dahilan. Si Kevin naman patuloy parin ang paghabol kay Chloe kahit posibleng nahulog na sya duon sa Harvey.

Pero wag naman sana. Kilala ko na si Chloe, hinding hindi nya basta basta makakalimutan ang kaibigan namin lalo pa ngayon ay binabantayan sya ni Kevin sa London.

Tumunog ang selpon ko at tinignan ko ito. Si Ethan tumatawag kaya agad ko naman itong sinagot.

"Dre" panimula ko.

"Pinayagan na daw si Ella. Kelan ang alis?" seryosong tanong nya.

"Ganon ba? Sige kakausapin ko sila Carah para bukas ay mapag usapan"

"Okay" tipid nyang sagot saka pinatay ang tawag.

Oo tama kayo, susundan namin ang mga kaibigan namin sa London. Sinubukan na naming humingi at tanungin ang pinsan ni Chloe na si Liam kaso pati sya ayaw magbigay ng dahilan kung bakit pinapunta nila si Chloe duon.

Unexpected Love (UNEDITED VER.) Where stories live. Discover now