Introduce of Characters.

6 0 0
                                    

Kelghv Zird Traves...isang magaling na Actor sa teatro. Bukod sa pagiging Actor sa teatro ay may alam din siya sa larangan ng pag guhit at pag pinta. Hindi man ganon kagaling,pero ito ay libangan niya na den. Sa murang edad na 10 ay natuto na siyang gumihit at pag dating ng 12 ay natutuo na siyang magpinta,natutunan niya lang ito ng kusa. Ang pagiging Actor naman ay natutunan niya sa kaniyang magulang na sina Kevin at Zirneah. 14 years old palang siya ay dinadala na siya sa 'Rise Up Theater ng kaniyang mga magulang,hanggang sa natuto na siyang umakto sa mga Theater play. Mahilig siyang magbasa ng mga pocket books.

Mabait,magalang,matalino,pero medyo nerd. Maangas din naman pumorma kaso laging may salamin at may mga hawak na libro. Kadalasan gusto niyang mapag isa lalo na pag magbabasa siya. Si Keith at Gyu lang ang kaniyang matalik na kaibigan.

Ixy Xen Nostre...isang babae na mahilig sa musika. Siya ay matalino at talented. Marami siyang alam gawin pero naka tuon ang atensyon niya sa pag aaral at pagtugtog lang. Bata palang ay kumakanta na natuto ng sumayaw at mag pinta. Pero nahilig siya sa pagkanta kaya ito ang binigyan niyang pansin. Magaling na singer ang mommy Ixen nya,pero hindi niya na ito nakita pa. Natuto naman siyang mag sayaw dahil ang daddy niya ay marunong din sumayaw. Naimpluwensiyahan lang naman siya ng kanyang stepmom sa pagpinta kaya hindi niya ito masyadong pinagtuunan ng pansin.

Matalino,sunod sa uso,boyish,mabait at matapang si Ixy. Friendly at masaya den kasama,pero maloko at malakas ang trip sa buhay. Madali siyabg makasundo,pero madali din siyang magsawa sa mga bagay bagay.

Kelghv's P.O.V.

Andito ako ngayon sa 'Rise Up Theater na pag mamay-ari ng lolo ko. Dati ay isang abandonadong Teatro lang ito. Pero binili ito ng matalik na kaibigan ni lolo Raph, dahil bago daw ito malugi noon ay dito sila lagi nanonood ng Theater play. Pero nung binili ito ng matalik na kaibigan ni lolo ay wala rin namang nangyare sa teatro na ito dahil wala naman silang makuha na mga actor noon,hanggang sa pumanaw na ang kaibigan ni lolo kaya sakanya na ito ibinigay dahil wala naman na itong ibang kamag-anak. Kaya hanggang ngayon ay sa amin ito nakapangalan. At ito ang nagbubuhay sa aming pamilya. Maraming nanood dito kaya malakas ang kita. Kaya pinangalanan na nilang 'Rise up dahil ito ang nagtuguyod sa buhay ng aking lolo at lola na hanggang ngayon ay napapakinabangan pa.

"KZ!! Tara na,alis na tayo!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Keith. Kasama ko siya sa teatro at parehas kaming nag aaral bilang senior student sa Extria. "Sige,susunod na ako! Hinahanap ko lang ung uniform ko!" sigaw ko. "Andito na ung uniform mo!!kinuha ko na kanina." sagot naman niya. "Salamat." sabi ko ng makarating ako sa kotse niya.

Sa ngayon ay bumabyahe na kami, sa tingin ko 4 am palang. Maaga kaming umalis kahit 7 am pa ang pasok namin,dahil galing kami sa teatro at malayo ang pagitan ng teatro sa bahay namin at sa school. Gabi na natapos ung practice namin kagabi kaya hindi na kami umuwi. Dun na kami natulog at naligo,lagi naman kaming may dalang mga uniform incase nga na gabihin kami. Pag umuwi pa kasi kami ay mas hassle lang. Si mama at papa ay naiwan na sa teatro dahil may mga aayusin pa sila.

Mahilig ako sa pag guhit at pagpinta,bata palang ako ay marunong na ako. Ang iba sa mga gawa ko ay binebenta ni Mom para sa fund raising dati. Pero ngayon ay bihira nalang akong magpinta dahil naka focus ako sa teatro at pag-aaral. Sa ngayon ay senior student ako. Sa mga susunod na buwan lang ay graduate na ko ng highscool. Ilang buwan nalang din ay 19 na ako.

Ixy's P.O.V.

"Xen!! Gising na!! Ay nako 5:30 na,bangon na diyan maghahanda na ako ng almusal mo,baka malate ka!!" sigaw ni Stella sa labas ng kwarto ko. "Yesss!! I'm awake!! sagot ko kay Stella,ang aking stepmom. Ung biological mother ko hindi ko na nakita since nung 3 years old ako. Hindi ko na maalala ang muka niya dahil sa tagal ng panahon,kahit isang picture o pangalan lang ni mom ay hindi sinasabi saken ni dad. May sama siya ng loob kay mom dahil inwan niya kamk bigla. Nagpadala lang siya ng divorce paper sa bahay para makipaghiwalay. Hinanap siya ni daddy kahit saan,pero hindi niya nahanap. Kaya no choice si daddy kung hindi pumirma,dahil kahit hindi siya pumirma ay ganon pa den naman. Wala si mommy. Hindi rin nama namin makakasama kaya pumayag nalang siya makipaghiwalay. Si Stella ay art teacher sa 'Extria University. Hindi kami masyadong magka sundo ng stepmom ko kahit nakasama ko na siya ng 4 years. I'am grade 10 student of 'Extria. Next year lang ay senior high na ko. Mahilig ako sa mga music at instruments. Actually may banda kami,pero hindi pa kami ganoon ka sikat dahil sa loob lang kami tumutugtog ng mga kaibigan ko. May alam din ako sa mga drawing and painting dahil na impluwensyahan ako ni Stella. Pero hindi ko ito masyadong hilig.

Nasa hagdan na ako ng maamoy ko ang niluluto ni Stella,kaya naman dali dali akong bumaba at nakipag beso kay Dad at binati ko naman si Stella "Good morning mom,dad." pagkaharap ko si dad ay 'mom ang tawag ko kay Stella pero pag wala si dad 'Stella lang ang tawag ko sakanya. Minsan ko lang siya tawaging mom. Si dad naman ay isang Engineer,kaya madalas ay wala siya sa bahay,lalo na pag may project sila sa ibang lugar. "Bilisan mo na kumain Xen,para ihahatid ko na kayo ni Stella." bilin sa akin ni daddy habang papaakyat siya. "Yes dad." sagot ko. "Oh Xen,narinig mo na ang sabi ni Cedric ha." pangeepal ni Stella. "Yes. I heard it clearly,ok?" matamlay na sagot ko. Natapos na akong kumain at naligo na ko.

On the way na kami sa school ko. Its's already 6:20. Malapit lang kami sa school pero hindi kaya ng walking distance. Keri siyang lakadin ng 40 mins. Kaso baka malate na kami... Maya maya lang ay nasa school na ako at iniwan ko na si Stella. Pagpasok ko palang ay binabati na ko ng iba. May isang song na kaming na release ng banda ko. Tilte is 'Panandalian lamang' hindi siya about sa lovelife lang,pwede rin siya sa kaibigan at pamilya. Si Jhuz at ako ang nag compose. Vocalist din ako,marunong din mag drums pero si Gavin ang drumer at si Cindy naman ang taga piano. Si Jhuz ay sa guitar naman. Naghahanap pa kami ng isang vocalist para may kasama ako,pero sa ngayon ay hindi pa kami nagpapa audition since second week palang naman ng school year.

"Jhuz asan si Cindy?" tanong ko kay Jhuz na nasa puno malapit sa tambayan namin. "Ewan,di ko pa nakikita eh." sagot niya. "Oh, I see." tatango tangong sagot ko. Maya maya lang ay dumating na si Gavin kasunod si Cindy. "Etong dalawa talagang toh,kahit kelan late." sabi ko kay Cindy at Gavin. Magpinsan sila kaya sabay silang pumasok,magkalapit lang din ang bahah nila. "Eh etong si Cindy nagayos pa eh,tagal tagal kala mo naman may magbabago sa muka." pang aasar ni Gavin kay Cindy. Tinarayan lang naman siya nito. Sa aming apat,si Cindy ang girly at pala ayos masyado,ako naman kasi ay bara bara lang,hindi nga ako marunong mag make up eh. Magtali at mag ayos lang ng buhok ang alam ko. Hindi naman ako tomboy,pero boyish lang talaga ang porma ko. Hindi naman kasi ako lumaking alaga ng nanay or kahit sinong babae kaya hindi ako marunong mag ayos. 12 years old na kasi ako nung nakilala ko si Stella at gabayan ako sa mga girly stuff. Kaya hindi pa ako masyadong sanay.

Pagdating naman kay Jhuz at Gavin,mas habulin ng babae si Gavin at si Jhuz naman ay cold type. Pero parehas silang mabait,mas showy nga lang si Gavin.
Sa aming apat si Jhuz din ang pinaka matalino,sumunod ako at si Cindy. Huli si Gavin,palibhas puro babae inaantupag.

"Tumunog na ang bell. Tara." aya sa amin ni Jhuz.

Sabay sabay na kaming tumayo at nagpunta sa room namin. Magkakaklase kaming tatlo nila Jhuz,at Cindy. Si Gavin ay nasa ibang section dahil mas mababa ang grades niya samin. May alam naman siya,pero hindi niya kasi inaayos ung studies niya kaya napalayo siya samin ng section.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Kelghv Zird (Kelv Zerd)
Ixy Xen (Ayksi Sen)
Keith (Kit)
Jhuz (Juz)
Gavin (Geyvin)

Correct pronunciation po ng names nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paglipas ng Panahon...ang Paglisan ko sayo.Where stories live. Discover now