13- Meet tha Family

1K 71 38
                                    

Lala's POV

"Teka lang, ha? Tama ba ang pagkakarinig kong sinabi ng mga magulang mo kanina, Nicolas? Ikakasal daw tayo?"

Kanina pa ako naguguluhan sa takbo ng pangyayari. Agad-agad na nag-utos ang mga magulang ni Nicolas na sunduin ang Lola Sabel ko sa bahay kahit ilang beses ko ng sinasabi sa kanila na walang namamagitan sa amin ng anak nila!

Si Nicolas naman ay tila walang pakialam at walang kibong nagtungo sa library-cum-opisina niya upang basahin daw ang ipinadalang dokumento sa kanya ng sekretarya. Ang lintek at inuna pa talaga ang dokumento kaysa ayusin ang gulong gawa ng mga magulang niya!

"You heard it right. Congratulations, hindi ka bingi," kalmante pang sagot sa akin ni Nicolas habang nagtitipa sa kanyang laptop.

Inis namaywang ako sa harapan niya.
"Hindi tama 'to! Hindi kita pakakasalan! Ano ka sinuswerte?"

Tila nais niya pang matawa sa narinig.
"Oh, I cant wait to marry you, Lala," nang-iinis pang sagot niya.

"A-ayaw ko! Hindi nga kita type!"

"Oh, I'm so sad," kunway malungkot na sagot niya.

Naiinis na sinipa ko siya sa paa. Nasapo niya ang nasaktang paa saka ako sinimangutan.

"Huwag mo akong pinaglololoko, Nicolas, ha! Sabihin mo sa mga magulang mo na hindi naman tayo mag-ano!"

Tumigil siya sa pagtipa saka ako hinarap.
"Hayaan mo sila. Trust me, if they find out your social status, they will do evertyhing to cancel the wedding."

Hindi ako nakakibo. Nainsulto ako ngunit tama naman ang sinabi niya. Hindi pa nga ako napapa-background check ng mga magulang niya. Kapag nalaman nilang isang kahig, isang tuka lang ako'y baka tuluyang atakehin ang mga 'yon sa puso.

"I know my parents better than anyone, Lala. They wanted me to marry someone from high society. Kapag nakita nila na sa isang kubo sa squaters area ka lang nakatira at naghahalo nang kung ano-ano sa kawa, they will stop this nonesense. So please, relax," malumanay niyang paliwanag na para bang hindi 'yon nakakasakit ng damdamin ko.

Pinisil pa niya ang balikat ko.
Nanulis ang nguso ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Eh, bakit 'di pa natin sabihin na hindi naman talaga ako mayaman? Na empleyado mo lang ako para 'di na sila mag-aksaya ng oras!" giit ko sa kanya.

"Nah...they wont listen. Let them do whatever they want," aniyang ibinalik ulit ang atensyon sa ginagawa.

"Bakit parang wala lang sa 'yo ang lahat ng 'to?"

"I've got a pile of works to do to even bother myself to that," katwiran niya.

Napapadyak na ako sa inis. Wala ba talaga akong aasahan sa kanya?
"Nakakainis ka naman, eh! Diyan ka na nga!"

Hindi man lang siya nag-abalang tingnan ako ulit. "Thank God..." narinig ko pang bulong niya na tila nakahinga nang maluwag at umalis na ako.

Padabog akong lumabas ng library. Eksakto namang nakasalubong ko si Ate Niña na minamaniobra ang wheelchair niya. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.

"Ate Niña!"

"Lala! You're here!"

Oo kanina pa! Saan ka ba nagpunta? Ikakasal na nga kami ng kapatid mo, eh!

Mabilis akong lumapit sa kanya saka siya niyakap. Oo, ganoon na kami ka-close. Nagyayakapan na kami. Napansin kong balisa siya.

"Ayos ka lang? Mukhang balisa ka, Ate?"

Vitamin UWhere stories live. Discover now