Chapter 1

10 0 0
                                    

Kazi's POV

"Dito ka na, Kaz?" napaangat ng tingin si Art sa apat na palapag na building na tutuluyan ko.

"Oo. Thank you nga pala sa paghatid sa akin," saad ko saka kinuha ang mga gamit na inilabas niya sa kotse.

"'Nga pala, mag-iingat sa pag-uwi. Takaw disgrasya ka pa naman," sumilay ang dimple niya nang mapangiti sa pagbibiro ko.

"Ofcourse I will. Pero mas lalo ka na. You're a girl so you better take care of yourself even more lalo na't malayo ang pinaglipatan mo," bigla namang napalitan ng pag-aalala ang kanyang mga mata.

Syempre!" ngumiti ako bago muling nagsalita, "O siya sige na. Gumagabi na't baka lalo ka pang gabihin sa daan, tsaka traffic na rin kapag nagtagal ka pa," tumango siya saka ako hinagkan ng mahigpit.

Art is my bestfriend since I was in elementary. Halos kasama ko siya sa lahat ng bagay. Our parents are both partners in business. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya dahil bukod sa mabait, e supportive din and protective. No wonder, sobrang laki ng tiwala sa kanya ng parents ko and he's the best buddy for me.

Nagpaalam na siya saka pinaandar ang sasakyan. Ako nama'y tumapat sa pulang gate. Pumasok ako at nadatnan ang isang babaeng sa tingin ko ay mid-40's.

"Magandang gabi po," bati ko at saka marahang ngumiti. Sinuklian niya naman ito ng ngiti saka ibinaling ang tingin sa mga dala kong bagahe.

"Ikaw na siguro 'yong bagong tenant dito, tama ba?" tumango ako saka inalalayan niya naman akong pumasok.

"Ako si Emalyn. Pwede mo akong tawaging tita Emz since lahat ng tenant ko dito ay tita Emz ang tawag sa akin."

"Kazi Gabrielle Uy po. Nice to meet you tita Emz," ngumiti ako nang napakalawak habang papasok kami sa elevator ng building na 'to.

"Uy? Kaano-ano mo si Mr. Gabriel Uy?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Huh? Paano niya kaya nakilala tatay ko?

"Daddy ko po," sagot ko at nakita ang pag-aliwalas ng mukha niya. Humarap siya sa akin nang may malawak na ngiti.

"Ikaw na ba ang bunsong anak nila?" tumango ako na ikinagulat niya.

"Paano niyo nga po pala siya nakilala?" dahil sa kuryusidad ay napatanong ako. Baka kasi kamag-anak namin 'tong si tita Emz e.

"Dati akong nagta-trabaho sa inyo. Bata ka pa lang nang umalis ako upang maghanap ng iba pang mapapasukan kaya siguro hindi mo na ako matandaan," pagpapaliwanag nito at tumango tango naman ako. Kaya niya pala kilala si daddy ay dahil minsan na rin siyang nagtrabaho rito. Hindi ko namalayan na tumapat na kami sa isang pinto.

Room no. 207

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang isang napakagandang sala, malawak at tamang tama upang kumasya ang mahabang couch, mini table, book shelves, tv screen, and a computer with swivel chair.

Infairness dito ah, kahit paupahan dinaig 'yong mga mamahaling condominium. Bigtime talaga 'tong si tita Emz! Hindi ako nagkamali ng desisyong ito ang piliin sa dinami-rami ng pagpipilian.

"Sige iha, mauuna na ako. Kung may kailangan ka pa, puntahan mo na lang ako sa baba," ngumiti ako saka tumango bilang tugon.

Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng condo. Hindi ko in-expect na ganito kaganda ang madadatnan ko dahil ang alam ko, kapag paupahan ay hindi gano'n kaganda ang tutuluyan. Kinuha kong muli ang mga gamit ko saka pumasok sa unang kwarto nang mapansin kong may hagdanan pataas. I smiled. Woah! This is really beyond my expectation. Dali-dali akong umakyat sa taas at nakita ang isa pang kwarto. I opened the door and smiled widely with what I saw. Tumambad sa akin ang malamig na hangin and the aircon was the first thing that caught my attention. May isang kama na kasya ang dalawang tao, may tv screen, mini table and another door, probably the comfort room. Grabe!

My Popular Housemate (ONGOING)Where stories live. Discover now