//Prologue//

840 26 8
                                    

[Prologue]
*

**


Bahagya akong napapikit ng imulat ko ang aking mga mata. Sumalubong kasi dito ang silaw ng liwanag na tumatagos mula sa labas ng bintana na yare sa salamin. Nang makabawi ay nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Bigla na lang nagsalubong ang kilay ko. Nasa loob ako ng isang marangyang kwarto. Hindi familiar sa akin ang naturang lugar kaya mas lalo akong nalito.

Ano ito? Nasaan ba ako? Tanong ko sa aking sarili.

Napatigil ako nang maunigang may katabi ako. Hindi ako nag-iisa dito sa loob ng kwarto. Nanlaki ang aking mga mata nang lingunin ito. Isang lalaki ang aking katabi. Mahimbing itong natutulog na tila ba pagod na pagod. May mahina pang hilik na lumalabas mula sa bibig nito.

Sino siya? Bakit ako nandito? Bakit kami magkatabi?

Shitt! Napapamura na lang ako nang wala akong makuhang kasagutan. Talagang wala akong maalala sa mga nangyayari kagabi.

Ang mas ikinagulat ko pa ay ang maramdamang wala akong suot na kahit isang saplot sa katawan. Totally nakahubad ako.

OMG! Don't tell me... shittt! Muli akong napamura. Mariin kong naitakip sa mukha ko ang aking mga palad. Anong kagagahan ang nagawa ko kagabi? Bakit may katabi akong isang lalaki? May nagyari kaya sa amin? Sana wala. Sana walang nangyari.

Huminga ako ng malalim para makahugot ng lakas. Nang makabwelo ay dahan-dahan akong tumayo upang hindi magising ang lalaking katabi ko na ngayon ay mahimbing paring natutulog. Nakadapa ito sa kama na para bang napagod ng husto sa kung ano man ang ginawa nito kagabi.

Marahan kong hinila ang kumot upang itakip sa hubad kong katawan ngunit napapikit ako sa tumambad sa akin. Halos atakihin ako sa puso sa aking nakita. Kumalabog ang aking dibdin at hindi alam ang susunod na gagawin.

He's also totally naked. Katulad ko ay wala rin siyang suot na kahit anong takip sa katawan niya. Kitang-kita ko ang maputi at mamula-mulang kutis niya mula ulo pababa likod hanggang...Shiitt!!!

Nais kung takpan ang aking mga mata pero hindi ko magawa. Hindi ko rin maialis doon ang aking mga mata na tila ba namamagnet. Napapangiwi na lang ako. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakakita ng ganitong klaseng katawan. Mabuti na lang talaga at nakadapa siya. Kapag nagkataon, baka tuluyan na akong mahimatay.

Ang tanong, sino ba siya? Gosh! 'Di ko siya kilala!!

Hindi na ako nakatiis kaya mabilis akong tumakbo papasok sa banyo. Dahil sa sobrang pagkataranta ay 'di ko inaasahang madulas ako sa loob ng banyo at bumagsak sa sahig.

"Ouch!" Tili ko.

'Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Napapahawak na lang ako sa aking balakang dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Pakiramdam ko ay napilayan ako. Hindi ko magawang tumayo, hindi ko kaya.

"Tulo-" napahinto ako. Mula sa pinagbagsakan ko ay kitang-kita ko ang lalaking nakatayo sa ulunan ko. He's staring at me. Nakakahiya at pakiramdam ko ay namumula ang buo kung mukha.

"Are you okay?" Malalim na boses niya.

Embes na sagutin ay naitutop ko ang aking bibig upang pigilang hindi mapamura dahil sa nakita. Nakaharap siya sa akin na hindi man lang naisipang takpan ang hubo't hubad niyang katawan. Wala ba siyang pakialam kung makikita ko ang hinaharap niya?

"Are you okay?" Tanong niya ulit na tila ba nagtataka sa kagagahang ginawa ko.

Napapapikit na lang ako nang yumuko siya. Naramdaman ko ang pagbingkis ng matitigas niyang braso sa bewang at likod ko. Binuhat niya ako kaya napapakagat na lang ako sa aking pang-ibabang labi. Pagmulat ko ng mga mata ay nasa ibabaw na ako ng kama.

The Untamed CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon