Chapter 1

27 4 8
                                    

dedicated to my baby pearly❤ 

Sweet love POV

"sweet love ano bang nangyare at hindi ka nakapasok ha at bakit may benda 'yang braso mo" tanong sa kaniya ng ina wala siyang magagawa kundi ang magsabi ng totoo hindi siya pinalaki nitong sinungaling masyado siyang open sa mama niya

"osige po sasabihin kona" kinuwento niya lahat simula una hanggang sa huli kitang-kita niya na nagtatagis ang panga ng kanyang ina habang ito'y nakikinig sa kanya

"sino ang walang'ya na gumawa niyan sa aking sweet love ha suportado pa man kita sa lahat pinangalan pa kitang sobrang tamis para kapag tinawag ka ng crush mo nararamdaman mong napaka special mo gaya ng pangalan mo tapos babastusin ka lang ng lalaking yun sino ba siya sa akala niya" nagtatagis ang bagang ng kanyang ina habang ito'y nagsasalita tila handa itong manapak ano mang oras

"ngunit gwapo siya ma diko siya magawang gantihan pakiramdam ko gusto ko siya mama nakamoveon na ako sa una kong crush ngayong highschool yehey!may bago na akong crush" pagmamayabang na wika niya sa ina na kaagad naman nitong kinakunot ng noo.

"hindi kita maintindihan nasugatan ka na lahat lahat nagustuhan mo pa rin ang lalaking 'yon ano  ba ang ngalan non?" tanong ng kanyang ina

"hindi ko alam ma" agaran niyang tugon. sa sobrang bilis ng pang yayari hindi na niya nalaman ang pangalan ng lalaking naging dahilan ng kanyang pagliban sa klase at benda sa braso

"tignan mo ni hindi mo pala alam ang ngalan tapos gusto mo Siya ewan ko sayo para kang ama mo napaka rupok unang kita palang gusto agad bukas na bukas pupunta ako sa skwelahan niyo upang makausap ang guidance counselor at ng magkaroon ng hustisya ang pagliban at 'yang sugat mo" ani ng ina sa kanya. habang nakikinig sa ina naalala niya na nabanggit ng kaibigang si brie ang ngalan ng lalaki ano ba iyon? calliber? calli basta malalaman niya kapag nagtanong siya sa kaibigan.

"anong ngini-ngiti mo riyan?" tanong ng ina sa kanya

"hindi ko alam ang ngalan niya pero si sandara ma alam kaya ngayon din itatanong ko sa kanya ang ngalan ng lalaking gusto ko, at oo ma marupok ako gaya ni papa pero mas nagmana ako sayo lalo na pagiging bungangera mo bye ma bukas ulit see you sa school i love you" saad niya at mabilisang nilisan ang sala kung saan sila naguusap ng ina at dumiretso sa kwarto narinig pa niya ang kanyang mama na nagsasabing
"aba't itong bata nato" nginitian niya lang ito at nagpatuloy sa kanyang kwarto. nakaramdam siya ng pagod dahil narin siguro sa mga nangyare pakiramdam niya sobra siyang napagod kaya't ilang minuto lang ay nakatulog na siya

--

nagising si sweet love dahil sa alarm ng cellphone niya hudyat na kailangan nanaman niyang pumasok sa skwela at maging studyanteng malatek nanaman haynako buhay bumangon na siya para magasikaso inuna niya muna ang pagligo. nang matapos siyang maligo pumunta siya sa kusina para sana magluto ng almusal niya ng nakita niya ang ina na nagluluto ng pagkain napangiti siya kasi sakto gutom nasiya hihi.

"ma anong almusal?" tanong niya sa ina saka umupo sa dining table sa kusina

"bacon and egg and fried rice kumainkana malelate kananaman baka mabawasan ang grado mo niyan" paalala sa kanya ng ina natawa naman siya sa sinabi ng ina

"ma concern kapa na baka yung 80 ko maging 75? HAHAHAH sabagay pasado parin naman yon e diba ma" pangangasar niya sa ina

"sabagay basta hindi bagsak anak ang katalinuhan hindi nakikita sa dami ng achievements mo sa school o sa taas ng grado basta mabait ka at madisiplinang tao matuturing ka ng mas matalino pa kesa sa mga taong matalino lang sa paga-aral" nakangiting saad ng ina saka siya iniwan napangiti rin siya sahil hindi siya nito pinupursigeng magsunog ng kilay tama na rito ang kakayahan ng anak na makapasa masaya nga ang ina niya kapag nakakakuha siya ng 80. sa simpleng pagsuporta ng kanyang mama nagiging matatag at confidentsi love sa buhay niya. binilisan niya ang pagkain ng makitang sa loob nalang ng 30 minutes magsisimula na ang unang klase niya. nang matapos siya sa kinakain nagbihis at nagayos na siya pinuntahan niya ang ina sa kwarto nito at natagpuanf naglilinis itonagpaalam ito saka umalis na.

naglalakad lang siya bukod sa malapit lang naman ang school nila e exercise narin ito para sa kanya.

nang makarating sa skwelahan nakita niya ang gwardyang laging bumabati sa kanya ng goodmorning nginitian niya ito saka bumati ng goodmorning. mabilis niyang tinahak ang daan papuntang room nila nakaayon yata ang tadhana sa kanya ngayon dahil wala pa ang unang guro nila umupo siya sa upuan niya napansin niyang wala pa ang kaibigang si brie sa upuan nito akmang tatayo siya ng dumatingang guro nila sa english.

"goodmorning class" bati ng guro nila sa kanila

"goodmorning Ma'am abiel" sagot nila sa kanilang guro
"you may now take your sit"
saad ng guro sa kanila

"okay class we're having school activity i hope that you'll enjoy and join in our school activies 2 weeks from now is school founding anniversary and this year is gonna be the best than before because our school celebrating it's 18 year kung sa babae hudyat ito ng pagdadalaga sa school naman natin hudyat na mas tumatatag at paganda ng paganda kaya ganon nalang kaming mga teacher's na kumbinsihin kayo na sumali sa gaganaping aktibidad ng ating skwelahan maasahan koba kayo" tanong sa kanila ni Ma'am abiel.

"yes ma'am we will participate" sabay sabay na saad nilang magkakaklase

"okay and oh by the way class starting tomorrow the search for Mr&Ms.Supermodel is now officially open i hope you will be one of the candidates.pero hindi muna ilalaban sa school founding anniversary secret muna kung kelan magaudition kayo class ha" paninigurado pang saad ng kanilang guro

"ma'am kelan po laban ng Mr&Ms Supermodel?" tanong ni andrew na isa sa mga baliw na kaklase ni sweet love

"kung kelan handa kana handa na kayo kaya hanggat maaari gawin ang inyong best sa pag a-adution para mapili sa screening at makapasok hanggang sa final screening" sagot sa kaniya ng kanilang guro napa "ohhh" naman silang lahat

"okay let's start our les-" naputol ang sasabihin ng kanilang guro ng biglang may kumatok sa silid nila at niluwal nito ang kaibigan ni sweet love na si brie na humahagunos

"sorry fordisturbing you ma'am pinapatawag po kasi sa guidance si sweet love" paliwanag ng kaibigan nito kaya napatayo siya sa kanyang kinauupuan

"why? anong nangyare?" naguhuluhang tanong ng kanilang guro.

"Hindi kopo alam ma'am kahit po ako pinatawag din kaya nalate po ako-" naputol rin ang sasabihin ng kaibigan niya ng biglang narinig nila ang ang announcement

"calling the attention of Ms.Sweet love and Ms.Brie of section blossom go to the guidance office now" 

"okay sweet love and brie i will put an excuse to your attendance go to the guidance now Doc.Stiela is waiting for you two." saad ng kanilang guro kaya dina sila nagatubiling lumabas dala dala ang gamit nagmamadaling pumunta sa guidance office ng school

Cold Ft.LoveWhere stories live. Discover now