Chapter 3: Hidden Identity

34 2 0
                                    

Justin's POV

Biglang sumama ang pakiramdam ko nang marinig ko ang buong pangalan ng bago naming kaklase matapos niyang magpakilala.

"Casper Zane Chaimongkhon" malinaw at sigurado akong tama ang narinig ko

Pakiramdam ko bigla akong nilamig na parang binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero ayokong maniwala.

"Justin? Justin!" pag tawag sakin ni Kyle na mukhang nag-aalala

"H-huh? Ano yun?" utal na sagot ko sa kanya

Tinanong niya ako kung ayos lang ba ako dahil napansin niya daw na tulala at parang balisa ako. Sinagot ko nalang siya at sinabing okay lang ako.

Pagkatapos ng klase ay nakatanggap ako ng tawag mula sa mommy ko. Sinabi niyang may importanteng family dinner kami sa isang restaurant na pagmamay-ari niya. Ayokong isipin pero mukhang possible nga ang bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon. Sinabi ni mom na susunduin niya ako sa entrance ng school kaya nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.

"Guys, mauna na siguro kayo. Tumawag sakin si mom eh sabi niya may family dinner daw kami at susunduin niya ako dito mamaya lang" pagpapaalam ko sa kanila

"Sige Justin, kita nalang tayo bukas" sagot nila at tuluyan nang umalis

Nang makaalis na sila, tinahak ko na din ang daan papuntang main gate ng school dahil doon ako susunduin ni mom. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano ano. Iniisip ko larin kung posible nga ba o nagkataon lang iyon. Hindi ko din alam kung anong magiging reaksyon ko sakaling totoo nga lahat ng iniisip ko.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang marinig ko ang ring ng phone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang taong tumawag.

"Where are you? I'm already here at the entrance, make it fast JJ. We're waiting" sabi ni mom sa akin

"Opo mom ito na po malapit na" sagot ko at tumakbo na papunta sa gate ng school

Nang makita ko na ang kotse ni mom, dali dali akong sumakay sa loob at binati siya. Hindi ko na pinansin kung sino ang mga taong nasa likod na upuan ng sasakyan.

"Mom! I'm here" hingal na sabi ko

"Good thing at nandito ka na. Pero son, you don't need to run. Sabi ko lang make it fast kasi kanina pa kami naghihintay sayo" saad ni mom

"Kami?" pagtatakang tanong ko

"Yes kami, aren't you gonna greet them? sabi ni mom sabay turo sa mga taong nasa likod ko

Nang makita ko kung sino ang mga ito, hindi ko halos alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang nagbalik sa akin ang pakiramdam ko kanina sa classroom pero ngayon, dumoble pa. Nanlamig ako at natulala ng ilang minuto. Napaisip ako na tama nga ang hinala ko, hindi ako nagkakamali. Nagsimula nang mabho ang mga tanong sa isip ko. Natigil lang ako nang magsalita na si mom.

"JJ! Ano? Tititigan mo nalang ba sila?" tanong ni mom sabay senyas sakin na batiin ko daw sila

"A-ah hello sa inyo" tipid na bati ko sabay balik sa ayos ng pagkakaupo ko

"What now? That's it?" usisa ni mom habang nakatingin sakin

"What do you mean mom?" kalmadong tanong ko

"Yung bati mo, that's it? Hindi mo manlang ba sila na miss?" tanong ni mom na may halong tawa at pangaasar

"Mom-" sagot ko pero natigil nang magsalita ang isang lalaki sa likod ko

If We Were Destined ( Our Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon