Chapter 14: Personal Heater

13.9K 620 133
                                    

LEAN MACAROV

These days I was learning about my ability. Hindi ko mapigilan ang saya ko, I felt excited always. Tiningnan ko orasan, 7am. Tumayo ako mula sa kama at nagbihis ng denim shorts at simpleng T-shirt, tinali ko rin ang buhok ko at nagsuot ng sapatos. Lumabas ako ng kwarto at kumatok sa pintuan ni Flame.

"Flame!" 

"Flame!"

May narinig akong kalabog sa loob, di nagtagal ay binuksan niya ang pintuan. Magulo ang buhok niya at nakapikit pa, may kumot din siya na nakapalibot sa balikat niya.

"Flame! Training na tayo!" 

Umasim ang mukha niya at may sinilip sa kwarto, kinamot nya ang ulo niya at tiningnan ako.

"Ang aga pa, mamaya na wala naman tayong pasok" sagot niya. Walang pasok kasi weekend, yung iba sa amin umalis para umuwi sa kanila, ako, si Flame, si Krayver, si Kairo at Shane lang ang natira dito sa dorm.

"Tara na" napanguso ako "sabi mo babawi ka kasi inaway mo ako--"

He groaned. Bigla niya akong hinila papunta sa kwarto niya at sinara ang pinto. Tumalon siya sa higaan kasama ako, he wrapped his arms and leg around me kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Pakiramdam ko uminit ang mukha ko, nasisiraan na yata si Flame.

Hindi siya gumalaw at mas hinigpitan ang yakap, grabe ang init ng katawan ni Flame. Parang personal heater, lumakas ang tibok ng puso ko at tinulak siya palayo.

Bigla siyang nanigas at mabilis na umupo, sinabunutan niya ang sarili niya at nanatili akong nakahiga, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.

"Maghintay ka nalang sa kusina, magbibihis lang ako" sabi niya ng hindi lumilingon sa akin. Mabilis naman akong bumaba mula sa kamay niya at naglaka papunta sa pintuan.

"A-ah, sige. Hintayin nalang kita sa baba."

Mabilis akong lumabas sa pintuan at sa pagsara nito at humigop ako ng hininga. Grabe, hindi ako huminga ng ilang segundo dahil sa kanya. Hinawakan ko ang dibdib ko, ramdam ko pa rin ang tibok nito.

Mabilis akong bumaba at nakasalubong si Shane na may dalang tasa. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

"Ayos ka lang? bat namumula ka?" nagtataka niyang tanong sa akin, napahawak ako sa mukha ko na nagliliyab sa init. 

"W-wala hehe" nag-aalinalangan kong sabi "Excited lang sa training."

Kumunot ang noo ni Shane pero nginitian niya din naman ako.

"Sige, mag-enjoy ka."

--

Magkaharap kami ni Flame ngayon sa loob ng Training center. May mga bagay na nasa harapan namin, may balahibo ng ibon, lapis, libro, upuan, gulong ng karwahe at maliit na mesa. 

Nung mga nakaraang araw, tinuruan nila ako kung paano palakasin o pahinain ang ability na ilalabas mula sa mga kamay ko. Kailangan na may kontrol ka sa mga nakapaligid sayo at hindi mahina ang isip mo. Kukuha ka ng lakas mula sa core at papadaluyin ito palabas ng katawan mo.

"These are the objects you will be using today, i-try mong i-angat sila isa-isa. Ikontrol  mo ang ability mo, wag mo lakasan para hindi ka mapagod agad at wag mong hinaan pero magawa mo ang pinapagawa sayo."

Tumango ako sa kanya. Naramdaman ko ang parang kuryenteng dumadaloy mula sa katawan ko at pinalabas ito, inisip ko na gusto ko silang paliparin. Inangat ko ang kamay ko at kasabay nito ang pag-angat ng lahat ng mga gamit sa harapan ko.

"Stop" seryosong sabi ni Flame. Bumagsak lahat ng gamit na nakalitaw sa ere kanina at gumawa ng ingay, minasahe niya ang templo niya.

"Wag mong lahatin, you need to concentrate your ability into a certain detail. Once na ma-master mo yan mas magiging disiplinado ka sa paggamit ng ability mo."

SAFIARA ACADEMY: BOOK ONEWhere stories live. Discover now