Chapter 8

319 18 1
                                    

RITA'S POV




Pababa pa lang ako para magjogging nung magulat ako na kasama na ni tita si Ken. Napatingin ako sa orasan. 5:30am pa lang nandito na siya?!!









Alam kong niyaya siya ni tita na dito na mag-agahan pero sobrang aga naman niya!










"Good morning destiny!" nakangiting banggit niya nung makita akong bumaba ng hagdan. "Magjo-jogging ka na?" tanong niya.










"Ang aga mo naman. 5:30am pa lang oh." banggit ko.








"Gusto kasi kitang makita agad eh." banggit niya at binigyan ako ng paborito kong chocolate, at bulaklak. With matching teddy bear pa.








Teka... paano niya nalaman na paborito ko tong chocolate na to? At paano niya nalaman na sunflower ang paborito kong bulaklak??






Tinignan ko si tita at napapangiti siya habang tinitignan kami. Baka siya ang nagsabi sa mokong na to.









"Para saan to?" tanong ko.









"Hmm... wala naman. Bakit nga ba binibigyan ng lalaki ang babae ng bulaklak, chocolate at teddy bear???" tanong niya sa sarili niya at ngumiti sakin. "Ahh... Para manligaw." sambit niya na tumatango-tango pa.







"Tsss... sumuko ka na agad. Wala kang pag-asa sakin." banggit ko at ipinatong iyon sa mesa sa tabi ko.










"Alam mo ba destiny, mula nung makilala kita, parang hindi ko na ata alam kung paano sumuko eh haha." natatawang banggit niya. "Hindi kita titigilan hangga't hindi kita napapasagot, di ba tita?" masayang banggit niya at tinignan pa si tita.








Nagthumbs-up naman sa kaniya si tita.







Natatawang nailing na lang ako dahil kinilig din naman ako sa sinabi niya.








Oo, kinikilig ako pero halos kakikilala pa lang namin. Wala pa nga kaming isang buwan na magkakilala eh. Hindi ko pa siya totally kilala, at maging siya sakin.










At for sure, palalayuin ako ni daddy sa kaniya kapag nalaman niya to... kapag nalaman niyang may umaaligid na lalaki sakin dito sa probinsiya. Baka pauwiin ako agad nun.








Masaya pa ko dito. Gusto ko dito kasama sila tita at Glysa. Mas panatag ako sa kanila. Gusto ko pa din siyang makasama.









"Destiny, ingat ka sa pagjo-jogging huh. Makikitulong ako kay tita sa pagluluto, para kapag mag-asawa na tayo, maipagluto kita!" masiglang banggit niya.








Maging mag-asawa? Kami??? Pwede nga ba??










Syempre hindi.. dahil tututol si daddy. Baka kung ano pang gawin ni daddy sa kaniya kapag nalaman niyang gusto ako ng taong yun.









Kaya tong umuusbong kong nararamdaman kay Ken.. kailangan ko na tong patayin. Masyado siyang mabait para masaktan sakin.











Lumabas na ko at nagjogging.










Oo, gusto kong magpakasal sa taong mahal ako at mahal ko rin... pero hindi pa yun ngayon. Hindi si Ken yung taong kaya kong iharap kay daddy. Hindi matatanggap ng konsensiya ko ang mangyayari sa kaniya kapag nagalit si daddy. Hindi ko kayang masaktan siya.








Destined To Be Yours (RitKen Fanfiction)Where stories live. Discover now