Chapter 28

265 10 0
                                    

"Mommy!"

naguguluhan itong tumingin sa kanyang ina na may mga tanong sa kanyang isipan.


Napabitaw bigla si Reign kay Marcus at humarap na nag-alalang mukha sa kanyang anak.Nag-alala siya sa kanyang anak baka di siya maintindihan nito at baka magalit ito sa kanya dahil itinago niya ang totoo kapag nalaman na nito.


"What are you doing?Why is he hugging you mommy? Who is he? "Daming tanong nito na naguguluhan at nalilito. Limang taon pa lamang si Max pero kung magsalita daig pa ang isang matanda.

Parang binuhusan ng malamig na yelo si Reign dahil sa gulat sa kanyang anak.

Hindi alam ni Reign kung paano ipapaintindi sa anak ang nangyayari. Napakakomplikado ng lahat dahil ang inaasahan nitong ama ay si Sebastian lamang.Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin sa anak, dahil natatakot siya na baka kamuhian siya ng kanyang sariling anak.

She move her foot towards her daughter at hinawakan ang mga kamay nito.

"Max! Listen to me okay"wika niya sa mahinahong boses para mas lalo siyang maintindihan ng kanyang anak.

Tumango ito.

"Now, look at him? "Turo ni Reign kay Marcus sa kanyang anak. "Do you see his eyes the same as you are?Diba you asked me when we are in Paris of why your not the same as your daddy Seb? It's because daddy sebastian is not your biological dad. He is your real dad"sabi niya sa kanyang anak and she pointed Marcus stand behind her.


Umiling-iling naman ang kanyang anak dahil sa nalalaman at nagsimula na itong umiyak sa harapan niya. 


"No!Your lying mommy. Daddy seb is my daddy."sigaw nito at nagwawala sa kanyang harapan.


Lalapitan sana ni Marcus ang anak ng bigla siyang mapahinto at matuod sa sinabi nito.


"Don't come near me. Your not my daddy, because if you are you don't even leave me and my mommy. You didn't love me and my mommy"sabi nito sa galit na boses at dinuro si Marcus.


Umiling naman si Marcus sa sinabi nito.

"No. I'd love you both baby okay. I was just an asshole before and I am so sorry baby if daddy won't be there to your existence"paliwanag ni Marcus sa kanyang anak.

Gustong niyang yakapin ang anak pero lumalayo ito na para bang isa siyang nakakatakot na tao. Nasasaktan siya hindi dahil sa hindi siya nito kilala kundi ang makita ang anak na umiyak sa harap niya na nahihirapang intindihin ang lahat at mas lalong nahihirapang tanggapin siya bilang totoong ama nito.

Kung hindi lang siya naging gago noon hindi sana hahantong sa ganito. Napaka-makasarili niyang tao dahil mas inuna niya ang kaligayahan niyang makahiganti at hindi inalintana kung may masasaktan ba siyang tao. Hindi siya deserve maging ama ng kanyang anak dahil napakagago niyang tao.

"Max please"nagsusumamong kausap ni Reign sa sariling anak na humihikbi sa pag-iyak. Nakaluhod pa rin siya para maging pantay ang kanyang anak.

THE BILLIONAIRE'S DAUGHTEROnde histórias criam vida. Descubra agora