Sais: Panibago

14 0 0
                                    

To be honest, matagal ko na tong pinapangarap na mangyari. Na nakabawi ako mula sa napaka disastrous na nangyari sa amin dati. I hoped that dumating ang araw na magiging ayos muli kami and here we are, in front of that girl who asked me for a date. Alam ko na "this is my chance" at ibibigay ko ang best ko para di muling mabigo. Pero somehow, things still dont change.


"Wait... wait..." Nalilito na sinabi ni Margaux. "Saan ba tayo pupunta?"


"Saglit..." Sabi ko sa kanya. "Diba ikaw ang nagyaya? Kala ko may plano ka na?"


"Yun nga eh." Sagot niya. "Nakalimutan ko itanong sayo kung san mo gusto pumunta."


Ako na walang ideya kung saan pupunta tried a way to fix this mess. "Alam mo, yaan mo na."


"Anong yaan mo na?" Tanong niya sa'kin.


"Yaan mo na." I said. "Kung saan mo gusto pumunta, doon ko rin gusto."


Pagkasabi ko sa kanya ay napatigil siya at pinag-isipan ang aking sinabi.


"Sige tara." She grabbed my hand at hinila niya ito like I was in a leash.


"Hoy!" Umangal ako. "Saan mo ako dadalhin?"


"Bastaaa." Pa asar niyang sinabi. "Magugustuhan mo to, huwag ka mag-alala."


Dinala niya ako papasok sa mall at nagtungo kami papunta sa isang arcade sa may 1st floor.


Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Oh, bakit tayo nandito?" tanong ko sa kanya.


"Bakit?" Tugon niya. "Ayaw mo bang maglaro? Tara!" She smiled at me at tumakbo na siya paloob ng arcade.


Sinundan ko siya paloob at naglaro muna kami ng table hockey. Di ko inasahan ang galing ni Margaux sa larong to. Sa lahat ng games namin, lagi akong talo sa kanya.


"Bat ang galing mo sa ganto?" I asked. "Kala ko ba hindi ka sporty?"


Napangiti siya sa sinabi ko. "Well, lagi akong nalabas ng bahay nung senior high. Siyempre, natuto na akong mag lakwatsa."


"Talaga?" Natanong ko sa kanya out of shock. "Eh nasaan mga kaibigan mo sa architecture?"


Napatigil siya sa sinabi ko. "Eh... Ayun. Busy sila ngayon eh." Sinagot niya. "Tsaka, ayaw mo bang nakasama ako ngayon?"


Bigla akong namula sa sinabi niya. "Ah... Eh..." Nauutal kong sinabi. "Siyempre... Gusto kita makasama. Kaya nga nandito ako ngayon eh."


Tumigil na kami sa paglalaro ng table hockey at pumunta naman kami sa basketball shootout. Nag share kami sa isang machine at biglang nagkaroon ng pustahan.


"Hoy George..." Tinawag niya ako. "Pag nag shoot to, ililibre mo ako sa gusto kong place kumain."


"Huy saglit ang daya ha!" Sagot ko sa kanya. "Parang ng hirap ishoot niyan ah."


Umatras siya ng ilang mga hakbang mula sa ring. "Oh ito, ok na?*


Napangiti ako sa ginawa niya. "Ah... Sige sige. Pero kapag sumala yan, ako naman ang ililb--"


Tinira na niya ang bola at ito'y na-shoot sa ring.


"Yes!" Napasigaw siya sa tuwa. "George... Alam mo, bait bait mo talaga!" She again grabbed my hand at dinala niya ulit ako palabas.


Ngayon naman, nagtungo kami sa food court sa may third floor.


"So... Anong gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya.


"Kung anong gusto mo." She replied. "Kung saan ka, doon ako."


Namula ulit ako sa sinabi niya. "A... Akala ko ba mapili ka sa pagkain?" Tanong ko sa kanya.


"Ah... Dati lang 'yon." Sinagot niya sa akin. "Kung mapili parin ako hanggang ngayon, nako di ako magtatagal sa Maynila."


"Ah ganun ba?" Ngumisi ako. "Sige. Ihanap mo na tayo ng maupuan."


Bumili ako ng tapsilog at iced tea para sa amin at dinala ko ito sa table namin.


"So yung favorite mo yung na decide mong bilhin?" Tinanong niya sa akin.


"Pano mo nalaman na favorite ko to?"


"Ah... Eh... Sinabi mo yun sakin dati, naalala ko lang." Sinagot niya sa akin. "Tara, kumain."


Umupo na ako sa upuan at nagsimulang kumain. Sumubo muna ako ng isang kutsarang kanin nang napansin ko na nakatitig siya sa'kin.


"Uhm... Ayaw mo pa kumain?" Tinanong ko sa kanya.


"Ah..." Nauutal siya. "May iniisip lang ako. Sige kakain na ako."


Nagpatuloy na siya ng pagkain nang napansin niya na ako naman ang tumitig sa kanya.


"Oh," tinaasan ako ng kilay. "May problema ka?"


"Wala naman." Sagot ko kay Margaux. "Iniisip ko lang kung anong magandang tawag sayo. Ang haba kasi ng Margaux eh."


"Ano bang gusto mo?" Tinanong niya sa akin. "Babes ba o beh?"


Namula nanaman ako at nagulat sa sinabi niya. Tumahimik ang paligid ng saglit at pagkatapos ay ngumiti siya.


"Ikaw naman, hindi ka mabiro George."


"Grabe ha" i smiled. "Sige ito nalang. Ang tawag ko nalang sayo ay..."


"Ano?"


"Abby." Sagot ko. "Wala lang, mas madali sabihin eh kaysa sa mArGoW"


"Wow ha!" Tumawa siya. "Di ako sanay na tawagin sa second name eh."


"Sasanayin kita."


Napatigil siya sa paguusap at nagpatuloy siya sa pagkain.


"Abby..." Tumingin siya sa akin.


"Oh bakit naman George?" Tanong niya sakin.


"Oh diba, gumana?" I answered
"Tignan mo. Unang beses palang na tinawag kita, tumingin ka na agad."


Parehas kaming tumawa sa nangyayari at nagpatuloy nalang sa pagkain.


At this moment, alam kong naging mabuti ang nangyari sa gabi na 'to. Para bang nag succeed na ako sa goal kong maging ayos na ulit kami. Pero ilang minuto ang nakakalipas, napansin ko na meron paring mga bagay na hindi nagbabago.


"Ang awkward parin natin no?" Sabi ko sa kanya.


"Ah... Eh... Hindi sa ganon." Sagot niya. "May iniisip kasi ako."


"Ano ba yang iniisip mo?" Tanong ko sa kanya. "Saglit... Kung ok lang sa'yong ikwento."


"Kasi..." Idinagdag pa niya. "Pwede mo ba akong tulungan?"


Nalilito ako sa mga sinasabi niya. "Ano bang meron?"


"Eh kasi..." Iniisip niya ang kanyang sasabihin. "Me and Adrian just broke up last Monday."


Laking gulat ang aking nararamdaman. "Ah... Eh anong kailangan mong tulong sakin?"


"Hindi ko alam." Nagsimula na siyang maging emosyonal. "Masakit para sakin ang nangyari eh. Ilang araw na'kong nagiisip kung saan ba talaga ako nagkulang or what. Wala man lang akong malapitan para buhusan ng lahat." Nagsisimula nang tumulo ang mga luha.


"Abby..." Humawak ako sa kanyang kamay. "Iiyak mo lang yan. Simula ngayon, ako ang magpapawi sa iyong mga luha."

~•~•~

ReforgetTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang