Chapter 5

2 0 0
                                    

6am pa lang ay patapos na akong maggayak. Ewan ko ba kay self kung bakit ang aga kong nagising 'e wala naman akong gagawin. Siguro dahil excited akong makasabay sa lunch time si Emman. 

Bumaba na ako papuntang kusina at nadatnan ko yung mga maid namin na naghahain ng almusal. Wala pa sina Papa, siguro ay tulog pa or hindi umuwi. Tumulong na ang muna ako sa paghahain at ilang sandali pa bumaba na si Kuya na malawak ang ngiti habang nakatingin sa sahig. 

Napaka saya naman ata ng unggoy ngayon, mukhang maganda ang gising.

"Oh Kuya ngingiti-ngiti ka diyan, nakahanap ka na siguro ng babae ano?" pangaasar ko ng makalapit siya sa upuan niya at naupo. 

Kumunot naman ang noo niya at inirapan ako. Baklang bakla ang putek. Kumain na lang kami kasi hindi pa raw umuuwi sina Papa simula kahapon baka mamaya or bukas ng gabi pa ang uwi. Hirap talaga ng ganito, wala nga kami problema sa pera madalang naman kami magsama-sama.

Mabilis lang kami nagalmusal ni Kuya at gaya kahapon hinatid niya ako sa room. Hindi ko naman maiwasan ng tingin ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin. Halatang gustong may itanong pero walang naglalakas ng loob. Sigawan ko sila tigiisa 'e.

"Susunduin kita dito. Dito sa room mo kaya huwag kang kung saan saan nagsususuot babae ka." Sabi ni Kuya at umalis na rin agad. 

Umirap na lang ako at dumiretso na sa upuan ko. Wala pa si Kendrick, siguro ay may katotnakan na naman. 

Teka pake ko ba sa kaniya?

Natapos ang four subjects namin at hindi pumasok si Kendrick pero wala pa rin akong pake. Inaayos ko yung gamit ko ng may sumisitsit pero hindi ako lumilingon dahil una baka hindi ako yung tinatawag at pangalawa hindi ako aso kagaya nung mga babae ni Ken-

"Iowa!"

Awtomatiko akong napalingon sa labas ng nakilala ko yung boses ng tumawag sa akin. I smiled when I saw Emman waving at me. Dali-dali kong inayos yung mga gamit ko at lumabas para lapitan si Emman. 

I was shocked when he took my bag at nagsimula ng maglakad. Ilang sandali akong natulala bago sumunod sa kaniya. Anong meron sa lalaking yun at mukhang nasasapian? M

abilis akong nakalapit sa kaniya at magkasabay ng lumalakad. Napansin ko naman na may mga estudyante na nakatingin sa amin at mukhang walang pake doon si Emman kaya hindi ko na lang din pinansin yung mga nakatingin sa amin.

Nakarating kami sa canteen at sa may bungad lang kami pumwesto na pang dalawahan lang. Nilagay naman ni Emman yung bag ko sa inuupuan ko habang nakangiti.

"What do you want to eat? It's on me don't worry." tanong niya na nasa tabi ko habang nakatingin ng diretso sa mata ko. 

Nailang ako sa mga tingin niya kaya tumungo na lang ako.

"Ah kahit ano, ikaw na ang bahala."

Umalis naman na siya para um-order kaya kinuha ko na lang yung phone habang nag s-scroll sa IG. Mabilis naman siyang nakabalik kaya nilapag ko na yung phone ko at tinulungan siyang iayos yung pagkain. 

Habang kumakain siya ay kinuha ko yung phone ko para kuhaan siya ng litrato pero bigla ko na lang gustong kainin ako ng lupa ng may flash pala yung camera. Nabitawan ko yung phone at nalaglag sa lamesa. Halos lumubog na ako upuan ko habang siya naman ay tumatawa. 

Amputek naman Iowa hindi ka na nahiya.

"If you want to take me a picture, you can ask me anytime." He said while laughing.

Tumungo lang ako at kumain na lang ng tahimik. Bigla naman niyang kinuha yung phone ko at nilagay sa camera.

"Smile!" he said bago pindutin yung white button pero hindi ako nakangiti doon sa picture dahil nakamulaga ako at halatang gulat na gulat.

"Ang cute mo oh! You look like a high school student who saw her crush here." Saad niya habang sino-zoom yung mukha ko. Inagaw ko naman yung phone ko at sinamaan siya nang tingin.

"Ang sama mo!" singhal ko at tinapos na yung pagkain ko. Naiilang naman ako kasi habang kumakain siya ay nakatingin sa akin. May amos ba ako or mukha na akong zombie?

"You look like my queen."

Nasamid naman ako sa sinabi niya at halos maibuga ko na iyon sa mukha niya kung hindi ko na pigilan. Napaka siraulo talaga ng lalaking ito.

"Siraulo." I whisper while looking at him. Tumawa lang siya at inayos na ang sarili bago tumayo.

"Let's go? Hatid na kita sa room mo."

Tumayo na ako kukunin na sana yung bag ko ng bigla iyang inagaw yun at iniwan ulit ako. 

Tamo talaga ugali nun may pagka gentleman na bastos. Hinabol ko na lang ulit siya at binatukan nang makalapit ako.

"Ouch! Why did you do that?" singhal niya habang nakahawak sa batok niya. 

Inirapan ko lang siya at mas binilisan ang paghakbang pero nakakaabot pa rin siya ng walang kahirap-hirap. Ang haba naman kasi ng biyas.

Pagkarating namin sa tapat ng room ko ay nakita kong papalapit si Kendrick. Mukhang ngayon pa lang papasok ang little lizard. Masama ang tingin niya kay Emman pero hindi naman yun napansin ni Emman.

"Una na ako kasi baka andoon na yung proof namin. Thank you!" he said at ginulo yung buhok ko bago umalis. 

Napailing na lang ako at papasok na sana sa room ng biglang may humawak sa wrist ko. Napalingon ako doon and I found out it's Kendrick who did that. Inagaw ko agad yung wrist ko at sinamaan siya ng tingin.

"What? May naiisip na ba na magandang reason ha?" mataray kong singhal sa kaniya habang nakataas ang right eyebrow ko.

"Layuan mo ang lalaking yun!"

Walang pag aalinlangan ko siyang sinampal kahit nakatingin na sa amin yung iba naming kaklase.

"Wow ha? Kung makapagsalita ka naman diyan parang wala kang pinalit sa akin habang tayo pa at ano bang pake mo kung bago ko siya? Walang wala ka pa sa kalyo niya sa paa Kendrick so shut up!"

Iniwan ko na siya doon at naupo na lang sa bakanteng upuan sa unahan dahil ayaw ko siyang makatabi. Nag iinit ang dugo ko sa kaniya at bakamamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko at masakal ko pa siya. Bwiset talaga ng putek. 

At dahil doon wala akong naiintindihan sa mga lesson kahit nasa unahan na ako dahil lamang sa galit na nararamdaman ko sa kaniya. Napaka sama niya talaga amp.

Umalis na yung mga kaklase ko pati na rin si Kendrick at ako na lang ang nandito sa room dahil hihintay ko pa si Kuya . Hindi naman nagtagal ay dumating na siya na mukha galit kaya hindi rin ako nag abala pang magsalita dahil galit din ako. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay na walang nag iimikan. Nakita namin sina Papa sa living room na nag uusap. Kinamusta lang nila ako habang si Kuya ay dire-diretso sa taas.

"Nag away ba kayo ng Kuya mo?" tanong ni Mama pero umiling lang ako.

"Hindi na muna ako kakain ng dinner, Ma. Marami pa kasi akong gagawin." Pagsisinungaling ko kasi wala akong gana. 

Pagkarating ko sa kwarto ay nag half bath na lamang ako at nagbihis bago matulog. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala akong masyadong ginawa ngayon kaya nakatulog agad ako.

Trap (COMPLETE)Where stories live. Discover now