Kabanata 9

3 0 0
                                    

Pinapasok namin sila, andami nilang dalang folder. Napansin kong nakauniform pa rin si Peter, mukhang diretso agad dito.

'So, eto yung mga case ng accidents sa highway na yun' nilapag nya ang mga folder. Agad namang kumuha si benj ng isa at binasa na ito. Kumandong ako sakanya para mabasa rin ang binabasa nya.

'What are you doing?' Tanong nito ng makaupo ako sa lap nya.

'Makikibasa' sumandal ako sa dibdib nya. Agad naman nyang tinaas ang papel para mabasa ko din.

'Anong ginagawa ng dalawa?' Tanong ni peter kay mina.

'Naghaharutan' bulong na sabi ni mina pero narinig ko naman.

'Hey!' Humagikgik ito ng sumabat ako sa usapan nila.

'Wag ka ngang malikot' inis na bawal ni benj.

Mga 15 mins na kaming nagbabasa nang biglang sumigaw si peter.

'I think eto na yon!' Peter exclaimed.

Pinakita nya kay mina ang folder, seryosong binasa ito ni mina.

'Lalaki yan' hinagis ni mina kay peter ang folder. Peter sighed.

'Bakit wala dito yung aksidente na nangyari last sem?' Kunot noo na tanong ni mina.

'Ano bang accident yon?' Peter asked. Naramdaman ko namang na nilagay ni benj ang kamay nya sa bewang ko. Tinapik ko ito agad naman nitonf tinanggal. Lumapit ako kay mina dahil interesado ako sa sinasabi nya.

'Naalala ko yun dahil yun agad ang bumungad na balita sakin nung lumipat ako dito. Babae ang naaksidente roon' kinuha ni mina ang cellphone nya at nagtipa.

'Here, Cassandra Montemayor' nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig iyon.

'Hindi ba girlfriend yon ni charles?' Seryosong tanong ni peter kay benj. Tumango ito.

'I didn't know na naaksidente sya' benj said looking at me.

'Nakita nyo ba ang itsura non?' Mina asked them.

'Yes. Search mo, alam ko ay lumabas iyon sa isang TV commercial' Peter said. Tumabi ako kay benj na nakatingin ng seryoso sakin.

'But she's not dead though' Mina read the article about cassandra.

'Tingnan mo ang picture' utos ni benj.

Nagresearch pa si Mina about kay cassandra, lahat kami ay nakafocus lang sakanya. Nakita ko na nanlaki ang mata nito tumingin ito sakin. Hinarap nya sa amin ang phone nya. A picture of a girl smiling, na kamukha ko.

'You're Cassandra Montemayor' bulong ni mina.

'Dude' nakita ko ang gulat at takot sa mukha ni peter. Nakatulala pa rin si benj sa picture.

'S-sabi mo hindi pa sya p-patay' utal utal na sabi ko kay mina. Tumango si mina at binalik ang atensyon sa kanyang phone.

'Sabi rito ay comatose ka daw' pagtuloy na basa nito sa balita.

Tumayo si benj lahat kami nakatingin sakaniya. Kinuha nya ang susi nya at lumingon samin.

'Let's go' sabi nito, sumunod kami sakanya. Sumakay kami sasakyan nya.

'S-san tayo pupunta?' Tanong ko rito.

'Hospital. Akala ko si uncle ron ang nasa room na yon' tipid na sagot nito.

Nakadating kami sa hospital, binati agad ng mga staff si benj, ang nga iba ay nagtataka.

'Saan ang room nya?' Tanong ni mina.

'VIP room' benj answered. Sumakay kami sa elevator. Pagkadating naman sa ika-16 na palapag ay kumapit ako kay benj.

'Pano tayo makakapasok jan?' Nakita ko kasing may mga bantay. Lumapit si benj sa bantay may binulong sya rito agad naman binuksan ang pinto.

Pumasok kami sa isang kwarto, walang tao rito bukod sa mga nakabantay sa labas. Lumapit ako sa babaeng nakahiga sa kama. I gasped when I saw myself, ang daming nakaconnect na makina sakin. Tumingin ako kay benj na seryosong nakatingin sa katawan ko.

'Kilala mo sya?' mina asked, kunot noo ito mukhang nagtataka kung pano kami nakapasok sa isang VIP room. Umiling si benj.

'Hindi pa kami nagmeet kasi lumaki ito sa america, pagkauwi nya ay yun naman ang pagalis ko para magaral ng medisina' paliwanag nito. Tumango ako ng maalala ko amg kwento.

'P-pano ako babalik sa katawan ko?' I asked them. Tumingin lamang sila sakin.

Nakita ko si peter sa gilid may tinitingnan ito, tiningnan namin sya.

'Ako ang nakaduty nung araw na yon, pero ang lumabas sa report ay aksidente ang nangyari sayo' he said seriously.

'Ikaw ba ang naginvestigate?' Umiling ito.

'Mas malapit ang pinangyarihan sa kabilang bayan, kaya naman sila ang kumuha ng case na to. Pumunta lang ako dahil dito sinugod ang biktima' tumango si mina.

'Pero bakit wala ang case nya sa mga dala mo kanina?' Mina asked peter.

Hi, GhostWhere stories live. Discover now